Chapter 6

1.1K 28 6
                                    



SA LOOB ng magta-tatlong dekada ng pamamalagi sa mundo ni Amber, ni minsan ay hindi pa gumana ang puso niya. Katulad tuloy iyon ng kasangkapang de motor na naimbak ng matagal sa bodega. Inaalikabok, inaagiw at nang paandarin, pupugak-pugak, halos tumirik. Pero ang amazing, gumagana iyon.

Ganito ba ang gumaganang puso? Hindi siya sigurado. Malay ba niya sa mga ganoong bagay. Pero ang sigurado niya ay ito. May kakaiba sa nararamdaman niya at hindi pa niya iyon naramdaman mula noong naka-diapers pa siya.

Puwedeng may toxic fumes sa kuwarto niya at ang tutoo ay nandoon pa rin siya sa mga sandaling iyon, nakatulala sa hangin at hallucination lang lahat ang nangyayari ngayon.

Tinapunan niya ng tingin ang hallucination niya. Ang husay niyang mag-hallucinate pag nagkataon. Buhay na buhay, matikas na matikas pa nga, ang taong hango lang sa imahinasyon niya. Nakatayo iyon sa lilim ng mga puno, kausap ang isa sa tauhan ng lupaing pag-aari ng pamilya nito.

Wala nga dapat doon si Amber. Ang mga babae sa siglong iyon ay napakaraming alituntunin ang sinusunod. Hindi dapat magaslaw, hindi puwedeng umalis ng bahay ng basta lang, ipinagbabawal ang hayagang magpa-cute sa lalaki. Lahat ng mga iyon, hindi kayang sundin ni Amber. Lalo na iyong huli. Hindi nga siya marunong magpa-cute sa lalaki. Period. Kaya paano niya maipagkakaiba ang pagpapa-cute na hayagan at hindi?

And FYI, hindi ako nagpapa-cute. Nagbangong puri ang puri niya.

Ay, oo nga. Stalker ka lang, ganti ng ewan kung anong bahagi ng pagkatao niya. Ganoon nga siguro ang dating niya dahil kung hindi, dapat ay nasa bahay siya, nakikipag-inuman ng lemonada kay Tia Isabel imbes na patago-tago siya sa mga puno para lang masubaybayan ang kilos ni Gregorio.

NATIGIL ang pagpapaliwanag ni Gregorio sa mas makabagong paraan ng pagpapausbong ng bulaklak sa mga puno nila ng mangga. May nahagip ang paningin niya. May taong nagkukubli sa isa sa mga puno. Inakala niya noong una ay namamalikmata siya. Pero kahit kumurap na siya ng limang beses ay nandoon pa rin ang pigura. Para nga lang sinubukan nitong paliitin ang sarili para magkasya sa likod ng puno. Ang taong iyon, walang iba kung hindi ang panauhin nilang galing daw sa ibang panahon. Napailing siya sa naalala niyang iyon.

Ibang panahon. Kalokohan! Idedeklara siguro itong erehe ng simbahan kapag narinig ang ipinangangalandakan nito. Paano ba nakakapaglakbay sa panahon? Ganoon pa man, para maipangalandakan iyon ni Amber, isa lang sa dalawa ang dahilan. Baliw nga talaga ito o kaya ay matapang ang apog nito. Mas madaling isipin na baliw ito. Kaso ay hindi naman ito mukhang baliw. Ang layo nga ng itsura nito sa isang baliw. Ang nakikita niya rito ay isang babaeng hindi nagpapakahon sa dikta ng panahon. Patunay lang ang ginagawa nito ngayon. May lakas ito ng loob na lumabas ng bahay. Hindi lang sa mag-isa ito, sumunod pa sa kanya. Nakakahiyang aminin sa sarili na may nasundot sa pagkatao niya ang ginagawa nito.

"Senyor, ano po ba ang sinasabi niyo?" Pinukaw ng tauhan niya ang huwisyo niyang nabalahura kung saan.

"Ah, w-wala. Ipagpaliban na muna natin ang pag-uusap." Bagong karanasan para kay Gregorio ang mawala ang pansin sa ginagawa niya. Pero ganoon nga mismo ang nangyari. Bigla ay hindi niya maalala ang sinasabi niya sa tauhan.

Nang umalis na ang kausap ay mabilis siyang naglakad papunta sa punong kinaroroonan ng babae.

"Hindi ba naituro sa iyo ng iyong ina na hindi dapat lumalakad mag-isa ang isang senyoritang katulad mo?" anas niya.

"Anong masama kung lumakad akong mag-isa?" ganti agad nito.

"Masamang tignan at maaaring isipin ng mga kalalakihan na ang pakay mo ay..."

Time After Time by : Kayla Caliente (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon