Someone asked me, "Shayne, what would you do if God give you the opposite of what you prayed for?"
That time, I'm searching for answer on my mind but it just got blank for a while? What would I do? What would I feel? Or how would I response? The only answer I have was 'I don't know.' Because I really don't know.
Now that I'm older, I think I know the answer. If you have a good relationship with Him, it doesn't matter what will He answer you because whatever it is, your love for Him will stand, your love will be greater than the things you prayed for.
A new year has come! That means, a new journey and of course, a new journal to fill up with expectations, thankfulness and love. I know this is my best year yet.
And now to start with, I will have a bucket list. Why bucket list? Because I know these things will happen and those weren't just my wishful thinking. I want to get out of my comfort zone and experience new things this year.
☑ Start: A new habit of studying
☑ Be: On top of honors society
☑ Eat: Balut and kwek-kwek all the way
☑ Read: 1 book per month
☑ Go: To a prayer mountain with friends
⬜ Explore: the hidden world of Narnia✴
☑ Join: the dance ministry
⬜ Help: my classmates find their way back home✴
⬜ Travel: With my own team in Siargao and Visayas parts✴
☑ Visit: My grandparents again in the province"So whether you eat or drink or whatever you do, do it all for the glory of God."
~1 Corinthians 10:31~Marami pa akong gustong gawin pero siyempre, more than that, mas gusto kong gawin kung anong ipapagawa ng Tatay ko sa'kin. Kaya katulad ng mga journals ko every year, this will serve as my own version of bucket list, my conversation with my first Love.
Shayne, 2018
Pinasadahan ko ng tingin ang unang page na nabasa ko. Hindi ko na ulit binasa ang litaniya niya, mas natuon ang atensyon ko sa checklist niya.
Merong walang check mark na nagpataas ng kilay ko. Kung titingnan mo parang ang seryoso at goal oriented ng babaeng ito pero merong part na 'Explore the hidden world of Narnia'.
Potek na yan naalala ko tuloy noong nasa probinsya ako, madalas akong magtago sa aparador kapag pinapagalitan ako ni Lola o kaya kapag inuutusan niya ako. Napakagat ako ng labi para pigilan ang pag-ngiti. May mas hibang pa pala sa akin para pangarapin na makapunta sa Narnia. At least ako noong bata lang ako, pero siya? Ilang taon na kaya siya? Tsk
Help her classmates find their way back home? Naligaw na kuting lang? Hindi alam kung paano uuwi? Mayayaman naman sila, may mga sariling sasakyan.
Siargao? Teka, parte ba iyon ng Visayas?
Pero ano bang pakialam ko? Mabuti pa nga siya, nakadalaw na sa lolo't lola niya samantalang ako, hindi nakauwi kahit noong pasko at bagong taon. Mahal kasi masyado ang pamasahe at tiket sa barko pauwi.
"Kiel, kakain na daw." Naisara ko ang journal na hawak ko dahil pumasok sa kwarto si ate Claire, pinsan ko na nakikitira lang din dito habang nag-aaral pa.
"Sunod ako." Sabi ko at nakita ko naman ang pagtango niya bago muling isinara ang pinto.
Tiningnan kong muli ang journal na hawak ko. Wala naman akong balak basahin lahat, binasa ko lang ang next page para baka sakali may makalap akong impormasyon kung kanino ko ito ibabalik.
Bumaba ako ng double deck at itinago sa kailaliman ng drawer ang journal para walang ibang makabasa.
Kung tama ang hula ko, journal niya ito noong nakaraang taon at iba na ang ginagamit niya ngayon kaya hindi ko kailangang magmadaling maibalik sa kanya.
Tsk, oo na.
Gusto ko pa siyang makilala.

BINABASA MO ANG
Window To Your Soul
SpiritualHindi ako naniniwala na may isang nilalang na kayang gawing posible ang mga bagay na imposible. Pero nang makilala ko ang pinakamakulit na babaeng gumulo sa tahimik kong mundo, nagbago ang pananaw ko. Hindi ako nagbabasa ng tinatawag nilang Bibliya...