Masyado akong tipid sa kanyang makipagchat.Dahil nga sa hindi naman ako sanay sa ganitong sitwasyon kaya medyo nakakahiya na din.
Ang tipid mo makipag-usap.Gipit ka ba?Pwede kitang pautangin.Kung gusto mo lang naman.
-SiyaMedyo napatawa ako dahil doon.Bakit kapag barkada ko ang magbibitaw ng joke pakiramdam ko katapusan na ng mundo.
Kahit hindi na,salamat sa concern mo.
-AkoWelcome Mr. Gipit.So anong problema mo?Pwede mo naman sabihin sa akin
-SiyaWala naman akong problema,dapat nga ikaw and tinatanong ko niyan.Kakasabi mo lang kanina na kailangan mo ng kausap.
-AkoWala akong problema.At sa tingin ko ikaw ang kailangan ng kausap.
-SiyaPano mo naman nasabi?
-AkoHmmm.Halata naman kasi sa mga letrang binibitawan mo.Ok lang sa akin,handa akong makinig.
-SiyaNapatigil ako.Bakit kailangan niyang sabibin na kakailanganin ko ng kausap?Masaya naman ako,wala naman akong problema.At kuntento ako kung ano man ang ibigay sa akin.
Kuntento naman ako.
-AkoHindi mo kailangang makontento dahil alam mo lang na masaya ka ngayon.Hindi naman natin alam ang more blessings sa atin ni Lord e.
-SiyaTama na nga,sorry lumalabas nanaman ang pagkaputakera ko.
-SiyaTumawa nanaman ulit ako.Napaupo na ako sa hinihigaan ko at mas na engganyong kausapin siya.
Wala namang kaso sa akin yun.
-AkoAng tipid mo talaga makipag usap sa akin.Pwede ka naman sa akin magtanong ng kahit ano.(Basta huwag bastos)
-SiyaBakit kailangan niyong gumamit pa ng gadgets?
-AkoBakit hindi kayo agad agad nakukuntento sa mga meron kayo?
-AkoAnong meron dito sa app na 'to bakit nahuhumaling kayo?
-AkoMay mga magagandang naidudulot ba sa atin 'to?
-AkoTEKA!Sobrang daming tanong.Ginalingan mo din e.First of all,kailangan na kailangan talaga natin ang gadgets.Sa panahon ngayon technology na halos ang nagpapatakbo sa atin.And excuse me?Kailangan lahatin ang taong di marunong makuntento?Kung alam mo naman na may mas hihigit pa doon sa mga bagay na kuntento ka,bakit di mo pagtrabahuhan or paghirapan?Eto ha,minsan kasi dito na ang hanapan ng forever.Pero para sa akin libangan ko lang 'to. I'm wierd,sa puntong di na nila ako kinakausap.Magandang naidudulot?For me it's a yes.Dito nalang ako nagiging ako.Sa pagkakaalam nila na iba ako sa kanila pero hindi,katulad din nila ako na kayang makipagsabayan sa kanila.But the world is so unfair.Kaya dito nalang ako nagiging friendly.Nasagot ko na ba yung mga tanong mo?
-SiyaHumiga ako ulit at nagbuntong hininga.Nakita ko sa wall clock na 2:30 am na pala.Nagulantang ako dahil may pasok pa ako sa eskwelahan mamayang 6:00 am.Sinabi ko sa kanya na mamaya nalang ulit kami magchat dahil baka di na ako makapasok.
Bago ko ipinikit ang mata ko,napangiti ako dahil sa kanya,dahil doon sa naging pag uusap naming dalawa.
"Anak!!Gumising ka na!Ihahatid mo pa mga kapatid mo!Pati ikaw baka malate din!"Minulat kong bahagya ang mata ko,ba't parang kakapikit ko lang?
"Ano ba anak?Tumayo ka na diyan"Lumapit na sa akin si nanay at tinulungan na akong makaupo.Medyo nakakahilo dahil puyat pero kailangan kong magtrabaho para sa pamilya ko.
"Nay nakuha mo na ba sa mesa yung perang nilapag ko?"Tanong ko habang nagbibihis ng damit dahil kakatapos lang maligo.
Nakita kong tumango siya sa akin at ngumiti.Napaka sarap talaga sa pakiramdam kapag nakakatulong ako sa kanila.
Habang papalapit na ako sa school ay nakaramdam ng biglang pagkulo ang tyan ko.Bigla kong naalala na hindi ako kumain ng almusal.Tiningnan ko yung wallet ko at nakitang 20 pesos lang ang laman.Kung gagastusin ko pa ito sa pagkain ko mawawalan ako ng pamasahe papunta sa trabaho.Tinago ko na yung wallet ko at dumiretso na papasok sa eskwelahan.
May mga pagkakataon na hindi ako nakakakain buong maghapon dahil sa dami ng trabahong pinapasukan ko.Bukod sa resto.Na part time din ako sa canteen para sa pansarili kong pera.Maliit lang ang kinikita ko pero kasya naman sa akin kahit papaano.
Habang nagseserve na ako ng pagkain sa mga kapwa ko estudyante tsaka ko naalala na naiwan ko yung cellphone ko.Sa sala ko naiwan yun panigurado.Baka magtaka si nanay kung paano ako nagkaroon nun.
Matapos ang maghapon ko sa eskwelahan umuwi muna ako sa bahay para kunin yung cellphone.
"Anak san galing itong cellphone?Bili mo ba ito para sa sarili mo?"Yan agad ang bungad sa akin ni nanay Ng makauwi ako sa bahay.
Magsasalita na sana ako ng bigla siyang lumapit sa akin at agad akong niyakap."Mabuti naman at nabibilhan mo na ang sarili mo.Nakakatuwa"Mas hinigpitan pa ni nanay Ang pagkakayakap sa akin.
"Nay naman"Kumawala ako."Bigay sa akin yan ng barkada ko.Tsaka mas pipiliin ko na kayo ang paggastusan ko kesa sa sarili kong kaligayahan."
"Anak hindi mo naman kailangan ibigay sa akin lahat ng pinagkakakitaan mo.May trabaho naman ako,sa katunayan sakto naman yung perang galing sa akin para sa atin dito sa bahay."
Di nalang din ako nakapagsalita.Binigay na sakin ni nanay yung cellphone at umalis na din.
Bakit ba lagi nalang niyang sinasabi ang ganung bagay sa akin.Di ba pwede na maganda yung mas maginhawang buhay?Nagbuntong hininga nalang ako at pumunta na sa trabaho ko.
Habang nakasakay ako sa tricycle tiningnan ko kung may chat na yung babaeng kausap ko kagabi.Gulat ako dahil tadtad ang chat niya.
Good morning Mr.Gipit!Have a blast day today :)
Hello?Mr.Gipit?Busy ka ba?
Alam mo minsan masarap ng may kausap lalo na kung ako yung kakausapin mo.
Ok lang na kausapin mo ako.Magiging happy pa ako kapag close na tayo
MR. GIPIT!Wru?I'm here na.Pwede natin tong pag usapan,wag naman ganto.
Joke lang naman!Nafefeel ko nanaman kasi kabaliwan ko. Sabayan mo na ako dito.Kausapin mo na ako para di lang ako ang masaya,pati na din ikaw diba?
Good afternoon Mr. Gipit :) Hope you enjoy your meal.
Hindi ko mawari maisip na kapag puyat ka hapon ka na nagigising?
Pangitbaakokapalitpalitbaakothenwhy?
Sagutin mo yung why ko!I can't fight this feeling anymore!
Mr. Gipit naman oh! Buong araw mo akong hindi kinausap.Nakaya mo yun?Pano na ako?Wag kang ganyan.
Medyo nailang ako sandali,di ko alam ang dapat o tamang emosyon na mararamdaman ko dito sa ginawa niya.Dahil andito na ako sa trabaho ko kaya tipid lang ang reply ko sa kanya
Wag kang OA.
✓✓✓✓✓✓✓✓✓✓
So eto na!sa tinatagal tagal ng panahon natapos ko din ang chapter 2,at pinilit ko talaga na tapusin na agad agad dahil trip ko.HAHAHAHAHA.Siguro sa bakasyon sunod sunod na to.(sana)
BINABASA MO ANG
Talk2Strangers
Teen FictionManiniwala ba kayo kung sasabihin kong nahanap ko siya sa di inaasahang panahon?Di ko siya kilala sa muka at hugis ng buong katawan niya pero kilala ko ang ugali at buong pagkatao niya.Di ako gaanong gumagamit ng cellphone at ng kung ano anong app p...