Juan: nagyoyosi ka?
Pedro: oo.
Juan: ilang kaha sa isang araw?
Pedro: tatlo...
Juan: magkano isang kaha?
Pedro: 40 pesos
Juan: gano kana katagal nagyoyosi?
Pedro: 15 years
Juan: kung ang isang kaha ay 40 pesos, nakaka-tatlong kaha ka sa isang araw bali sa isang buwan nakaka P3,600 pesos ka. Sa isang taon meron kang 43,200 pesos, tama?
Pedro: oo?!
Juan: alam mo ba kung hindi ka nagyoyosi, naipon mo sana ang pera mo nailagay mo sana sa bangko at nakabili ka sana ng sports car?!
Pedro: ikaw nagyoyosi ka ba?
Juan: hindi.
Pedro: ohh, loko ka pala eh. Asan yung sports car mo?!