Habang inaantay namin ang sweldo ay bigla nalang lumabas yung anak ng may ari at humarap sa amin. "Tomorrow sarado ang resto,and it will last until next day.So see you on Sunday"
Halos lahat ng katrabaho ko ay natuwa dahil sa magandang balitang hatid ng anak ng may-ari.Samantalang ako ay hindi mapakali.Isang buong araw na tengga lang ang tema ko at hindi kikita ng pera.Sabado bukas at hindi ako kailangan sa canteen para magtrabaho.Wala din naman akong ibang raket na pwedeng pasukan.
Matapos na ibigay samin Ang sweldo ay dating gawi lang.Pumunta ako sa bahay nila Vien at laking gulat ko dahil may pagkain nanamang nakahain sa mesa nila.
"Pre buti di ka nauubusan ng pera"Sabi ko sabay umupo na at kumain.
"Alam ko kasing di ka nanaman kumain ng hapunan kaya ayan.Tsaka gastos yan nila Brianne at Luis e."
Tapos na akong kumain ng bigla kong nakita sina Luis at Brianne na kakalabas palang ng kwarto.Yung tubig na iniinom ko ay bigla ko nalang nailuwa dahil sa nakita ko.
"Fuck Mateo!Anong kabastusan yan?"Sigaw ni Brianne dahil nabasa siya nung tubig na galing sa bibig ko.
"Lul!Di ko naman sinasadya e.Nagulat naman kasi ako.Magshota na kayo?"Tanong ko.Pakiramdam ko may kababalaghan silang ginawa sa kwarto.
"Gagu Mateo kung ano ano iniisip mo"Bulyaw ni Luis,halos diring diri siya sa sinabi ko.
"Wag mo na itago relasyon natin pare.Maiintindihan naman yan ni --,Aray ko gago!"Di na natapos ni Brianne ang sinasabi nya ng kutokan siya ni Luis.
Tawa lang kami ng tawa ni Vien dahil halatang pikon na si Luis kay Brianne.
"Kaya nasa kwarto yung dalawa at naglalaro ng SSG"Sabi ni Vein.Napatingin naman ako sabay kunot ng noo.
"Hoy!Ang kapal mo Vein!Ikaw ang nanimulang maglaro ng Summertime Saga,imbis na virgin pa din mata namin ng dahil sayo hindi na"Tapos umarte pa si Brianne na parang kinawawa.
"Pare virgin ka pa pala?"Sabi ni Luis.
"Ginalaw mo ako kaya hindi na"Umarte na naman si Brianne na para bang binaboy ang buong pagkatao niya.
Kaming tatlo ay nagpalakpakan dahil sa pambihirang galing sa pag arte na pinakita ni Brianne sa amin.
"Ay teka,may alam ba kayong raket na pwede kong pasukan kahit yung pang isang araw lang"Pang iiba ko ng topic.Naging seryoso na din sila at nag-isip ng alam nilang pwedeng maging raket ko para bukas.
"Wag ka muna kaya rumaket?Wala din naman kaming maisip e."Sabi ni Vein.
"Hindi nga pwede,kailangan kong makabigay kay nanay kahit konting pera lang"Bulyaw ko.Gagawin ko ang mga bagay na yan kapag nakaraos na kami.hindi ko kayang isipin na na nagpapakasarap buhay ako samantalang ang pamilyang naiwan ko ay naghihirap.
"O edi ikaw na nga,gabi naman yun e.Try nating makipagkita na sa kachat mo para naman mahatulan na kung papatulan o hindi"Sabi ni Brianne habang ikinikiskis nya yung mga palad nya.
"Muntanga ka jan Brianne"Sabi ni Vien
"Mukha kang adik gago!"Dagdag naman ni Luis.
"Sayo lang ako nag aadik.Adik ako sayo!"Bigla nalang hinawakan ni Brianne ang mukha ni Luis at dahilang nasapak siya nito.
"Magbibigay lang kayo ng suggestion napakadami niyong sinasabi.Kapag wala kasi,sabihin na hangga't maaga pa,para kung wala aalis na ako dito maghahanap ako ng pwedeng maraketan."
"Pare ba't mo palaging pinapatadtad ng chat tong babae mo?Wag ganun.Babae ay tinuturing na prinsesa kahit mas gago pa sila kesa satin.Dapat itrato ng tama"Pang iiba nag topic ni Luis.
Nakita kong nagbabasa siya doon sa cellphone na binigay sa akin ni Brianne,agad ko namang inagaw kay Luis at ako na ang nagbasa ng mga bagong chat niyang hindi ko napansin.
BINABASA MO ANG
Talk2Strangers
Teen FictionManiniwala ba kayo kung sasabihin kong nahanap ko siya sa di inaasahang panahon?Di ko siya kilala sa muka at hugis ng buong katawan niya pero kilala ko ang ugali at buong pagkatao niya.Di ako gaanong gumagamit ng cellphone at ng kung ano anong app p...