Your Last Words [One Shot]

14.9K 287 67
  • Dedicated kay to all people who are waiting
                                    


***

“The worst feeling ever is not knowing whether you should wait or give up.”

***

Simple lang ang kwento ko. Uunahan ko na kayo, open-ended ‘toh. Kasalanan ko naman kasi. Hanggang ngayon, naghihintay pa din ako sa kanya, na kahit malayo siya, heto pa din ako, nagbabakasakaling babalikan niya. Alam ko, darating ‘yung araw na magkikita kami ulit. Hanggang ngayon nga eh umaasa pa din akong tutuparin niya yung pinangako niya sakin. Sana… Sana… Sana…

***

Nagsimula lang namang magkaro’n ng spark ‘yung buhay ko nang tumuntong ako ng fourth year. Excited na kong magcollege. Gusto ko na ngang lagpasan ang pagiging senior eh! Kung pwede lang! Pwede bang college na agad? Excited na ‘yung hyper na batang tulad ko magcollege. Hahaha.

Katatapos nga lang pala ng Sembreak/Halloween/Pasko/Bagong Taon sa school namin. Kahit kakatransfer ko lang sa Sacred Heart Catholic School—isang kilalang school para sa mga katoliko sa lugar namin--naka-adjust na naman ako sa school environment nila dito.

“Kyaaah!” hiyawan ng mga third year students pagkatapos ng klase nila sa sikat na religion teacher na si Sir Kenneth. Oops. Hindi siya ang bida sa storya ‘ko. Teacher ‘yan noh at ang balita ko, seminarista pa. Kung magkakainlove-an kami niya, eh jusme, talunan na pre. Lahat na ng climax na pwedeng mailagay sa kwento ko eh nando’n na.

Binabawi ko na yung sinabi ko kanina. Sa lahat ng meron sa bago kong school, sa eksenang ito sa umaga, hindi talaga ako makapag-adjust. Kung bakit naman kasi sa tuwing matatapos yung klase nilang 45 minutes kay Sir Kenneth eh dapat kiligan na sila.(Tilian, kalmutan, harutan) Lokohan to? Babae din ako tulad nila pero malabong umabot ako sa ganyang point. Hindi naman sa exaggerated na yung kwento ko, pero try mong mag-aral sa school namin. Magsasawa ka na lang sa ganyang eksena.

“Bilisan na nga  nating maglakad Stef,” sabi ko sa closest friend ko sa new school na ‘to. Isa rin to eh. Nang mapadaan kami sa classroom ng 3-C eh napaslowmo ang lakad niya, knowing na mabilis siyang maglakad. Isa rin siyang baliw ke Sir. Hayyy.

Teacher din kasi namin si Sir Kenneth. I admit, gwapo siya. Pero HINDI AKO KINIKILIG SA KANYA. NEVER AKONG KIKILIGIN SA KANYA. NEVER. Sana tumalab yung pagkakaCaps Lock ko para mapatunayan kong wala siya sakin. Normal na teacher lang siya sa bagong school na ‘to. Please lang.

“T-Teka naman Ellaine. Ang sarap kasing titigan ni Sir Kenneth! Kahit kailan hindi ako magsasawang titigan siya,”ang bagal ng lakad niya. Take note,  dala-dala niya pa yung mga apparatus na gagamitin namin sa subject na physics. Konting iwan ko pa sa kanya eh nakatanga na siya sa pintuan ng classroom na yun eh. "Wag ka na ngang KJ dyan. Pag ikaw nagkacrush do'n. Aasarin kita ng matindi!"

“Sige. Kung titingin ka pa kay Sir, mauuna na ko. Nakakahiya naman kasi sa “group” natin eh,” magkagroup kaming dalawa sa experiment na gagawin namin. Binigyan ko nan g quote-unquote yung word na “group” para naman maalala niyang may gagawin pa kami. Teka? Ako magkakacrush dun? No way.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon