C H A P T E R | 1

237 9 1
                                    

''Sakin sya''

°°°

Yuri's PoV

*Kring!!! *

Yun ang tunog ng bell na senyales ng break time na. Yung mga kaklase ko hindi na magkanda-ugaga sa pagliligpit ng gamit pero take note, nagliligpit ng gamit habang nakatingin kay Kai. Hayst. Ano kaya nakita nila sa lalaking 'to? At patay na patay sila.

"Bes, tara na" pag-aayaya ni Stella sakin, malamang gutom na 'to.

"Geh" patayo na ko sa kina-uupuan ko ng may humatak sa kamay ko kaya napa-upo ulit ako.

"Hindi. Dito ka lang, sakin ka sasabay" sabi nya sakin habang nakatitig at wait.. correction, sabi nya sakin na nasa tono ng pag-uutos.

"No way. Hindi nga tayo close eh" patayo na sana ulit ako ng hinatak nya ulit ako.. ng mas malakas.

"Edi ngayon close na tayo" sabi nya ulit "Umalis ka na, ako ng bahala sa kanya"

"Ayoko, hihintayin ko sya" sabi ni Stella ng nag-aalangan.

"Ang lakas rin ng loob mo noh. Kahit babae ka, papatulan kita kung hindi ka pa aalis" sabi ni Kai at tumayo sa harapan ni Stella.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya tumayo na rin ako at pumunta sa gitna nila tsaka tinulak si Kai ng mahina, sakto lang na mapalayo sya kay Stella. Buti na lang wala ng tao kundi pag-uusapan sa buong campus na tinulak ko ang 'playboy/badboy king'.

"Wag na wag mong susubukan saktan ang bestfriend ko kundi ako ang makakaharap mo" sabi ko at hinatak na si Stella pero bago pa kami makarating sa pinto, nakaabang na si Lucas.

"Sabi ni Kai, sakanya ka sasama kaya dapat sa kanya ka sumama" sabi ni Lucas ng seryoso.

"Naku, bes. TROUBLE 'to" sabi ni Stella ng pabulong at diniin ang word na' trouble'

"I know" bulong ko ulit sa kanya.

"Ikaw babae" sabi ni Lucas sabay turo kay Stella "makakaalis ka na"

"At ikaw" sabi ng isa pang lalaki sabay hatak sakin "Dito ka kay Kai, naiintindihan mo?"

Tiningnan ko kung sino yung humatak at tama ang hinala ko, si Theo nga.

"Good" sabi ni Kai at biglang hatak sakin ng sobrang lakas kaya nasa harapan na nya ako ngayon ng sobrang lapit.

Bale ang pwesto, kanang kamay nya nakahawak sa kamay ko at yung kaliwa nyang kamay nakahawak sa bewang ko. Habang ako, yung dalawa kong kamay nasa dibdib nya parehas para magkaroon ng distansya sa sobrang lapit namin. In short, para na syang nakayakap sakin.

"Wag na wag mong susubukan na umalis dahil hindi ka rin naman makakaalis, naiintindihan mo?" Sabi nya sakin pero ako blanko pa rin ang utak.

Wala akong ibang masabi dahil ngayon, nakatitig ako sa mga mata nya. Ngayon ko lang na-realize, napaka-ganda pala ng mata nya. Ang haba ng pilikmata nya, singkit rin sya at ang ganda ng chocolate brown eyes nya.

"Tapos mo na bang obserbahan ang maganda kong mata, matangos kong ilong, mapula kong labi?" Sabi nya sabay smirk.

"Ang kapal mo, bitawan mo nga ako. Hindi kita inoobserbahan noh" sabi ko at binitawan nya na ako at hinanap ng mata ko si Stella.

Mr. Playboy/Badboy Meets Ms. Hard To Get (discontinued)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon