Chapter 19

33.5K 569 4
                                        

Chapter 19

"What the f*ck, dude?! Are you insane?!" Apollo asked while still holding the little guy.

Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. "You're really a douche, Kuya! Baka mamaya hinahanap na sila ng mga magulang nila, e." Sancus said while he's carrying the little girl.

"F*ck! Just take them in the car! Ako ang bahala sa kanila." I said. Napabuntong-hininga ang dalawa at saka inilagay ang mga bata sa loob ng kotse.

Walang pasubaling pinaandar ko iyon palayo. Wala akong pakialam kung hinahanap man sila ng kung sino mang mga magulang nila.

It's kinda funny but I can feel that they're connected with me. Hindi lang dahil sa asul din ang mga mata nila gaya ng sa akin kundi yun ang nararamdaman ko.

I wanted to know kung sino ang babaeng nagluwal sa kanila at kung ano ako sa kanila.

Mabuti nalang at sumama sila sakin nang bigyan ko sila ng chocolate. Darn! Thanks to that Hercules-the-jerk na mahilig sa chocolate kaya meron ako kanina sa coat ko.

Napatingin ako sa backseat kung saan nakaupo ang kambal. Pumipikit-pikit na ang mga mata ng batang babae habang nakasandal sa kapatid nitong lalake na tulog na.

Just by seeing them makes my heart fluttered. I don't know why but there is something in them that makes me want to take them.

Wala na kong pakialam sa mga susunod na mangyayare, wala akong pakialam kahit ipakulong pa ako ng mga magulang nila.

I am a Lothario and what Lothario wants, Lothario gets.
****

"Cacus? Cali? Stay there, okay?" Sambit ko ngunit wala akong sagot na narinig.

"Hey?" Kuha kong muli sa atensyon nila ngunit walang sumagot. Agad kong inayos ang aking sarili at lumabas sa cubicle na iyon.

Nagsimula akong kabahan nang hindi nahagilap ng mga mata ko ang kambal. "Oh my god.." Lumabas ako sa restroom just to find out na wala din sila dun.

Bumalik ako sa venue at lumapit kay Davri para magtanong pero hindi nya daw ito nakita. Nagsimula na din itong mag-panic.

Naghiwalay kami sa paghahanap, sinubukan kong magtanong sa mga receptionist, guards at sa mga staffs pero hindi din nila alam.

Nag-umpisang magsituluan ang mga luha mula sa mga mata ko. No! This can't be! Kung panaginip man ito, please lang gisingin nyo na ko!

"Ate, calm down. Tumawag na ko ng mga police para mag-imbestiga at hanapin sila. Please, kumalma ka muna." Inis kong hinarap si Davri.

"It's too easy for you na sabihin yan pero hindi, e. Paano ako kakalma kung ang mga anak ko na ang pag-uusapan dito?! For Christ's sake, they were only four years old, Davri! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may masamang nangyari sa kanila!" Wala akong pakialam kung naghi-hysterical na ako pero natatakot ako sa kambal. Ayokong mag-isip ng masama pero mapapanatag lang ako kung nasa tabi ko sila.

"Sshh.." niyakap ako nito at pilit na pinapakalma. Lumapit samin ang isang staff ng hotel na iyon.

"Ma'am, nakuhanan po ng CCTV yung oras na nawala ang mga anak ninyo base na din sa description na na binigay nyo sa akin. If you want to see the video, just follow me." Walang pasubaling sinundan ko ang staff ng hotel na iyon. Ramdam ko din ang pagsunod ni Davri mula sa likod ko.

Nang makarating kami ay agad niyang itinuro ang CCTV footage kanina. Nahagilap agad ng mga mata ko ang anak ko. It was Cacus! Buhat ito ng isang lalakeng tantya ko'y nasa mid-20's. May kasama din itong dalawang lalakeng wari ko'y mas bata sa kanya.

Napahagulgol ako nang makita ko ang takot sa itsura nito Cacus. Lumikot ang mga mata ko para hanapin si Cali. I saw her na lihim na sinusundan ang kung sino mang hudyong kumuha sa kakambal nya.

Napatigil ang mga ito sa paglalakad nang makalapit sila sa dalawang lalakeng nakatalikod sa kanila.

Maging ako ay napatigil ng humarap ito at hindi ako nagkakamali. The guy was wearing a formal attire, naka-black suit ito. Mas tumangkad ito kesa noon. Kapansin-pansin din ang pagbabago sa features nya. Ayokong maniwala na sya ito kundi ko lang nakita ang mga mata nya. Those dark blue eyes..

Napaatras ako ng makita ko syang muli. Sumulyap ako sa CCTV footage nang makita kong napatigil din ito ng makita ang pagbukas ni Cacus sa mga mata nya. Oh God, please! Wag naman sana..

Does he knew already? Kaya ba ipina-kidnap nya ang kambal?

Walang pasubaling pumihit ako patalikod para pumunta sa parking lot. Magtutuos kami. Narinig ko pa ang pagtawag ni Davri sa pangalan ko ngunit hindi ko na ito pinansin.

Oo nga't pinagtataguan ko sya pero wala naman syang pruweba na anak nya ang kambal. Kung ipapa-DNA man nya ay panigurado akong hindi pa nya nagagawa iyon.

Wala pang isang oras nilang nahahawakan ang mga anak ko kaya paniguradong wala pa silang nagagawa para malaman ang lahat.

I was about to get my car keys nang makarinig ako ng pagtikhim.

"Amara Castellano, right?" Pumihit ako patalikod. There, I saw a man na prenteng nakasandal sa kotseng wari ko'y pagmamay-ari nya.

Kumunot lang ang noo ko at pumihit na patalikod.

"Former Maia Castellano. Owner of Milliscents perfume shop." Saka na ko napatigil at lumingon dito. Matiim itong nakatingin sakin. Tantya ko'y magkasing-edad sila ni Vulc. Nakakatakot ang awra nito kahit pa may itsura sya.

Nakita ko ang bahagyang pag-ngisi nito. "Hindi kita mabasa. Maybe because Vulc closed your mind but I can feel you. May itinatago ka." Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko at magmukhang maayos sa harap nya.

"W-who are you?" Lumapit ito sakin habang nakapamulsa. Inilahad nya ang kamay nya ngunit tinignan ko lang iyon.

"It's Marshal Lothario but I prefer you calling me 'Mars'." I started panicking when he said he's a Lothario. Binuksan ko ang pinto ng kotse at saka sumakay doon ngunit pinigilan nya ang mga braso ko para mag-drive.

"Hanggang kailan ka magtatago, Maia? He's been looking for you for all these years." Pinilit kong makawala dito dahil na rin sa mahigpit na pagkakahawak nya sa akin. Pero ano? He's been looking for me all these years?

"Hindi habang-buhay maitatago mo sa kanya ang lahat, Maia or should I say, Amara? Kahit anong gawin mo, alam mong gagawa at gagawa ng paraan si Vulc para malaman ang lahat lalo pa't hawak nya na ang mga anak mo.. no, mga anak niyo ngayon." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. "P-paano mo nalaman yan?" He smirked.

"I am a Lothario, Maia. I have my own ways." Lumuwag ang pagkakahawak nito sa akin. "Pag-isipan mong mabuti Maia. Vulc is a schmuck beast but he's not dumb unlike any other douche there." He said at tuluyan ng binitawan ang mga kamay ko.

I was stunned for a few minutes bago ko mapansing wala na pala ito. Agad kong pinatakbo ang kotse patungo sa lugar kung saan matagal ko ng ibinaon sa limot.

Villa Lothario..

To be continued.

alonziibun

Smitten With A Beast (R-18) (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon