'' Love Letter''
(A Christmas Chapter)°°°
Yuri's PoV
Matapos yung araw na sinabihan ako ni Kai na gusto nya akong mapasakanya, sunod-sunod na yung nga banat nya sakin na minsan napapatulala at nagiging speechless na lang ako. Hindi ko nga alam kung trip nya lang talaga yun pero baka malamang trip nya lang yun dahil ano nga ba ang aasahan mo sa playboy/badboy na tulad nya? Diba puro trip at laro.
Pero dahil christmas ngayon, hindi ko muna iisipin yun dahil ngayon magsasaya ako kasama ang buo kong pamilya.
"Yuri! Bwisit kang tao ka! Kanina pa kita tinatawag hindi ka man lang kumikibo!" Nabalik ako sa katawang lupa ko ng marinig ko ang sigaw ni Kuya.
"Ano?" Inosente kong tanong sa kanya at sya naman napakamot na lang ng ulo.
"Di bale na nga lang. Sayang laway ko" sabi nya sabay balik sa panonood ng T. V
"Di pa ba kakain ng noche buena?" Tanong ko.
"Buang ka na ba? 11 o'clock pa lang oh. Mamaya pang alas dose" sabi ni Kuya na parang gusto na akong batukan.
"Ay haha sorna. Gutom na ako eh" sabi ko at sasagot pa sana si Kuya ng biglang nagsalita yung mayordoma ng Mansion namin.
"Lady Yuri, may sulat po para sainyo tsaka may flowers pa" sabi nya sabay abot sakin ng isang sobra na may heart-heart pa at napakabangong bulaklak.
"Kanino daw galing?" Tanong ko.
"Hindi po sya nagpakilala eh, pero sabi nya para daw po yan sainyo. Ang gwapo rin po pala ng nagbigay ah" sabi nya ng nakangiti at umalis na.
Biglang nabaling yung tingin ko kay Kuya na napansin kong napakasama ng tingin sakin.
"Kubg nakakamatay lang ang tingin baka pinaglalamayan nyo na ako ngayong pasko" sabi ko at binaling ulit ang tingin ko sa bulaklak at sulat
"Bakit ka may ganyan? May naliligaw na ba sayo?" Pag-uusisa nya
"Wala akong manliligaw, okay? Ni hindi ko nga alam kung kanino to galing eh" sabi ko.
"Edi ako muna babasa ng sulat" sabi nya sabay lahad ng kamay para hingin yung sulat.
"Ayoko nga, para sakin nga daw to diba" sabi ko sabay takbo sa kwarto at lock ng pinto, baka sundan pa ko ni Kuya at agawin pa to eh.
Binuksan ko ang sobra at binasa ang sulat.
-
Hi babe este Yuri,
First of all, Merry Christmas! Never pa akong nagpadala ng love letter sa kahit na kanino, sayo pa lang. Sana na-eenjoy mo ang pasko mo kasama ang pamilya mo. Ako kasi masaya naman ngayon pero kulang kasi wala ka. Hinihiling ko na sana andito ka sa tabi ko at kayakap ko. Hinihiling ko na sana isa ako sa nagpapasaya sayo ngayong pasko at hinihiling ko na sana SAKIN ka ngayon pasko. Kaso hindi kasi lahat yun puro sana pa lang. Gusto ko mang mag-celebrate ng Christmas kasama mo pero siguro okay na muna tong love letter at flowers para masabi at maparating ko sayong mahal kita, alam ko rin naman kasing hindi ka papayag na mag-celebrate kasama ko kasi hindi naman tayo kaya sana sa flowers at letter maparamdam ko sayo kung gaano kita kamahal.
Love, K. J
-
May card din yung flowers at 'Merry Christmas, I love you' yung nakalagay. Nilagay ko muna sa vase yung flowers at tinabi yung letter at card.
Sino si K. J?
Yan ang malaking tanong sa isip ko ngayon.
"Yuri! Baba na dito. 5 more minutes, pasko na!" Sigaw ni Kuya kaya nagmadali na ako pababa.
"Sabay sabay tayong bumilang ah" sabi ni Mama at lahat ng butlers at maid namin nakapalibot din sa hapag-kainan at kasama sa pagbilang.
"10"
"9"
"8"
"7"
"6"
"5"
"4"
"3"
"2"
"1"
"Merry Christmas!"
Sabay sabay naming sigaw at kumain na. Kumain kami ng may nga ngiti sa labi at nagtatawanan. Konting kwentuhan lang lahat ng maids kasama kami ni Mama at konting inuman lang yung mga butlers pati sila Papa hanggang sa 2 o'clock na at pagod na ang lahat kaya nagtulong tulog ang lahat sa paglilinis at natulog na.
Pero...
Sino si K. J?
°°°
Guys, sorry kung hindi ko napublish kahapon. Akala ko kasi napublish na eh, hindi pa pala. Sorry.
BINABASA MO ANG
Mr. Playboy/Badboy Meets Ms. Hard To Get (discontinued)
Teen Fiction... Kasama ko si Stella habang naglalakad kami papuntang gate para makauwi na dahil nakakainis yung araw na'to. "Hey! Miss Hard to Get" narinig kong may sumigaw mula sa likuran ko at napabuntong hininga na lang ako nang marealize ko kung sino yun...