Second day ko na sa paaralan ito. Normal naman ang lahat. At totoo rin pala yung sinabi ng kaklase ko nung nakaraan na matalino yet creepy si Zach."Oy Paige, good morning" Bati sakin ni Flecia. Oo finally, sa wakas nagkakilala din kami ng kaklase kong tumulong sakin.
"Good morning din sayo Flecia" Bati ko rin sakanya at biglang namang pumasok ang guro namin.
"Good morning class" Bati nya samin at binati rin namin sya. "So we will having a surprise quiz for today about what we have discussed yesterday" Walang prenong saad ng guro namin. Malamang maraming nagreklamo dahil biglaan. Kaya nga tinawag na surprise quiz eh, mga engot din.
Narinig ko ang malalim na buntong hininga ng tao sa likod ko. Nilingon ko sya at nakita kong nakadukdok ang ulo nya sa mesa. "What are you staring at?" Walang emosyon na sabi nya. Eh? Alam nyang nakatingin ako.
Inirapan ko nalamang sya at umayos ng upo. Maya-maya ay nagsimula na ang quiz. Ang dali naman pala nito. Di naman sa pagmamayabang pero ipagyayabang ko na din kasali ako sa mga pinakamatatalino noon sa previous school ko. Hehehe
Inilibot ko ang tingin sa mga kaklase ko at kitang-kita sa mga expression nila na nahihirapan sila sa quiz. Hahahaha. Ako ata unang matatapos.
Isusulat ko na sana ang pangalan ko ng biglang tumayo ang tao sa likod ko at nagpasa ng papel. Wait, don't tell me tapos na sya?
Bumalik sya sa upuan nya at muling idinukdok ang kanyang ulo.
TAPOS NA SYA?! Paano? Sobrang bilis naman ata?
Makalipas ang 10 minuto ay nagpass na rin ako ng papel. Nakatitig lang ako sa bunbunan nya habang pabalik ako sa pwesto ko. "Quit staring at me, will ya'?" May halong pagkapikon ang tono ng boses nya. May mata ba 'to sa ulo nya?
Brainy but creepy. Grrr
-
Makalipas pa ang ilang minuto ay isa-isa na rin nagpass ang ang mga kaklase. At itong lalaki sa likod ko ay natutulog na. Humihilik eh.
Nakatingin lang ako kay Zach ng biglang may kumatok. "Ahem!" Sabi pa nito.
"Yes, what can I do for you?" Magalang na tanong ng aming guro.
"Pwede ko po bang makausap si Zacharias?" Magalang na sagot nito. And as if on cue biglang tumayo si Zach. Alam ba nyang may bisita sya.
"This bastard old man" Mahina ngunit sapat na marinig kong sambit ni Zach tsaka ito lumabas.
"Okay let's continue" Sabi ng guro at nagsimula na kami ng wala si Zach.
Mga 20 minutes na ang nakakalipas ng bumalik si Zach, nasa kalagitnaan kami ng discussion ng pumasok sya. Sinipa nya ang lamesa nya na syang dahilan para lumapat ito sa pader. Ang lakas pagkakasipa nya dahil medyo nag crack ang pader.
Syempre lahat nagulat sa ginawa nya pati guro namin. Napatingin ako sakanya at nakita kong ang talim ng tingin nya sakin. 'Ginawa ko?'
"Why it has to be you?" May galit sa tono nyang sabi. Tsaka nya kinuha ang bag nya sa upuan at nilisan ang room.
Ano daw?
BINABASA MO ANG
His Untold Secret
General FictionEleanor Paige, isang normal na estudyante na gusto ng normal na buhay. Lumipat sya ng paaralan para talakasan ang mga taong nambubully sakanya. She succeeded. Zacharias Gray, a man full of mysteries. Bukod sa pangalan, pagiging matalino at creepy. W...