Talk2stranger

28 2 2
                                    

Ako yung tipo ng tao na mas pipiliin nalang na magtrabaho kesa na maghanap ng babaeng magpapatibok ng puso ko.Ayaw ko na mag aksaya ng panahon sa ibang bagay na hindi ko naman ikauunlad.

Mas mahal ko ang pamilya ko kesa sa ibang bagay na nasa paligid ko.Sa kanila talaga ako kumukuha ng lakas ng loob para magtrabaho at matustusan lahat ng gastusin sa pang araw-araw namin.

Yung sitwasyon na paulit ulit lang. Gising, kain, trabaho,uwi ng bahay,bigay ng pera kay nanay,baon ng mga kapatid,tulog.Walang nadadagdag o nababawas sa ginagawa ko.Kahit paulit ulit atlis masaya ako dahil kasama ko ang pamilya at mga tropa kong wagas ang suporta para sa akin.

Pero hindi talaga maiiwasan na tutuksuhin ako ng mga kaibigan ko.Sa tropa namin ako nalang ang hindi pa nagkakagirlfriend.At dahil sa kanila.Dahil sa isang babaeng nakilala ko,doon nagsimulang magbago ang pananaw ko sa buhay.


Nalinawan ako na kailangan ko pala ng pag-ibig sa buhay.Yung tipong siya yung magpapaalala sa akin,magbibigay oras,at kung ano ano pang makagagaan ng loob ko.

Na may magandang naidudulot ang pag-ibig sa akin.Pag-ibig na kaya niyang ibigay at susuporta sa akin lalo na sa mga salita niyang,"Kaya natin 'to.Uunlad tayo sa paraan na gusto mo".


Importante pa din ang pamilya ko.Pero,siya,tanging siya ang kaisa isang tao na kailangan ko,ang kinakailangan ko at kakailanganin ko para magkaroon ng determinasyong mabuhay at magmahal.Tanging isang di kilalang babae ang magbabago sa buhay ko.

Talk2Strangers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon