P R O L O U G E | M P B M M H T G

710 5 1
                                    

Yuri's PoV

Naglalakad ako papasok sa loob ng Campus kasama ang bestfriend ko. Ngayong araw ang first day of school dito sa 'heaven's life university'. Wala pa rin namang pinagbago yung lugar at mga tao. Para pa ring bubuyog ang mga estudyante dito habang ang lugar, malawak at malinis pa din.

By the way, magpapakilala muna ako.

I am Yuri Choi. Suplada, masungit, mataray, maldita, mabait sa taong mabait sakin, maganda at higit sa lahat, hard to get. Kahit maganda ako, NBSB ako, why? Kasi ayoko ng problema sa lovelife.

I have one older brother. He is Grayson Choi. Suplado, masungit, mabait sa lahat, overprotective pagdating sakin, gwapo, medyo mayabang at higit sa lahat, he is the legacy of our family. He has a girlfriend name Eleanor Kim. Maganda at mabait sa lahat. Yun lang alam ko sa kanya at yun lang din sapat na para i-describe sya.

At yung sinasabi kong bestfriend ko na kasama kong naglalakad papasok ng Campus. She is Stella Vega, mabait, joker, adventurous, laging nagbibigay ng advice at napaka-friendly. Minsan napapa-isip na lang ako kung ako pa rin ba bestfriend nito sa sobrang dami ng kaibigan eh.

"Aaaatteeeeee!" Narinig kong may sumigaw kaya napalingon ako sa likuran at dun ko nakita si Diana.

Diana Faith Jeon ay super sweet, super childish, sexy, friendly din, cat lover sya, matured mag-isip at higit sa lahat, sya ang playboy/badboy's little sister. Pano kami nagkakilala? Well, parehas kasi ng club na sinalihan, ang glee club. Yes, kumakanta kami at dahil nga sa friendly sya, magkaibigan kami.

"Bakit?" Simple kong tanong sa kanya.
"Wala lang. Wala kasi akong kasabay eh, pwede sumabay?" Tanong nya ng nakangiti.

"Sure!" Singit naman ng bestfriend kong sabatera. Hayst.

"Di ikaw kausap, okay?" Pagsusungit ko sakanya.

"Oo na, sungit mo" sagot nya ng kunware nagtatampo. Sanay naman na sya sa kasungitan ko eh.

"It's okay, Diana" sagot ko sa tanong nya sabay ngiti.

"Yey! Thank you ate" sabi nya sabay hug.

Nakarating na kami sa bulletin board para malaman kung anong section at room number namin. Si Diana ay 3rd year highschool habang kami ni Stella ay 1st year sa senior highschool.

"Hey! Mortal Enemy. It's nice to see you again" narinig kong nay nagsalita sa likuran ko kaya napalingon ako. Hindi ako nagkakamali, sya na naman. Ang nag-iisa kong mortal na kaaway.

She is Aviana Haria Roswell. Bitch, mayaman, maganda at higit sa lahat, my one and only mortal enemy. Sya rin ang queen bee ng school na to at dahil sya nga DAW ang queen, syempre meron syang mga buntot na alipores and that is Kayla and Shana. Hindi ko alam kung paano at bakit kami naging magkaaway, siguro dahil insecure sya sakin. HAHAHAHAHA.

"Oh yeah! Hi there. It's nice to see you, too. Meron na naman akong libangan. Alam mo bang namiss kita?" Sabi ko sabay fake smile.

"I miss you, too. I didn't expect na mamimiss mo ko" sabi nya sabay fake smile rin.

"Why don't you expect that? Dahil ba sa wala naman talagang nakakamiss sayo. Kawawa naman ako, lonely ako dahil ako lang pala nakamiss sayo" sabi ko at umarte na nahuhurt ako.

"You're so funny. HAHAHAHA. Lahat ng tao namimiss ako. Duh! I'm the queen" sabi nya ng sarcastic.

"Oh yeah, right. You're the queen in your dreams" sabi ko at biglang syang sumimangot. Haha! Nakakatawa sya kapag naiinis "Haha! Joke lang, ano ka ba? Di ka naman mabiro. Mukhang nalunok mo ata yang dila mo, di ka na makapagsalita eh. Alis na kami ah, see ya!" Lumayas na kami dun at kita ko yung mukha nyang nanggagalaiti. Haha!

"Nays one!" Sigaw nung dalawa sa gilid ko.

Habang naglalakad kami papunta sa room ni Diana para ihatid sya. Bigla na lang kaming narindi sa mga tilian.

"Kyahhh"

"Kai, be mine!"

"Theo, ang cute mo!"

"Lucas, ang pogi mo!"

"Kai! Ang gwapo mo!"

Sus! Kaya naman pala eh. Andyan na ang Mr. Playboy/Badboy. The one and only Kai Jeon. Gwapo, mayaman, mayabang, tinitilian ng nga babae at higit sa lahat, playboy at badboy. Gustong-gusto nyang tinitilian at pinagkakagukuhan sya ng lahat kasama ng tropa nya na si Theo at Lucas.

"Sabi na nga ba at nandyan na si Kuya eh. Ang ingay na ng mga babae" sabi ni Diana habang napapailing na lang.

"Bes, uso sara bibig ah. Tulo laway ka na tsaka maraming langaw baka may maka-jackpot sa bunganga mo" sabi ko kay Stella kaya si Diana, nagpipigil ng tawa.

"Sensya na. Kasalanan ko bang nakakatulala si Theo" sabi nya habang hinahabol ng tingin si Theo. Crush na crush nya kasi si Theo eh kaya sya ganyan. Pagpasensyahan nyo na, nanlabo yata ang mata kaya di nakita na playboy yung nagustuhan nya.

"Pero para sakin mas gwapo pa din si Lucas" sabi naman ni Diana habang kinikilig pa. Hayst. Isa pa tong nanlabo ang mata kaya di nya makita na badboy ang nagustuhan nya.

"Hay nako! Ewan sainyo. Tara na, bago tayo malate" sabi ko then proceed sa paglakad.

"Ate, nakita ko sa bulletin na kaklase nyo yung tatlo" sabi ni Diana.

"Talaga? Malas ko naman" sabi ko. Di ko na kasi nakita yung mga kaklase ko dahil dumating si Aviana kanina basta importante sakin na nakita ko pangalan ko at pangalan ng bestfriend ko sa iisang section.

"Bakit kasi wala kang interes sa kanila? Gwapo kaya sila" sabi ni Stella.

"Oo nga, ate. Isa pa, bagay kayo ni Kuya" sabi ni Diana.

"I agree. Yieeee! Bagay sila" sabi ni Stella habang sinusundot yung tagiliran ko.

"Ihanda mo na yang ulo mo ah, babatukan kita" sabi ko kay Stella "Diana, pasok na" sabi ko naman kay Diana at sumunod naman sya agad.

*Time skips*

Nasa loob na kami ng room at hinihintay yung professor habang si Stella nagkakamot ng ulo nya dahil sa batok ko.

"Ang sakit talaga, Yuri" reklamo nya sakin.

"Isa pang reklamo, dadagdagan ko yan" sabi ko at biglang pumasok yung professor.

"Good Morning Class" sabi nung professor namin kaya lahat SILA tumayo at nag-greet. Sila lang at hindi ako kasama, tinatamad akong tumayo eh.

"I am your teacher in Science and my name is--" naputol sya sa sinasabi nya ng nagbukas yung pinto at nagsitilian na yung mga babae dahil andyan na yung tatlo.

"You are late in my class. Mr. Theo Kim, Mr. Lucas Jung at Mr. Kai Jeon" sabi nung professor namin pero yung tatlo, deadma lang. Dumiretso sila sa vacant seat at isa sa mga vacant seat ay sa tabi ko at ang naupo dun ang nag-iisang Kai Jeon. Hayst.

"As I was saying, I am your Science teacher and I am Jason Cruz and you can call me Mr. Cruz" pagtatapos nya ng sinasabi nya kanina.

"Isa ka sa mga kaibigan ng kapatid ko, right?" Biglang nagsalita si Kai kaya ako nagulat.

"Sino kausap mo? Ako?" Tanong ko.

"Hindi-hindi. Kausap ko sarili ko" sabi nya at tinignan ako "Malamang ikaw kausap. Ano ako baliw na kinakausap yung sarili?"

"Ah. Yeah" sagot ko sa tanong nya.

"Tama nga sya" sabi nya sabay smirk.

"About what?" Tanong ko out of curiosity.

"Maganda ka" sagot nya sabay sweet smile.

"Hmm. Beauty is the thing that matter you the most, huh?" Sabi ko sabay smirk.

"Of course" sabi nya sabay smirk "because I am... KAI JEON"



Mr. Playboy/Badboy Meets Ms. Hard To Get (discontinued)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon