Tayo: Isang panghalip panao na tumutukoy sa dalawa o higit pang tao.
Halimbawa: Tayo ay masayang kumakain kahapon ng mansanas.
Pero, sa susunod na pangungusap, ano ang kahulugan ng salitang tayo?
“Hindi pwedeng maging tayo kasi magkaibigan tayo.”
“Maraming maaaring maging kahulugan ang panghalip na ‘to. Subalit, kung bibigyang kahulugan ang pangalawang gamit sa salitang tayo---“
“Eireen! Nagbbrain storming ka na naman mag-isa?” tawag ng isa sa mga anak-anakan ko na si Claire.
“Baliw. Nagrereview ako sa quiz naming mamaya sa Filipino. Anong brainstorm ka d’yan,” sabi ko sa kanya tapos nilipat ko na yung page na binabasa ko.
Narito ako sa cafeteria ng University namin. First year pa lang ako. First year rin ‘yang si Claire. Anak-anakan ko ‘yang babae na ‘yan, pero bata pa lang ako ha? Sa barkada kasi namin, ako ‘yung pinakamatured, kaya nanay ‘yung tawag nila sa akin.
“Ehem! Anong kaguluhan ‘to ‘nay?” sabay singit ng isang sobrang pamilyar na boses.
“Ikaw Levi. Anak ng pating! Sulpot ka lang ng sulpot ah!” sigaw ni Claire sa kanya. “Nanay oh. Hinihila niya na naman ‘yung tali ko. Ang kulet,” as usual. Nagkukunwarian na naman silang nag-aaway sa anak ko. Kasi nga nanay-nanayan nila ako.
Umub-ob ako sa sobrang… Uhm… Frustration? May quiz kasi mamaya, tapos andito ‘yung dalawang makulit kong anak. High school palang kami nang maging anak ko ‘yan. Pito nga sila eh. Pero, ‘yang si Levi ang pinakabunso. Fourth year kami nang maging part siya ng barkada. Pinaka-special ‘yan. Special child. :D
“Nay!” sabay lagay ng kamay niya sa balikat ko. Akbay ba? Ganun. “’Wag ka ng mag-aral! Hahaha. Joke. Punta raw tayo kina Shawe. Birthday niya ngayon eh.”
“Eh. Daanan mo na lang ako mamaya pagkatapos ng klase. Pwede?”
“Sure nay. No problem.”
***
Natapos ang eksena nang tumapat na sa alas-nuebe ‘yung orasan. Finally! Na-achieve rin ang weekend! Friday kasi ngayon, kaya okay lang rin na sumama ako kina Shawe. For fun, kaya super hangout to the max kami. Natapos na ang klase, ang quiz ng gano’n kabilis. Hindi ko namalayan ah? Infairness.
“Ang “kaibigan” mo ho Eireen, eh naghihintay na sa labas.” Sabi ng kaklase ko sabay turo na sa may tapat ng pinto ng room.
“Kaibigan daw, sus, Eireen, tayo-tayo na nga lang, naglolokohan pa.” dagdag pa ng isa kong classmate. Kunwari inirapan niya pa ko. Hmp. Akala niya naman…
Lagi kasi nilang iniisip na kami ni Levi. Eh hindi nga kase, anak ko lang naman ‘yun. Tsaka, kung tatanungin niyo kung anong feeling ko ke Levi, ‘wag na lang. Hindi siya ka-issue-issue. Anak ko lang talaga ‘yan.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Historia CortaExperience the different feelings behind the word love by reading one shot stories in different genres.