KABANATA 3

5.4K 149 5
                                    

"PUMASOK ka nga dito!" sigaw sa kanya ni waizer na agad namang sinunod ni athena.

"ang landi mo talaga. pati ba naman ang kaibigan ko nilalandi mo!" sigaw ni waizer sa asawa

"ano bang pinagsasabi mo?hindi ko naman nilalandi si christian ni hindi ko nga alam kung bakit--" hindi natuloy ni athena ang pag-papaliwanag dahil pinutol iyon ni waizer

"Wag ka ng magpalusot!"

"hindi naman ako nagpapalusot! " napasigaw narin si athena kay waizer

"sinisigawan mo na ako ngayon? "galit na sabi nito

"hindi naman sa sinisigawan kita, hindi ka kasi marunong makinig tamang hinala ka lagi. nagagalit ka kaagad ng hindi manlang ako pinagpapaliwanag" asar na sabi ni athena. tinalikuran nito si waizer at pumasok na sa loob ng silid narinig nito na tinatawag sya pero hindi lumingon si athena at i-nilock ang pintuan ng kwarto nya.

dumapa si athena sa kama nya at isinubsob ang mukha sa unan.

"NAKAKAASAR!!!" sigaw nito habang nakatakip parin ang unan sa mukha

"kung hindi ko lang talaga sya mahal matagal ko na syang iniwan!" sabi nito sa sarili.hindi namalayan ni athena na naiyak na pala sya.pinahid nito ang mga luha sa pisngi at umayos ng pagkakahiga.

"magtiis ka lang athena ginusto mo naman to e" nakapikit na sabi nito sa sarili pero kahit na nakapikit ito ay patuloy padin ang pagtulo ng luha nya.

nakatulog NANAMAN si athena na naiyak sya.

MAAGANG nagising si athena para magluto para sa asawa. malamang na may hang over iyon paggising.
nagluto ito ng sinigang na hipon. pagkatapos nito magluto ay umakyat ito sa taas para mag ayos ng sarili. natapos na si athena sa lahat ng gawain nya sa bahay ay hindi parin nagigising si waizer at dahil may trabaho pa ito ay nag iwan nalang ito ng sulat at idinikit iyon sa ref. hindi na sya kumain dahil hindi naman sya nagugutom. bago umalis ng bahay ay nag timpla muna ito ng kape at umakyat sa ikalawang palapag at pumasok sa kwarto ni waizer ng makita ni athena na tulog pa ito ay iniwan nya nalang ang kape sa lamesa na nasa gilid ng kama nito.matapos nya iyon mailagay ay umalis na ito ng bahay.

MASAKIT ang ulo ni waizer ng magising ito gawa ng hangover
"sh*t ang sakit ng ulo ko" daing nito. bumangon ito mula sa pagkakahiga, ng dadamputin na nito ang cellphone nya sa lamesa ay napansin nito ang isang tasa ng kape. mainit pa ito at mukhang kakagawa lang.

hindi nya iyon ininom at tinapon lang sa lababo ng kanyang kwarto. naligo ito at nag ayos para sa pagpasok sa office. pagbaba nito dumeretso sya sa kusina para ilapag ang baso sa lababo.

kukuha sana ito ng tubig sa ref ng may napansing sticky notes

"waizer. nagluto ako ng sinigang na hipon. kung malamig na paggising mo initin mo nalang. hindi na kita ginising dahil mukhang masarap ang tulog mo

-athena"

ng mabasa iyon ni waizer ay nilukot nya iyon at tinapon sa basurahan.

WALA masyadong tao sa shop nila ni athena ngayon kaya wala silang masyadong ginagawa. tahimik din ang paligid at dalawang tao lang ang nagkakape.

"bes ang boring ng walang ginagawa" sabi nya kay queenie

"dun ka muna sa loob mag bake ka ng chocolate Cake. tatlong slice nalang ang nandirito" sabi ni queenie sa kanya.

pumasok naman ito sa loob at nagsimula ng ihanda ang gagamitin sa pag be-bake ng cake.

SI queenie ang nag bantay sa kahera pero halos makatulog na ito dahil walang taong napasok sa shop. umalis nadin ang dalawang costomer nila.

Ignore Wife Series 1: Athena VillatrasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon