poem 1

3 0 0
                                    

Gusto kitang kausapin.
Gusto kitang yayain.
Pero bakit hindi ko magawa.
Na para bang natatakot kung hindi mo sasagutin.
Ang mga tanong na noon ko pa dapat sasabihin.

Ba't wala akong lakas ng loob, na i'kay kausapin.
Na kahit gustong-gusto ko, pero hindi ko kayang gawin.
Ano bang meron sayo? Bat hindi ako makalapit.
Na kahit malayo palang, ikaw na'y nababatid.
Dahil sayo ako'y nagka ganito.
Dahil sayo ang puso ko'y naging bato.

Ikaw pabay iisipin? o dapat nang limutin.
Kahit hirap na akong umasa.
Bakit hindi ko pa kayang bumitaw.
Na kahit gustong-gusto ko nang gawin.
Pero hindi kita kayang limutin.

Sana hindi nalang ako nagka gusto sa taong kagaya mo.
Kasi wala ka namang pakialam sa nararamdaman ko sayo.
Bakit ba nagkakagusto ako sa taong hindi naman ako gusto.
Ganito ba talaga ang tadhana.
Na para bang ako ay pinaglalaruan lamang.

Kung alam mo lang ang hirap umasa sa taong tulad mo..😓😓
Ang hirap mag assume na may pag-asa pa ako sayo.
Na kahit sa panaginip ikaw ang nakatatak sa aking isip.
Kahit iisipin ko na ikaw ay limutin.
Pero sa puso ko ikaw pa rin ang kinikimkim.
Itutuloy pa ba itong nararamdaman?.
O ikaw ay bibitawan na lamang😞😭.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 28, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"Itutuloy pa ba o Kakalimutan na?"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon