Hindi mo ba natatanong kung bakit papasok ka pa lang
pagod na pagod ka na?
Bakit ang traffic sa edsa eh diretso lang naman yon.
Bakit pag malinis yung lalaki bakla agad.
Bakit pag malaki yung sapatos malaki din yung ano,
yung puso.
Ang intense diba?
Parang eksena sa pelikula.
Either masasampal ka,
O sasampalin ka niya.
Sasampalin ka ng katotohanan na kahit kelan
hindi ka naging sa kanya.
Bakit kapag ayaw sa atin, kinikilig ka pa din?
Bakit kapag humanap nang iba, maghihintay ka?
Bakit kapag meron na, nakaaligid pa?
Bakit kapag maraming nagkakagusto, ikaw nakikigulo?
Pero.
Bakit kapag okay na kayo, humahanap ka ng problema mo?
Bakit kapag umamin hindi alam kung paano sasagutin?
Bakit kapag pinasaya ka, "masyadong mabilis ang lahat, pasensya na"
Bakit kapag hinintay ka, umaayaw ka?
Bakit gusto mo ng kumplikado?
Bakit hindi ka doon sa nagtitiyaga sayo?
Bakit doon ka sa iniwan ka?
Pano naman siyang ready na mahalin ka?
Bakit?
YOU ARE READING
kasan-o (kailan?)
HumorPara sa may mga tanong na bakit? saan? at kailan? Direcho, walang pagpapanggap. Hindi nag-adik pero nagmahal ng lubusan.