Chapter 1

23 1 0
                                    

"Mateo!"Sigaw nung isa kong katrabaho na halos magkandaugaga na kakahugas ng mga pinggan.Nagtatrabaho ako bilang isang waiter sa di gaanong sikat na resto.

Dito ko naisipang magtrabaho dahil gusto ko balang araw ay makapagpatayo din ako ng sariling  resto na kikilalanin ng mga kabaryo ko.Kaso di ko matupad tupad,mas kailangan ako ng pamilya ko kesa sa pinapangarap ko.

"Sandali tapusin ko lang 'to"Kinuha ko na yung pinagkainan ng costumer tsaka ko na tinulungan ang katrabaho ko.

Simula noong namatay si papa di na ako natuloy noon sa pag-aaral.Mas minabuti ko munang magtrabaho para sa amin.Pero ngayon na may extra kita na din ako,sinubukan kong mag enroll ng scholarship.Mabuti nalang at nakapasok ako dun at ngayon ay pinagpapatuloy ko na yung pinapangarap kong maging.

Gabi na ng matapos kami sa pagtatrabaho.At ngayon ay andito na ako sa bahay ng tropa ko.Bago ako umuuwi sa bahay ay dumediretso muna kami dito.Ito na din ang naging usapan namin.

"Oh Mateo,ang aga mo naman ata ngayon"Bungad sa akin ni Vien.Di ko siya pinansin at tuloy tuloy lang ako hanggang makahiga ako sa sofa nila.

"Araw-araw ka ng ganyan"Dagdag niya pa.

"Pagod lang naman ako"Sagot ko.Pinikit ko yung mata ko para saglit na makatulog.

Maya maya pa ay nakarinig na ako ng mga nagtatawanan,pinabayaan ko lang sila dahil alam kong mga barkada ko lang ang mga iyon.

"Pare akala ko talaga maganda yung ka-blind date ko."Rinig kong sabi ni Brianne.

"Asa ka pa na lahat ng magaganda makikita mo diyan sa app na yan"Sabi ni Luis sabay irap.

"Kaligayahan ni tanga e.Walang magagawa"Dagdag pa ni Vien.

"Kesa naman sa ibang lalaki diyan,bente anyos na virgin pa din"Pagpaparinig ni Brianne.Alam kong ako na kaagad ang sinasabihan niya.Bored ko silang tiningnan sabay batok sa ulo ni Brianne.

"Ako nanaman nakita mo"-Ako

"Bakit ba naman kasi hanggang ngayon di ka pa din naghahanap ng paggagastusan mo"-Luis

"Mas pipiliin kong paggastusan pamilya ko kesa sa iba"-Ako

"Maski sarili mo di mo kayang paggastusan.Damit mo lima lang,pantalon mo isa lang.Minsan isipin mo din sarili mo"Galit na sabi ni Luis.Wala ng bago,lagi nila akong sinasabihan na isipin ko naman daw ang sarili ko.

"Tama na yan mga pre.Oh eto Mateo gamitin mo muna cellphone ko.Pero sa isang kondisyon"Pinakita sa akin ni Brianne Yung lumang cellphone niya at tinapat sa akin "Ichachat mo yung babaeng mapupunta sayo"Napailing ako pero sila naman ay napangisi.Puro kalokohan talaga.

"Panong mapapapunta sa akin?"Tanong ko.

"Ang daming tanong,magbasa ka para alam mo."Sabay tapon sa akin ni Brianne nung cellphone.

"Ulol di ko kailangan niyan."Ibabalik ko na sana kaso nagsalita si Vien.

"Subukan mong wag tanggapin.Mamaya di ka na namin kilala."Pagbabanta niya.

"Tss.Babaw naman ng pagbabanta mo sa akin.Seryoso ka na doon?"Tanong ko.

"Oh pre dali may napunta na sayo!"Pang iiba ng topic ni Luis.

Tiningnan ko kung ano yung sinasabi nilang napunta daw sa akin.May notification na lumabas sa screen at nag hi sa akin.Ano 'to?Landian app ba?

"Tol ano 'to?E gawain mo 'to.Maglandi ng maraming babae"Pagrereklamo ko kay Brianne.

"Sakit mo naman magsalita.Ichat mo nalang kasi"Pagpupumilit pa sa akin ni Brianne.

Hindi ko alam kung pano ko ito rereplayan.Bukod sa natatakot ako,hindi ko din alam kung ano ang pwedeng sabihin.

"Tagal mong replayan.Tara na mga tol magsiuwian nalang tayo"Pag aaya ni Luis

"Pare walang tayo.Pero kung gusto mo?Ok lang"Pacool na sagot naman ni Brianne

"Ulol niyo,tara na umuwi na si ikaw,ikaw,at ako"Pagtuturo ko kay Luis,Brianne at ako.

"Tol bukas ulit!"Sigaw ko kay Vien habang papalayo na kami.

"Sana may pagkain na bukas!"Pahabol naman ni Luis.



Nakauwi na ako sa bahay at sakto,tulog na mga kapatid ko pati na rin si nanay.Inilapag ko na sa munting sala namin ang bag kong dala at humilata na doon.Opo,dito ako sa sala natutulog.Dalawang kwarto lang ang meron kami.Ako lang ang solong lalaki sa pamilya namin.At di kakasya sa iisang kwarto ang anim na tao.

Pagkahilata ko,kinuha ko kaagad sa bulsa ko yung cellphone ni Brianne.At ang dami ng chat

Hello?

May tao?

Kausap naman oh :(

Please?

Bigla akong nataranta dahil sa dami ng chat niya.Kinakabahan ako.Seryoso ba 'to?Hindi ko alam pangalan niya,edad,saan siya nakatira,mukha niya di ko din alam.

Hello?

Reply ko.Bakit parang mali ata na makipag-usap ako dito,hindi ko naman kilala.

THANK GOD YOU REPLIED.Kailangan ko lang talaga ng makakausap ngayon and I think you're the one that I've been looking for.

Baka hindi siya taga dito sa Pilipinas.Baka mapalaban ako sa pag eenglish.Wag ko nalang kaya replayan?

Napagdesisyon kong hindi na siya replayan dahil baka mamaya isa pala siyang gang.Mahirap na nga lang kami mananakawan pa.

Pinikit ko na yung mata ko at nagsimula ng matulog.Pero di ko maalis alis sa isip ko yung kachat ko.Baka naman talaga kailangan niya lang na may makakausap tapos hindi ko siya papansinin.Parang ang sama kong lalaki.Kinuha ko ulit yung cellphone at nireplayan siya.

Sige :)

=====

So eto na.Sana subaybayan niyo 'to.Since nasimulan niyo ng basahin bakit di niyo pa tapusin diba?Kahit dito man lang,maranasan niyong kayo ang nagtatapos hindi siya lagi ang tumatapos...

HAPPY FEB-IBIG SA MGA MAY JOWA PATI NA RIN WALA. WAG KALILIMUTAN NA MAGPALAGAY NG ABO SA NOO LATER(ash wednesday, kailangan banal)

*ComVo*

Talk2Strangers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon