NOBODY 10

23 3 1
                                    

Nagtatake na ako ng exam ko. Pagod na pagod ako. Yung utak ko ang dami-daming iniisip. Imbes na review lang ang alalahanin ko ay pati yung naganap nung nakaraang araw. 

Nung natapos yung sabihin ni Nathan ay iniwan niya na ako. Oh diba napaka walang hiya niya. Sabi niya ihahatid niya ako pero iniwan niya naman ako.

Hayst pag ako Hindi makapasa sa exam susuntukin ko sina Nathan at Shawn.

"Tara na Mia, puntahan na natin si Jess" tumayo naman ako at sumabay na Kay Kaela.

Ng makita na namin si jess. "Hay mga bes,nasipsip yung utak ko"

"Wala ka naman utak eh" hala ang sama ni Kaela. Pag may kaibigan kayong Kaela,it means masama yun hehehe joke lang.

"Ang sama mo Kaela" mangiyak ngiyak na sabi ni Jess. Nagdrama nanaman haha.

"Tayo na nga" yaya ko sakanila at lumabas na school.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ni Kaela.

"Let's go shopping " na sayang j sabi ni Jessica.

Hay nako si shopping girl nanaman. Mayaman kasi siya kaya ganiyan.

"Wala akong pera" Hay ito talagang babaeng ito. Hindi naman ako mayaman eh. Atsyaka may pinag-iipunan ako.

"Don't worry, its my treat" Hay naku ito talagang si Jess.

Pumunta na kami sa mall. Naglibot libotlibot kami. Maraming napamili si Jess. Pinilit niya pa kami ni Kaela na bumili ng mga damit namin. Binilhan niya din kami ng lipstick. Sabi ko sakaniya huwag na dahil Hindi naman ako nag lilipstick at nag m-make up. Pero Hindi niya ako pinakinggan. Oh edi siya na.

Pauwi na kami ng makita ko si Marco. He is wearing a v neck T-shirt.  Makikita mo ang kanyang matipuno na pangangatawan. Omg. Mia bakit ganiyan ka. Umiling nalang ako upang Alisin ang aking nasa isip.

"Hey girl's, pauwi na ba kayo? Sabay na kayo saakin." Sabi ni Marco. Hindi ko napansin na nakalapit na pala siya saamin.

"Nandiyan yung driver ko." Sabi ni jess na mukhang hirap na hirap mag bitbit ng kanyang pinamili.

"Sasabay ako Kay Jess. Magkalapit naman kami ng bahay." Sabi naman ni kaela sabay kindat saakin.

So ganun. Iniwan nila ako. Mga walang hiyang mga kaibigan.

"So it means si Mia nalang ang ihahatid ko. Tayo nanaman ang naiwan" he chuckled.

"Oh siya, mauna na kami. Marco ingatan mo si Mia" sabi ni Jess at umalis na.

Sinundan ko sila ng tingin hanggang Hindi ko na sila nakita. Humarap ako sa Kay Marco. Wrong move!. Dahil pagkaharap ko ay nakatingin din pala siya saakin. Binasa ko ang aking tingin. Umakyat ata ang lahat ng dugo ko sa ulo.

"Tayo na" pag aaya ko sakaniya. Baka kapag tumagal pa ito ay Hindi na makaya ng puso ko. Oh diba ang harot.

Papunta na kami sa parking lot ng may biglang nagsisigawan. Nagkumpulan ang mga tao. Lumapit naman ako dun para sa maki-elam.

"Ate, ano pong nangyayari" tanong ko sa katabi kong babae.

"May tao sa taas ng building. Gusto atang tumalon." Tumingin naman ako sa tinuturo ni ate.

Nakita ko ang isang babae na nakakulay pula sa taas ng building. Balak atang tumalon.

"ATE, BUMABA KA NA DIYAN" sigaw ko dun sa babae. Naki asyoso naman ako.

Dahil sa hindi malamang dahilan pumasok ulit ako sa mall. Hindi ko na sinabihan si Marco sa gagawin ko. Tumaas ako sa building kung nasaan ang babae na gustong tumalon. Kailangan ko siyang mababa duon. Dahil nasa labas ang mga tao, kaunti lang ang makikitang tao dito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 01, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Being NOBODYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon