"Chris *hik* tian" Usal ko ng hilain nya ako palabas ng bar."Hinawakan ka pa nga lang ng lalaki nasigaw ka na ng rape" ang sabi nya at bahagyang tumawa.
"Dun *hik* din naman punta *hik* nun " Ang sabi ko habang nasinok dahil sa kalasingan
"Advance ka narin pala mag isip ngayon?haha" ang sabi nito at inakbayan ako. dinala nya ako patungo sa kanyang sasakyan at pinasakay duon
"bakit ba naglalasing ka e ang aga aga pa hindi pa sumasapit ang tanghali nainom ka na?" tanong nito
" e kasi *hik* iyang walang kwenta mong *hik* kaybigan sinak*hik*tan nanaman *hik* ito" Ang sabi ko at itinuro ang kanang dibdib kung saan naroon ang puso.
"Madali lang naman yun e. kung ayaw mong masaktan edi makipaghiwalay ka na sa kanya." Ang sabi nito at pinaandar ang makina.
"teka saan*hik* tayo pu*hik*punta?" sabi ko sa kanya.
"doon ka muna sa bahay ko magpalipas ng kalasingan dahil malalagot ka nanaman sa asawa mo kapag nakita ka nyang lasing" ang sabi nito sa akin at nag drive na.
"bakit mo ba to ginagawa christian?"
"ang alin?" balik na tanong nito saakin.
"ito. itong pagligtas mo sakin dun sa mamang mabaho ang hininga, ang pagsundo at paghatid mo saakin sa trabaho, ang pagdamay sakin kapag nasasaktan ako ng asawa ko" sabi ko dito habang nakatingin sa kanya ngunit ang mga mata niya ay nakatutok lamang sa daanan dahil nagmamaneho ito.
"Kasi kaibigan kita" ang sabi nito.
"yun lang?"
"bakit may gusto ka pa bang ibang dahilan kung bakit ko ginagawa ang mga sinabi mo?"
"wala"
"Yun naman pala e. haha kung makatanong ka parang may gusto ka pang ibang dahilan ng mga ginagawa ko" ang sabi nito.
sumandal nalang ako sa bintana at hindi na nagsalita at siguro dahil narin sa sobrang pagkahilo ay nakatulog ako.
nagising ako sa hindi pamilyar na kwarto. inilibot ko ang aking paningin at puro puti ang nakikita ko. mula sa puting kisame hanggang sa puting ding ding at bintana pati narin ang mga furniture ay kulay puti rin. isang bagay lang ang may kulay sa loob ng kwartong iyon kundi ang napakalaking larawan ni christian na nakadikit sa ding ding.
oo nga pala dinala nga pala ako ni christian dito sa bahay nya.
sinubukan kong bumangon pero hindi ko magawa. ang sakit ng katawan ko lalo na ang puwitan ko napahawak ako sa aking ulo ng nakaramdam ako ng matinding pag sakit ng ulo ko.nakailang baso ba ako kanina? walo? siyam? sampu? hindi ko alam ang naaalala ko nalang sa nangyari ay iyong mama na mabaho ang hininga na daig pa ang kumain ng sibuyas sa sobrang baho. tapos dumating si christian tapos sumakay kami sa kotse nya tapos ayun wala na akong ibang maalala.
Tinanggal ko ang kumot na nakatabon sa katawan ko.
"WAAAAAAAAAAAAAAHHHH!!"
nun ko lang nalaman na wala pala akong saplot sa katawan. ni isang underwear ay wala kaya napasigaw ako.
May lumabas sa banyo kaya naman na patakip ako sa katawan ko gamit ang kumot.
"Oh gising ka na pala tina" Bungad saakin ni Christian na naka boxer short lang. teka b-boxer short! napako ang tingin ko sa bagay na naka umbok sa boxer nya.
ang laki!
"enjoying the view?" Nakangising sabi nito kaya naman napaiwas ako ng tingin at pinamulahanan ng muka.
BINABASA MO ANG
Ignore Wife Series 1: Athena Villatras
Romans"bakit ba kahit pilitin kong mag move on sayo ay hindi kita maiwan iwan kahit na sinasaktan mo na ako"- Athena "kinamumuhian ko sya.. dahil sa kanya ay nawala ang babaeng mahal ko. pero bakit ganon? bakit pag nakikita ko syang kasama ang bestfried...