NOBODY 9

29 3 0
                                    

Hindi nag register sa utak ko lahat ng nangyari. Magkakilala sila? Paano sila nagkakilala? Ano ang ibig sabihin ng nakita ko.

Ano ba yung sinasabi ni Marco na weakness nung lalaki..

"Shawn Monteverde" bulong ko. Hanggang sa nawala ma sila sa aking paningin.

Lutang akong bumabalik sa klase ko. Marami ng estudyante ng dumating ako. Nanduon na din si Kaela. Dumiretso ako sakanya at umupo.

"Bakit mukhang namumutla ka?" Takang tanong niya habang nakakunot ang nyo.

"W-wala lang ito"

"Okay" and she shrugged.

Sino ba si Shawn Monteverde?

Pumasok na ang teacher namin at nag discuss. Nung nag break na ay nakita ko si Shawn na naglalakad sa labas. Bigla akong napatayo ng makita siya. Kailangan kong matanong kung ano ba talaga ang koneksiyon nila.

"Hoy babae,saan ka pupunta?" Pagpipigil saakin ni Kaela.

"Pupunta lang ako sa library,may hihiramin lang" nagpaalam ako at umalis na.

Naglakad ako ng naglakad para makita ko si Shawn(ang lalaking snobber). Naglalakad siya kaya naman binilisan ko ang aking lakad ngunit hindi pa iyon sapat. Halos tumakbo na ako para lang maabutan siya.Lumapit ako para tanungin siya.

"Magkakilala kayo ni Marco?" Wala lang siya sinabi saakin.

Sinundot ko ang tagiliran niya upang makuha ang atensyon niya. Kumunot naman ang kanyang noo.

"Hoy, paano kayo nagkakilala ni Marco"

"Its none of you're business"

"Hmpft. Sungit" tumahimik nalang ako ngunit sinusundan ko siya.

Ilang minuto pa lang ay humarap na sya saakin. Cold ang kanyang mga mata at nakakunot ang kanyang mga noo.

"Bakit mo ako sinusundan?"

"Eh kasi nga Hindi mo pa sina sagot yung tanong ko" ang bobo naman nito.hehe sorry sa word haha nadala lang sa inis.

"Oo,magkakilala kami. You may go" at dumiretso na siya ng paglalakad. Syempre ako naman si kulit sinundan ulit siya.  Nakalabas na kami ng campus. Nandito kami sa field at naglalakad sa kawalan.

Hanggang may makita akong mga naka itim. Nakamask sila kaya Hindi ko maaninag ang kanilang mga mukha. Para silang men in black.

Hindi ko napansin na hila hila na pala ako ni Shawn.

"Bakit tayo tumatakbo?" Hala. Snobber naman itong lalaking ito.

"Hoy bitawan mo nga ako"

"Shut up" Kung Hindi niya kasi ako biglang hinila edi tahimik ako ngayon.

"Bakit ba tayo tumatakbo?" Nakakaloka kasi si Shawn.

Nakarating kami sa malaking puno dito sa field. Puno ata ito ng narra.

"Stay here" sabi niya saakin

"Bakit? Ano bang nangyayari" Wala akong kaalam alam sa mga nangyayari. Hindi ako updated.

"Magtago ka dito. Huwag kang lalabas pag Hindi pa ako nakakabalik" sabi niya at umalis na. Ano ito tagu-taguan?

Kaasar siya. Iniwan ako. Baka maraming langgam dito.  Atyaka sino-sino ba yung mga lalaki na yun at kung makatakbo naman itong lalaki na yun akala mo nasa racing.  Mag isa tuloy ako dito. Hmpft. Bahala siya diyan. Hindi ko siya susundin. Lalabas ako sa pinagtataguan.

Being NOBODYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon