''Aviana Haria''
°°°
Yuri's PoV
*Kring!!.. *
Tunog ng bell senyales na simula na ang klase pero hanggang ngayon wala pa yung professor namin pati yung tatlo. Hays. Kailan kaya magbabago si Sir Jason, kilala sya bilang LATE-cher. Lagi kasi syang late sa lahat ng klase nya kaya sya nabansagang LATE-cher. Gets nyo naman siguro? Kung hindi slow nyo mga bes.
"Ang tagal ni Sir" reklamo ni Stella.
"Si sir nga ba hinihintay mo o si Theo?" Tanong ko ng may pagka-sarcastic.
"Fine, si sir" sabi nya sabay irap.
"Sus, kunwari pa" sabi ko ng nang-aasar.
"Oo nga. Nagtatampo ako kay Theo" sabi nya.
"Bakit?"
"Kahapon kasi nakita ko syang may kasamang babae tapos magka-holding sila" sagot nya. Mukha na syang Theo, nakakainis.
"Tapos?"
"Nakakatampo kaya, makikita mo yung mahal mo may kasamang iba" sabi pa nya.
"Mahal mo. Ang tanong, mahal ka ba?" Pang-aasar ko sa kanya.
"Di naman importante kung mahal ka rin nya eh" sabi nya.
"Makapag-react ka sa nakita mo kahapon akala mo naman merong 'kayo'" sabi ko ng pabulong.
"Anong sabi mo?" Sabi nya ng iritado na.
"Wala" sagot ko at bumukas na yung pinto.
Akala ng lahat si Sir na pero yung tatlo pala. Ang aga naman nila pumasok, mas maaga kesa kay Sir.
"Bes, dito ka" sabi ni Stella sabay hatak ng upuan ko palapit sa kanya ng maupo na si Kai sa tabi ko.
"Dito sya malapit sakin" sabi ni Kai at hatak rin ng upuan ko palapit sa kanya.
"Bestfriend mo sya?" Sarcastic na tanong ni Stella.
"Hindi, kasi soon to be girlfriend ko na sya" sabi nya sabay akbay sakin at hawak sa upuan ko para siguradong di na mahahatak.
"Bakit? Bes, nililigawan ka nya?" Tanong ni Stella.
"Nope, wag ka ngang maniwala sa baliw na'to" simple kong sagot.
"Ah"
"Magiging akin ka, hintayin mo lang" sabi ni Kai at bumukas na yung pinto at pumasok na si Sir Jason.
"Good Morning Class" bati nya at malamyang bumati yung iba. 5 kami sa likod na hindi tumayo para bumati, why? Nakakatamad kasi tumayo.
"Sir! Alam ko new years resolution mo" sabi ng isa naming kaklase.
"Ano?" Tanong namn ni Sir ng nakangiti.
"This year, hindi ka na ulit malalate" sabi nung kaklase namin.
"Kaso hindi mo nagawa haha" dugtong ng tropa nya kaya nagtawanan ang lhat.
"You two, get out of my class!" Sigaw ni Sir Jason.
"Bakit sir? Ibig sabihin totoo yung sinabi namin" sabi nung kaklase namin na unang nagsalita kanina.
"Lumabas na kayo. Here is the detention slip" sabi ni Sir sabay abot ng slip at pinalabas yung dalawa.
Napahiya si Sir.
"Okay, dahil kakapasok nyo pa lang ngayon. Wala munang gagawin" sabi ni Sir.
Yung totoo? Nagpa-freetime lang sya o wala lang talaga syang nagawang lesson?
"Wala na namang nagawang lesson si Sir" sabi ni Stella.
"I know" sagot ko.
"Dre, sayang pasok natin. Bakit ka pa kasi nagyayang pumasok?" Sabi ni Lucas kay Kai.
"Oo nga, Dre. Di ka naman ganyan dati ah, ikaw pa nga nangunguna sa pag-ditch ng class eh" dugtong pa ni Theo.
"Isa pang reklamo nyong dalawa, hindi nyo na ulit makikita yung susunod na pagsikat ng araw" sabi ni Kai.
Nakatunganga lang kaming lahat dito habang si Sir, ayun! Nakatitig sa phone nya at tatawa-tawa na parang kinikilig, nangangamoy lovelife ahh.
*Time skips*
Nasa cafeteria na kami ni Stella, nakabili na kami ng pagkain namin at pabalik na kami sa table namin.
"Bes, tumingin ka sa dinadaanan mo baka mabangga ka" pagpapaalala ko sa kanya.
"Ah, oo. Sorry, bes" sabi nya at tumingin sa dinadaanan nya pero unti-unting bumalik yung tingin nya sa baba. Hays.
*Bogsh!!*
Napatigil kami sa paglalakad ni Stella ng matapon lahat ng pagkain nya sa nakabangga nyang babae at ang babaeng yun ay walang iba kundi si Aviana Haria.
"Sorry" simpleng sabi ni Stella kay Aviana pero kinuha ni Aviana ung juice ng alipores nya at binihos kay Stella. Wth?!
"Look what you did to me!!" Sigaw ni Aviana habang nakatingin sa damit nya.
"I'm sorry" sabi ulit ni Stella.
"Di ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo eh! O sadyang bulag ka lang?! Tingnan mo nga yung ginawa mo sakin!" Sigaw ulit ni Aviana kay Stella. Hindi na'to tama, nagsorry na nga sya eh.
"Aviana, that's enough. Nagsorry na nga sya, dba? Hindi ka ba marunong umintindi?" Sabi ko sa kanya. Hays. Nagsisimula na akong manggalaiti ah.
"Well, sorry for me isn't enough. Kaya sabihin mo dyan sa bobo mong kaibigan na gamitin ang mata nya!" Sigaw ni Aviana sabay duro kay Stella. Fine, it's enough. Sagad na ang pasensya ko sa babae na to, she need to learn her lesson."You don't have a right to a point a finger to Stella!" Sigaw ko sa kanya.
"Eh kung hindi sana sya tatanga-tanga!" Sigaw nya ulit.
"Eh ikaw? Sa tingin mo, anong mapagmamalaki mo? Ha? Yang magandang mong mukha na kaya lang naman lumelvel up sa kagandahan dahil sa retoke at napaka-kapal mong make-up. Height mo hindi mo naman mapagmamalaki dahil mas maliit ka pa sa locker dito sa campus kapag wala yang 6 inches mong high heels. Yang katawan mo nga parang poste eh, para ka tuloy stick na naglalakad at gumagalaw. Sinasabihan mo ng bobo at tatanga-tanga tong bestfriend ko? Eh ikaw, kamusta yung grades mo? Puro pasang awa diba? Kaya ka lang pinapasa ng ibang teacher dahil naawa sila o kaya naman yung iba nilalandi mo para ipasa ka. Manlalait ka na lang mali-mali pa at higit sa lahat, wala ka bang manners at etiquette? Sinasabi mong mayaman ka pero ugali mo pangkalye at pang-squater. Next time you judge her again, make sure you know her background and you know how big your difference to her life. And one more thing, sa susunod na laitin mo ulit ang bestfriend ko, hindi lang paglalabas ng baho at panlalait ang makukuha mo sa akin. You. Don't. Where. I. Am. Capable. Of" sabi ko sa kanya ng cold at diniin ang huli kong sinabi.
Kita sa mata nya ang gulat at takot pagkatapos kong magsalita dahil ngayon ko lang nilabas yung ganito kong ugali na cold at emotionless. Kahit yung mga studyante na nakapaligid sakin nagulat din. Bumalik na kami sa table namin at kumain kasi kung hihintayin pa namin si Aviana makapagsalita at makapag-react sa sinabi ko baka abutin kami ng syam-syam sa paghihintay.
°°°
Hi po! Sorry kung natagalan yung update ko. Don't worry po kasi lhat po ng bawat characters ay bibigyan ko ng sariling chapter title kaya wait lang po ah, wag po munang magcomment ng violent reactions. So, secret po muna kung sino yung susunod na character
Sorry po ulit.
BINABASA MO ANG
Mr. Playboy/Badboy Meets Ms. Hard To Get (discontinued)
Teen Fiction... Kasama ko si Stella habang naglalakad kami papuntang gate para makauwi na dahil nakakainis yung araw na'to. "Hey! Miss Hard to Get" narinig kong may sumigaw mula sa likuran ko at napabuntong hininga na lang ako nang marealize ko kung sino yun...