Chapter 7

501 5 0
                                    

"Maam Z! Maam Z!"napakunot ang noo ko habang nakatingin sa patakbong si Lisa nakasunod sa kanya si Anne na may dalang dalawang paper bag.

"What happened?"tanong ko pagkalapit nila sa akin.

"Tara sa kwarto niyo daliiiii!"excited na sabi niya habang hinihila ako papasok sa kwarto ko. Ok? What is this all about?.

"Bakit ba?"kalmadong tanong ko habang nakatingin sa kanila na parang bulating kumilos.

"Maam tapos ka na po bang naligo?"tanong niya, tumango naman ako kahit na naweweirduhan na ako sa kinikilos nilang dalawa.

"Mabuti naman"sabi ni Anne na nakangiti "Maam pwede niyo po ba itong isukat sandali?"sabi niya sabay abot ng puti paper bag sa akin.

"Err-why?"kunot noong tanong ko.

"Basta po"nakangiting sabi niya.

"No"matigas na sagot ko.

"Sige na po please"pagmamakaawa nilang dalawa as in sila talagang dalawa, gusto ko silang taasan ng kilay dahil sa kakulitan nila pero pinanatili ko nalang na kalmahin ang sarili ko at bumuntong hininga.

"Ok fine"sumusukong sabi ko dahilan para mapa yes silang dalawa "Woah! Excited much?"reklamo ko ng italak nila ako papasok sa banyo, i heard chuckling bago sinara ang pinto ng banyo.

Tiningnan ko ang sarili ko sa harap ng salamin, i am wearing a plain white dress na may tela na medyo makapal na nakapalibot sa bewang ko to see my figure.

"Maam Z tapos na po ba kayo?"sabi nila, ano na naman kaya ang plano nila.

"Yeah I'm done"sagot ko.

"Patingin kami"sabay nilang sabi kaya binuksan ko ang pintuan ng banyo.

"Ong! Sabi na e e bagay na bagay talaga kay maam"komento ni Lisa.

"Ok? Ano ba talagang kalukuhan to?"bakit ba hindi nagsasalita ang mga to?! Naiinis na talaga ako.

"Surprise nga daw po maam sabi ni Sir"mas lalong kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nila I really hate surprise dahil feeling ko doon ako mapapahamak tsk! Mas sasalita pa sana ako ng hilahin ako ni Anne paupo sa harap ng salamin.

Kahit na nalilito ako at naiinis na sa kinikilos nila ay hinayaan ko na lamang sila dahil wala talagang balak ang dalawang to na magsalita.

"Ayaaaaan! Tapos naaa! Waaaah! Maaam Z yor so byutipol!"nawala ang inis ko dahil sa sinabi ni Lisa.

"Gaga! Wag ka ngang mag English hindi bagal sa yo ee"mas lalo akong natawa dahil sa sinagot ni Anne sa kanya kaya napapout si Lisa, mamimiss ko talaga ang dalawang to kapag aalis na ako.

"Kayong dalawa talaga"umiiling na sabi ko sabay harap sa salamin. "Hmn not bad"sabi ko, i am wearing now a light make up na bagay sa mukha ko then they curl my hair and they also put me a flower crown and of course a pair of white flat shoes.

"Maam Z picture naman tayo oh!"sabi ni Anne sabay labas ng bagong cellphone niya.

"Sige sama ako!"sang ayon naman ni Lisa kaya tumango nalang ako may magagawa ba ako.

After we pose ay kaming dalawa naman ni Anne ang nagpicture tapoa kami ni Lisa and then solo pic ko.

"I'm tired na tuloy"sabi ko sabay upo sa kama.

"Hindi pwede!!!"napatakip ako ng dalawang tenga ko ng sumigaw sila, ok? That's weird!.

"Tara na maam baka nag-aalburuto na si sir doon aa galit hihi"sabi ni Anne.

"Where?"tanong ko.

"Basta po malalaman mo pagdating natin doon"sagot naman ni Lisa kaya di nalang ako sumagot.

You Keep me Breathless Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon