Chapter 4

46.7K 706 9
                                        

Chapter 4

Naalimpungatan sya ng maramdamang bumabaliktad ang sikmura nya. Agad napatayo ang dalaga at tumakbo patungo sa banyo. Doon nya inilabas ang kinain at ininom nya simula kahapon.

Naghilamos sya at agad na nagmumog, napatingin sya sa salamin at gayun na lamang ang pagtataka nya nang mapansing hindi iyon ang banyo nya.

Mas lalong hindi ito ang banyo ng kwarto sa hotel na tinutuluyan nya. The bathroom was huge. Kasing laki lamang ito ng kwarto nya. May jacuzzi at bathtub sa loob. May malaking shower room din ito. Napansin nya din ang mga panglalakeng kagamitan gaya ng gel, pang-ahit at wax na nakahilera sa sink ng banyo.

Napamaang sya sa kagandahan nito, tansya nya'y mamahalin ang mga kasangkapang ginamit dito. She shook her head. Ang tanong ay bakit nandito sya at kaninong bahay ito?

Lumabas sya ng banyo at hinanap ang daan palabas ng kwartong iyon. Nilibot nya ang paningin sa loob ng kwartong iyon.

Napaka-manly ng amoy ng kwarto. Black and white din ang tema nito. Malaki ang kwartong iyon na halos kasing laki na ng condominium nya.

Nang mahanap ang pinto palabas ay agad syang tumungo dito. Sumulubong sa kanya ang panibagong tanawin sa mansyong iyon.

"Woah.." Mahinang anas nya ng mapansing may limang palapag ang mansyong iyon. Nasa ikatlong palapag sya kung saan may pitong kwarto.

Tinahak nya ang daan pababa sa kwartong pinanggalingan nya. Hindi nya maiwasang mapangiti at mamangha sa nakikita. Animo'y isa syang prinsesa at nasa isang palasyo sya.

Wala syang nakikitang tao sa loob ng bahay na iyon at sobrang tahimik. Lingid sa kaalaman nya ay may mga matang kanina pang nagmamasid sa kanya.

The guy was looking intently at her as well. He gasped ng mapadako ang tingin ng binata sa suot nitong manipis na bestida. Bahagyang nakabakat doon ang tuktok ng dibdib ng dalaga.

Pinipigilan nyang wag mag-init kaya iniiwas nya ang paningin doon. He was the son of Jupiter and Juno and his grandfather is Saturnus for f*ck sake. Nasa dugo at lahi nila ang iba't ibang bagay na sila lamang ang nakakagawa.

Vulc was a god of fire back then and until now. May kakayahan syang gumawa ng mga bagay gamit ang apoy. At the age of 26, he owns a huge company, The Forge & Blacksmiths. It is the largest metalworking company in Asia. Kilalang-kilala ang kompanyang ito dahil na din sa magagandang disenyo ng mga produkto nito, hindi din biro ang mga presyo nito kaya tanging mga taong angat lang sa buhay ang may kakayahang makabili nito.

Sa kabila ng pagiging tanyag ng sariling kumpanya, taliwas naman ito sa pagkatao ni Vulc. His identity was still mysterious sa lahat ng maraming tao. He has no confidence to show the real him.

Kung dadalo man sya sa mga events ay lagi nyang suot ang itim na maskara nya upang matakpan ang mukhang ikinakahiya nya.

Nabalik lamang sya sa ulirat ng marinig ang tili ng dalaga. He ran as fast as he could para masalo ang dalaga. Hindi kasi nito namalayan ang tinatapakan kaya nadulas ito. Good thing dahil nahulog na naman ito sa kanya.

"Oh god!" Napahawak sa dibdib ang dalaga sa tindi ng kabang nararamdaman nya pero nawala iyon ng masalo sya ng binata.

Matangkad ang lalake, sa tantya nya'y nasa anim na talampakan ang taas nito. Itim ang buhok at magulo ang mga iyon na nagpadagdag sa appeal ng binata. The guy was half naked kaya naman amoy na amoy nya ang nakakaakit na pabango nito. Malaya nya ding nasisilayan ang mapipintog na dibdib ng binata. Napalunok sya, nanunuyot ang lalamunan nya sa nasisilayan ng mga mata nya ngayon.

"Masarap?"

"Oo.." Natutop nya ang bibig dahil sa nasabi. Agad syang tumayo at napatingin sa binata.

"Oh my god!" Sambit nya ng makilala ang binata. Bahagya itong nakangisi habang ang mga braso nito'y nakahawak sa bewang nya.

"Ikaw yung.."

"..yung lalakeng akala mo herodes sa una pero ng makita mo goons?" Di nya natapos ang sasabihin ng pinutol sya nito. Napailing sya. Paanong..

"I can read your mind just by staring at your eyes, lady." Malalim ang titig sa kanya ng binata. Nag-iwas sya ng tingin at lumayo sa binata.

"A-asan ako? Paano ako napunta dito?" Pag-iiba nya.

"You're drunk last night. You drunk and get yourself wasted. Hindi mo ba naaalala?" Sambit ng binata. Pati ang pananalita nito ay parang musika sa pandinig nya. Nakagat nya ang ibabang labi. Naalala nya na. May kasama syang lalake at..

"Muntik ka ng halayin sa bar na iyon. Noob, I almost killed that bastard because of you." Napatingin sya dito. Madilim ang mukha ng lalake at para itong nanggagalaiti sa galit ng maalala nya ang eksenang iyon.

"And you saved me?" She asked. Tumingin lang ang lalake. Nag-iwas sya ng tingin dahil hindi nya kayang salubungin yun at baka basahin na naman nito ang isip nya. Hindi nya alam kung anong kawirduhan ang meron sa binata pero wala na syang pakialam dun.

"Thanks for saving me but can I go now?" Nang tumingin sya dito ay nakatingin na ito sa dibdib nya. Doon nya lang napansin ang manipis na bestidang suot nya and for Pete's sake, wala syang bra!

****

Napasinghap sya ng matuklasan kung sino ang estrangherong bumabagabag sa isipan nya ngayon.

Isang linggo na mula ang pangyayaring iyon. Sa tindi ng kahihiyan ay umalis agad sya sa bahay na yun suot lamang ang tshirt na sa sofa nya lang nadampot.Mabuti na lamang at hinatid sya ng driver ng estrangherong iyon dahil hindi nya alam ang daan pabalik. Naiwan nya pa ang bag at phone nya sa mansyon at nag-iipon pa sya ng lakas ng loob para makabalik doon.

"Lothario's, huh?" Nabalik sya sa ulirat ng may magsalita sa likuran nya. Her friend, Solenn.

"Hey, paano ka nakapasok?" Bahagyang tumaas ang kilay nya sa kuryosidad.

Her friend shrugged bago ito nagsalita. "Kanina pa ko kumakatok dito sa office mo but it seems like lutang ang isip mo so I entered nalang. I brought you donuts pa naman." Anya at itinaas ang isang box ng donuts.

Napangiti na lamang sya. Kahit may pagka-sopistikada ang kaibigan ay hindi pa din sya nito nakakalimutan.

Her friend, Solenn La Bella is a famous model. Ito din ang nag-endorse sa Milliscents kaya sobrang laki ng pasasalamat nya dito. Mabait naman ito kung hindi lang maarte.

Inaya nya itong umupo at saka nya binalik ang atensyon sa laptop.

"So.. why were you stalking them?" Solenn asked. "Huh?"

"I mean, the Lothario's? Stalker ka ba ng isa sa kanila?" Anya.

Agad syang napailing. "Of course not! Curious lang ako since sa kanila ko kukunin ang mga gagamitin na materials sa bagong branch ng Milliscents." Pagsisinungaling nya. Wala naman syang balak kumuha dito dahil na rin iniiwasan nya si Vulc. Nalaman nya ang pangalan nito nang mag-research sya sa internet kanina pero ipinagtataka nya kung bakit lagi nalang may mask ang lalake sa mga litrato nito. Gayunpaman, sigurado syang yun ang estrangherong nakasama nya dahil na din sa pangangatawan nito.

"Sus. Sakin ka pa ba maglilihim? Gosh, Maia! It's okay to flirt. Hindi malabong mapansin ka ng isa sa mga Lothario's kasi maganda ka naman. Isa pa, make sampal to your ex na kaya mong mag-move on sa kanya ano!" The girl said. Nabanggit nya na nga dito ang tungkol sa ex at kapatid nya. Hindi nya pa nakakausap ang mga ito simula ng umuwi sya. Oh well, wala naman na syang pake.

"Sino ba sa tingin mo sa kanila ang bagay sakin?" Pagbibiro nya dito pero deep inside umaasa syang maririnig mula sa dalaga ang pangalan ng lalakeng kinasasabikan nya.

"Hmm.. kahit sino naman sa kanila bagay sayo. As long as hindi si Vulc Lothario." Sambit ng kaibigan na nagpawala sa ngiti nya.

To be continued.

©️alonziibun

EDITED.

Smitten With A Beast (R-18) (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon