Pag ayaw sa atin, laban.
Pag tinaboy ka, akala mo mawawalan.
Pag humanap ng iba, mag-iintay.
Pag sinabing ayoko, ikamamatay.
Anong problema?
Nag-iisa lang ba siya?
Katapusan na ba?
Hindi mo na ba kaya?
Doon tayo sa kaya tayong ipagtimpla ng kape.
Doon sa laging may pake.
Doon tayo sa kaya kang ipag book ng uber kahit malayo siya.
At gigising ng umaga para iapagluto ka.
Doon tayo sa sigurado sa'yo.
Yung ramdam mong ikaw yung panalo.
Doon tayo sa hihinga muna bago ka awayin.
Pagiisipan kung ano ang dapat sabihin.
Doon tayo sa tatanungin ka ng "Kamusta ka?"
Tapos ang saya mo, araw mo eh magliliwanag na.
Doon tayo sa tititigan ka.
Kase ang saya lang niya.
Doon tayo sa kahit mataba ka,
Bote ka ng coke sa kanyang mga mata.
Doon tayo sa kayang hawakan ang kamay mo kahita ikaw ay pasmado.
Feel na feel ko ako ay sigurado.
Ang sarap isipin, masayang gawin.
Doon tayo sa lagi tayo ang pipiliin.
YOU ARE READING
kasan-o (kailan?)
HumorPara sa may mga tanong na bakit? saan? at kailan? Direcho, walang pagpapanggap. Hindi nag-adik pero nagmahal ng lubusan.