Kinabukasan ay maaga akong pumasok at dinatnan kong walang tao sa loob ng classroom. Okay solo ko ang room.Umupo na ko at nagreview nang maramdaman kong tawag ako ni mother nature. Iniwan ko muna saglit ang gamit ko at nagpunta ng cr na malapit sa may hagdan. Ito kasi ang pinakamalapit sa room namin.
"Success" Mahinang sambit ko. Babalik na sana ako sa room nang napatingin ako sa taas ng hagdaan.
Nasa 3rd floor kasi ako ngayon, tapos meron pang hagdaan paakyat sa rooftop. At bawal ang mga estudyante doon
Nakasiwang ang pinto papuntang rooftop. At dahil curious ako inakyat ko. Sumilip muna ako at dahan-dahan pumasok.
Ang ganda ng tanawin dito. Kitang-ķita mo ang bayan tapos sa gilid ng rooftop may maliit na garden. Teka, garden? Bat may garden dito?
Lumingon-lingon pa ko ng may makita akong nakahandusay sa sahig ng rooftop. Hala!
Nilapitan ko ito at nakitang si Zach. Hala patay na ba 'to? Bat ang aga nyang nandito?
Inilapit ko ang hintuturo ko sa ilong nya para makita kung buhay pa. Nang maramdaman kong walang hangin na lumalabas sa ilong nya ay nagpanic na ko. Hinawakan ko ang pulso nya, ngunit maging ito ay wala rin.
"Ay jusko. Anong nangyayari? Oy Zach gising. Oy" Sambit ko habang niyuyugyog sya at sinasampal-sampal
"Hayaan mo lamang sya. Nagpapahinga lang yan" Sambit ng isang boses, sa palagay ko ay galing iyon sa isang matanda. Lumingon ako at tumambad sakin ang mukha nung matandang lalaki na tumawag kay Zach kahapon.
"Anong nagpapahinga? Wala na syang pulso?!" Halos pasigaw na sambit ko. Nagpapanic na kasi ako. Sorry old man
Hinatak ako paupo ng matanda. "Maghintay ka" Kalmado nitong sabi
"Bakit napaka kalmado nyo sa gan--" Di ko natuloy ang sasabihin ko ng may narinig akong suminghap at kasunod nito ay ang sunod-sunod na pag ubo.
Nanlaki ang mata ko nang makita kong naka upo si Zach at para bang pagod na pagod dahil hinahabol nya ang kaniyang hininga. Tinignan ko ang matanda at sinenyasan na wag munang magsalita
"Napakadelikado ng ginagawa mo Rias. Natutulog ka sa ganitong lugar? Maaari kang atakihin ng mga kalaban mo" Litanya ng matanda. "Kaya pumasok ka na sa kontrata" Pagpapatuloy nya.
"Hanggat kaya kong protektahan ang sarili ko hinding-hindi ako papasok sa kontrata. Lalo na sa babaeng yun" May halong pagmamatigas na sabi ni Zach.
"Sigurado ka ba dyan? Kaya mong protektahan ang sarili mo supreme commander?" Pagaamok ni matanda kay Zach
Wala akong maintindihan sa pinaguusap nila. At anong supreme commander?
"Sinusubukan mo ba ko Jiji?" Lumingon ito sa matandang lalaki at nakita ko kung paano naging kulay pula ang dati ay kulay abo nyang mata. Paanong?
"Kaya ba hindi mo naramdaman ang presensya ni Paige?" Muling pag aamok ng matanda sakanya.
Bakas na mukha nya ang pagkagulat ng bigla syang napaharap sakin. Ang mga mata nya, ang kaliwa ay kulay pula at kanan naman ay kulay abo. Bigla nyang ipinikit ang kaliwa nyang mata para itagong ang pula nitong mata. Alien ba 'to?
"Anong ginagawa mo rito? Bawal ang tao rito" May halong pangamba at pagmamatigas ang boses nya.
"Bakit ikaw, nandito? Tsaka nagpanic lang naman ako ng makita kong nakahandusay ka dyan at walang pulso" Pagpapaliwag ko at tinalikuran lang nya ko.
"Dahil sa pagiging pakialamera mo, maaari kang mapahamak" Sambit ni Zach. "Jiji, ayoko. Di ako papasok sa kontrata" Pagpapatuloy nya.
"Pero supreme commander, nanghihina na ang inyong katawan? Alam nyong may limitasyon ang pamamalagi nyo rito" Sumbat ni matandang lalakina Jiji ang ngalan
BINABASA MO ANG
His Untold Secret
General FictionEleanor Paige, isang normal na estudyante na gusto ng normal na buhay. Lumipat sya ng paaralan para talakasan ang mga taong nambubully sakanya. She succeeded. Zacharias Gray, a man full of mysteries. Bukod sa pangalan, pagiging matalino at creepy. W...