NOBODY 6

25 3 0
                                    

Simula nung marinig ko ang tungkol sa simbahan sa restroom ay pinaghinalaan ko na ang aking kapatid. Bumalik ako sa upuan namin at tinuloy ang pagkain..

"Ethan, bakit ayaw mo akong papuntahin sa simbahan?" Naiintriga na talaga kasi ako. Inangat niya ang ulo niya ngunit Namutla ulit siya.

"K-kasi nga sasamahan mo ako dito sa mall" Yumuko siya at kumain ulit

"Bakit Hindi ka nagpasama sa Iba."

"A-ate tapos ka na ba kumain? U-uwi na tayo" Nagbayad siya at hinila na ako palabas. Sumakay ulit kami sa taxi at paymuwi sa bahay.

"Eth—"

"Ate busy ako" sagot niya habang hawak ang kanyang cellphone at nagtitipa. Tsk. Isa lang ang sagot kung bakit ganiyan ang kinikilos niya. Umiiwas siya sa tanong ko. Hmpft. Bahala na nga. Aalamin ko nalang mag-isa. Sabi nga nila, Walang Lihim Na Hindi Nabubunyag.

Ng makauwi kami sa bahay ay dumiretso agad ako sa aking kwarto. Tatawagan ko na sana si Kaela ng mag ring ang phone ko.

"Hello"

"Mia,pumunta ka ba ng simbahan ngayon?" Sabi ni Jess sa phone. May bahid na pag-aalala sa boses niya.

"Hindi"

"Hay, buti na lang." Relax na sabi niya

"Ano bang nangyari" takang-taka na talaga ako. Kailangan ko ng mga sagot sa mga tanong ko.

"May putukan na naganap" Halah! Grabe! Sa simbahan pa talaga. Mga walang modo

"Bakit sila nagputukan? Sino-sino yung mga yun?"

"Wala pang sinasabi. Marami ngang nasugatan. Sa mismong tapat ng simbahan naganap." Paliwanag niya. Gulong gulo na talaga ako.

"Okay. Bye. Thank you sa information."

"Bye,ingat ka" at pinatay ko na ang tawag.

Kailangan kung malaman yun. Baka kasabwat yung kapatid ko o baka naman may nalalaman siya.

Dahil sa sobrang mausisi ko naisipan ko na pumunta sa simbahan para aalamin kung ano ba talaga ang nangyari. Kung tatanungin ko lang ang aking kapatid ay sigurado akong Hindi niya iyon sasagutin kaya minabuti ko nalang na lumabas. Dahan dahan akong humakbang upang Hindi marinig ni Ethan. Nakalabas na ako ng bahay at nag para ng taxi. Kailangan ko ng pumunta sa simbahan.

Ng makarating ako sa simbahan ay napakaraming pulis at ambulance. Papalapit na ako ng may humarang na pulis.

"Sorry ma'am pero bawal pong lumapit"

Grabe naman si kuyang pulis. Hindi na ako nakipagtalo at umalis na duon. Pumunta nalang ako sa malapit na ice cream shop. Kailangan kong I refresh ang aking brain. Pumunta ako sa pinakasulok at duon kumain ng ice cream.

"Sir, Hindi po namin sila napatay" Lumingon lingon ako at hinanap kung kanina galing ang Boses na iyon. Nakita ko si kuya na naka kulay itim at kumakain ng ice cream malapit sa kinauupuan ko. Inosente ang kanyang mukha kaya Hindi mo siya mapagsasabihan na isang killer. Hindi ko pinahalata na narinig ko siya hehe. Mamaya kasi ako pa ang patayin. Tumayo na si kuya at umalis.

Sino siya? At sino ang sinasabi niyang papatayin?

Sinundan ko siya. Para akong ninja na nagtatago para Hindi makita. May nababasa kasi ako na mga ganito. Sana hindi niya ako mahalata.

Lumapit siya sa may isang kotse. Nakita ko ang anyo ng isang lalaki sa loob ng kotse. Isa siyang lalaki. Nasilayan ko ang inis sa mga mata ng lalaki na nasa loob ng sasakyan. Hindi ko makita masyadong ang lalaki na nasa loob dahil sa sikat ng araw. Tinitigan ko ang kanyang mga mata. Parang kilala ko kung sino ang tanong nasa loob ng sasakyan. Lumapit pa ako ngunit napansin na ako ni kuya na nakakulay itim Lumapit siya saakin. Omg. Habang malapit siya ay nanginginig na ang buong katawan ko ngunit Hindi ko iyon pinahalata.

"Miss sinusundan mo ba ako?" Malalim ang kanyang boses at may halo na pagka-irita.

"Hindi po kuya." Piniwalaan mo ako kuya. Please.

"Eh bakit nandito ka?" Hmm. Think mia. Magisip ka. Mawawalan ka ng future pag Hindi ka magisip ng magandang dahilan.

"Dito po kasi ang padaan ko pauwi."

"Tsk. Makakaalis ka na" Thank you naman. Akala ko mamatay na ako. Humakbang na ako palayo ngunit may sinabi pa ang lalaki.

"One wrong move and you will die."
Yan ang huling narinig ko sa lalaking nakaputi

Lahat ng sistema ko ay nabulabog. Alam niya ba na may alam ako. Omg Lord ayaw ko pang mamatay.

Being NOBODYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon