NOBODY 9

21 3 1
                                    

Tuluyan na akong nakalabas sa aking pinagtataguan. Nagulat nalang ako dahil may hawak na Baril ang mga men in black kanina. Pinuputukan nila sina Shawn. Marami ng kasama si shawn,naka mask din yung mga kasama ni Shawn ngunit ito ay kulay puti. Nakita ko din si Nathan na may hawak na baril at kinakalaban ang mga men in black..

"What then fuck!" Sabay tingin sakin ni Shawn at nakakunot ang kanyang nuo. Grabe naman ito makapagmura.

"Sabi ko duon ka lang!" Halah!galit na siya. Ayaw ko nga duon eh.  Mag isa lang ako.

"K-kasi kinakagat na ako ng langgam duon." Ang galing ko talaga mag isip hehe.

"Shit" Ang sama nitong lalaking ito. Mura ng mura.

Hinila niya ako papunta sakaniya at niyakap. Nandito ako ngayon sa kaniyang chest. Omg. Ang bilis ng heartbeat ko. Nararamdaman ko yung kakisigan niya.  Ahhh mag hunosdili ka.

Mabilis niyang pinagbabaril ang mga men in black sa likuran ko. Ang dami ko ng naririnig na putukan.  Feeling ko mabibingi na ako.  Para akong nasa action movie.  Lilingon na sana ako ngunit pinigilan niya na ako.

"Close your eyes. Don't you Dare look at your back."

Sinunod ko naman ang kaniyang sinabi. Nanginginig ang aking tuhod. Ngayon lang ako nakaranas ng ganito. Buti nalang at yakap yakap ako ni Shawn,kung Hindi ay baka mawalan ako ng balance.

Ng wala na akong marinig na putukan ay dinilat ko na ang aking mga mata. Inilayo naman ako ni Shawn sakaniya.

"Hard headed" hehe curiosity kills kasi. Atyaka hindi ko naman ineexpect na may ganito.

"Bakit kayo nagpuputukan? Bakit may mga hawak kayong baril?" Inosenteng tanong ko sakaniya. Pinilit kong pinakalma ang aking sarili.

"Its none of your business anymore. Stay away from me baka mapahak ka lang" Mapahamak? Anong ibig sabihin nun? Siya nga nag ligtas sakin. 

"Thank you pala kanina. Baka patay na ako ngayon kung Hindi ka dumating"

Wala man lang siyang sagot. Wala man lang Your welcome. Snobbery talaga.

Nakita ko naman na lumapit saamin si Nathan. Nakakunot naman ang kanyang nuo.

"Kasama mo pala si Mia" makahulugang sabi ni Nathan.

"Bakit kayo nagpuputukan kanina? Ano bang meron" takang tanong ko. I need answers to my question.

"Ihatid mo na iyan sa kanyang classroom. Malapit ng natapos ang break time." sabi ni Shawn at umalis na. Nakita ko naman na tinag niya na ang kanyang baril. Pwede bang magdala  ng baril dito?

Wala man lang nakapansin sa mga barilang naganap. Nanduon kasi lahat ng mga estudyante sa kanilang classroom at yung Iba ay sa canteen. Malayo layo kasi ang field sa mga classroom. Kaya siguro walang nakapansin.

"Ihatid na kita." Agad naman akong sumunod Kay Nathan.

Nakita ko naman ang mga nakahandusay na mga katawan. Ang mga nakaputi ay nililinis ang barilan na naganap kanina. Kinukuha nila ang mga bangkay.

"Anong nangyari kanina?" Takang tanong ko. Hindi pa kasi nila sina sagot ang mga tanong ko.

"Na track ng mga naka itim kung nasaan si Shawn. " sagot naman niya.

"Na track? Anong ibig sabihin nun"

"Gusto nilang patayin si Shawn"

Napahinto naman ako sa paglalakad. Ano yung sabi niya?

Processing..

Processing...

Processing....

PAPATAYIN? Ano namang meron itong lalaking ito at gusto siyang patayin? 

Being NOBODYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon