Athena P.O.V
Paggising ko wala na si waizer masakit ang pagkababae ko pero pinilit ko paring tumayo. pinalitan ko ang kobre kama dahil may bakas iyon ng dugo galing saakin na tandang may nangyari kagabi saamin ni waizer at tanda rin na walang nangyari samin ni christian. bumaba na ako ng makaramdam ako ng gutom may nadatnan akong pagkain sa kusina medyo mainit init pa iyon mukang kaaalis alis lang ni waizer may sticky note din na nakadikit sa ref.
Sorry
yan yung nakalagay malamang na galing ito kay waizer dahil wala naman ibang tao dito sa bahay namin kundi kaming dalawa lang.
kumain na ako at nagbihis dahil papasok pa ako sa trabaho.
Q&A coffee shop.
"good morning!” sabay na bati ni queenie at gab kay athena ng makalapit siya sa mga ito.
“good morning din” bati nya sa mga ito pabalik.
“ bakit ka wala kahapon?” tanong sa kanya ni gab.
“uh m-may inasikaso lang” dahilan nya sa mga ito
“ano namang inasikaso mo aber?” tanong ni queenie.
“uh a-ano sikreto bawal sabihin” hindi nya masabi sa mga ito ang dahilan kung bat wala sya kahapon na hinila si sya ni waiser na ihatid ito sa trabaho ngunit nauwi iyon sa away at nagpunta sya sa bar at doon nagpakalasing. nahihiya rin syang i kwento na may nangyari na sa kanilang dalawa ng asawa nya dahil tiyak na aasarin lang siya ng dalawa.
sa isip ni athena
'Si Waiser ang naka una sakin. mukang ok din na nangyari yon at least ngayon alam ko na na walang nangyari samin ni Christian'“taraaay! may pa sikreto ka na ah! ano nga? bat ka wala” tanong ni gab
“sikret nga bawal sabihin”
“hayaan mo na yan gab mukang di nya na tayo mahal pinaglilihiman nya na tayo”
sabi ni queenie at hinila palayo si gab sa kanya“Mga baliw mag si ayos nga kayo” sabi ni athena habang natatawa sa kinikilos ng dalawa. kunwari'y nagtatampo ang mga ito at iniirap irapan pa sya.
Tumunog ang Wind chime na nakasabit sa pinto ng door. Isang grupo ng kababaihan ang pumasok nasa pito o walong tao ito. namumukaan nya ang mga pumasok yun ang mga babaeng araw araw nagkakape sa shop 3 times a day para lang makita si gab.
“Gab mga fan mo nandyan na asikasuhin mo” Tukso ni queenie habang binibigay ang notebook na pagsususlatan ng order.
“akin na nga! kelan ba magsasawa yang mga yan kakapunta dito? buti sana kung lahat sila na order kaso tatatlo lang minsan nga ay isa lang!” reklamo ni gab habang kinukuha ang notebook kay queenie
“nako at least nabili sila hindi yung tambay lang talaga. ampogi mo kasi fafa gab e” sabi ni athena at humalakhak.
“hay nako tambay lang naman pinunta ng mga yan dito e” sabi nito at lumakad na paalis.
“Asus! ikaw nga pinupuntahan ng mga yan e!” tukso din ni queenie na nagpalingon kay gab wala itong sinabing salita pero inirapan nito si queenie na nagpatawa sa kanilang dalawa ni athena.
pigil ang halakhak nila athena at queenie habang nakatingin kay gab na tila diring diri sa mga babae na ngayon ay nakapulupot na sa kanya. may nakahawak sa magkabilang braso nito habang may nahawak naman sa muka nito. di na napigilan ni gab ang sarili at napasigaw na ito.
“Mga bakla! magsilayo nga kayo sakin! eeeew! eeeeew! eeeew! shupiii! grr kalahi nyo ko ok? wag ako pagnasahan nyo parehas tayo ng naiz mga baklaa! ” sabi nito sa iritadong boses. di na napigilan ni queenie ang tawa nito at tuluyan ng napahalakhak ganon din si athena.
BINABASA MO ANG
Ignore Wife Series 1: Athena Villatras
Roman d'amour"bakit ba kahit pilitin kong mag move on sayo ay hindi kita maiwan iwan kahit na sinasaktan mo na ako"- Athena "kinamumuhian ko sya.. dahil sa kanya ay nawala ang babaeng mahal ko. pero bakit ganon? bakit pag nakikita ko syang kasama ang bestfried...