Teacher: Alam mo ba Boknoy. Ang baba ng grades mo.
Boknoy: Sorry po sir. Pwede niyo po ba ako bigyan ng chance ?
Teacher: Oh sige, mag tatanung ako sayo sasagutin mo lang.
Boknoy: Sige po sir.
Teacher: Ilan taon ka na?
Boknoy: 13 po
Teacher: Ano gusto mo maging paglake mo?
Boknoy: Maging 14 po sir.
Teacher: I mean, ano pangarap mo?
Boknoy: Ahh. Maging sundalo po sir.
Teacher: Ngayon pa ? Ang sundalo ngayon pinapatay ng kalaban.
Boknoy: Ganun ba sir ? Gusto ko na lang maging kalaban.
Teacher: Boknoy, umayos ka. Ibig ko sabihin mag-isip ka pa ng iba. Pwede magsasaka.
Boknoy: Ayaw ko sir, pangmahirap na trabaho yan.
Teacher: Boknoy, di mo ba alam na yang kinakain mong kanin galing sa dugo at pawis ng mga magsasaka.
Boknoy: Yuckkkkk, kadiri naman pala sir.
Teacher: Ang ibig kong sabihin pinagpaguran nila.
Boknoy: Ah, ganun ba sir.
Teacher: Ikaw Boknoy bat ka ganyan. Ang galing galing mo sa basketball sa exam hindi?
Boknoy: Sir common sense lang, sa basketball okay ang teamwork sa exam hindi.
Teacher: Naiinis na ako sayo Boknoy.
Boknoy: Sorry sir, plss give me another chance.
Teacher: Ok, ok. Academic tayo.
Boknoy: Sige po sir.
Teacher: History nalang pala.
Boknoy: Wag yan sir, wala akong future diyan.
Teacher: Sige math na lang.
Boknoy: Sige sir.
Teacher: Problem solving. Ang tatay mo ay umuwi may dalang 1000 binigyan ang nanay mo ng 500. Magkano ang sa tatay mo?
Boknoy: Wala po sir
Teacher: Di mo ako naiintindihan Boknoy.
Boknoy: Sir di mo alam ugali ng nanay ko.
Teacher: Oh sige ESP.
Boknoy: Sige sir
Teacher: Sa batang makulit na katulad mo sino ang dapat pumalo nanay mo o tatay mo?
Boknoy: Tatay ko po.
Teacher: Bakit?
Boknoy: Nasa abroad siya eh.
Teacher: Boknoy, ibabagsak na talaga kita.
Boknoy: Sir plss wag.
Teacher: Oh eto culture.
Boknoy: Sige po.
Teacher: Ano ang pambansang hayop?
Boknoy: Kuto
Teacher: Hindi yung may "w" sa dulo.
Boknoy: Kutow
Teacher: Mali yung may sungay.
Boknoy: Jusko Po !Demonyong kutow.
Teacher: Nasa lupa.
Boknoy: Kutong lupa sir!