Sana kahit madaming asukal ang ilagay mo
tama pa din ang timpla.
Kahit mas madami ang kape, sakto ang lasa.
Kelan mo ba masasabi pag sobra na?
Pag ang sakit sakit na?
Sa bawat kasobrahan na naririnig ko sa mundo.
Kelan ba tayo makukuntento.
Kapag kulang problemado.
Kapag sobra inaayawan mo.
Ano ba talagang gusto?
Sa sakto lang o sa sobrang katulad mo?
"Sobra mo kaseng achiever"
"Sobra ka magmahal"
"Sobra kang mapagbigay"
"Sobrang busy mo"
"Sobrang understanding mo"
"Sobrang focus mo"
"Sobrang bait mo"
O baka naman sobrang gago mo?
Na pati kaguluhan ng isip mo pinapasa mo?
Wag mo sakanya ibato ang problema.
Kase noon pa man ay ikaw na.
Hindi mo kelangan sabihin na "oo gusto kita"
Pero ang sigaw ng puso mo "tama na!"
Hindi ka sobra para sa taong nakalaan sayo.
Minsan lang talga panahon ay manloloko.
YOU ARE READING
kasan-o (kailan?)
HumorPara sa may mga tanong na bakit? saan? at kailan? Direcho, walang pagpapanggap. Hindi nag-adik pero nagmahal ng lubusan.