Chapter 34
"Uy, Maia! Sama ka sa plaza mamaya? Piesta kasi ngayon sa bayan at balita ko may contest daw dun." Napalingon ako sa nagsalitang si Kane. Sya yung kasama ko sa information desk dito sa loob ng hotel.
Ngumiti muna ako at bumati sa dumaang babae bago magsalita. "Hindi na siguro. Baka kasi siksikan at maipit pa kami ng mga anak ko." Sambit nya. Ngumuso ang mapupulang labi nito. Kung hindi lamang nya ikwinento ang buhay nya sa akin ay aakalain kong anak-mayaman sya.
Maganda kasi ang kutis at pangangatawan nito. Idagdag pa ang mala-sopistikadang dating ng babae.
Pero di ko inaasahang probinsyana pala ito at lumaki sa bukiran. "Ano ka ba? For sure naman may mauupuan tayo dun kung aagahan natin. Isa pa lagi ka nalang nakakulong sa inuupuhan mo. Mas maganda na magliwaliw ka din minsan para naman mabawasan yung problema mo." Sambit nito at saka inasikaso ang lalakeng nagtanong sa information desk.
****
Napaisip si Maia sa sinabing iyong ni Kane, tama naman ito at dapat din syang magliwaliw paminsan-minsan para naman mabawasan ang stress nya sa buhay. Nang sa gayun ay tuluyan na syang maka-move on kay Vulc.
Speaking of Vulc, tatlong araw na matapos ang engkwentro nila at hindi na ito muling nagparamdam sa kanya. Pabor naman sa kanya iyon ngunit may parte pa din sa puso nya na nadismaya sa isiping sinukuan na sya nito sa unang attempt palang na bawiin sya.
'Ah. Baka naisip na nitong sino ba naman sya para habulin?' Sambit ng isip nya. Huminga sya ng malalim at umiling. "Tama na, Maia. Tama na." Bulong nya sa sarili.
Pasado alas-sais na ng hapon ng makauwi sya sa bahay. Kumain muna sya saglit at nagpahinga.
Kane told her na magkita nalang sila sa tapat ng plaza at 7:30 pm.
Naka-idlip sya at saktong ala-syete na ng gabi nang magising. Naligo sya at nagsuot lamang ng simpleng blue mint dress at fringe sandals. Hinayaan nya lang na nakalugay ang mga buhok at saka kinuha ang suede bag nya incase na may matipuhan syang bilhin sa bayan. Payday nila ngayon kaya may cash naman sya kahit papaano.
Wala pang ilang minuto ay nakarating na sya sa bayan sakay ng tricycle. Litaw ang kagandahan nya kaya naman hindi maiwasan ng mga kalalakihan doon ang mapatingin sa kanya lalo pa't hindi halata ang umbok ng tyan nya sa suot nyang mint dress.
Ngumingiti lamang sya ng pilit sa tuwing babatiin sya ng mga ito. Nilingap nya ang paligid para hanapin si Kane pero hindi naman sya nabigo dahil nagtama agad ang mga mata nila.
"Bat ba ang ganda mo? Ikaw na ata ang pinakamagandang buntis na kilala ko?" Bungad na tanong nito at ngumuso sa kanya. Napahagikgik sya kahit pa sanay na sya sa pagpupuri nito sa kanya. Dalawang buwan pa lamang silang magkakilala ni Kane ngunit magaan na agad ang loob nya dito. Pareho lang kasi sila ng pananaw sa buhay, ang pinagkaiba lang ay mas madaldal ito sa kanya.
"Bolera ka talaga! Tara na nga!" Sambit nya at hinila na si Kane papasok ng plaza. Agad silang nakahanap ng upuan sa harap ng stage dahil wala pa namang gaanong tao doon. Pinili nilang umupo sa harap para mas maintindihan nila ang mga sasabihin sa palabas.
Trenta minuto na ang nakalipas ng magsimula ang patimpalak. Battle of the bands pala ang tema ng patimpalak.
Nagsimula na ang mga kantahan and she must admit na napapahanga sya ng kasali doon.
Isang oras na ang tinagal ng patimpalak ng dapuan sya ng antok. Lately ay nagiging antukin sya, hormones maybe.
"Kane, una na ko pwede? Antok na kasi ako e." Anya at humikab. Napansin nya ang paglikot ng mga mata ng kaibigan. "A-ah.. ano teka.. hintayin na natin matapos. Sayang naman, Maia. First time mong makapanuod ng ganito sa Vigan diba?" Sambit nito at luminga sa paligid na ipinagtaka nya.
"Sabagay, bibili nalang muna ako ng makakain ha? Balik ako." Tumango ito na parang di pa din kumbinsido sa kanya.
Tumayo sya at naglakad sa gitna kung saan walang upuan para bumili. Rinig nya pa ang boses ng MC na binanggit ang huling kalahok ng patimpalak. Medyo maingay dahil sa tilian ng mga kababaihan kaya hindi na nya narinig ang pangalan ng grupo.
Hindi pa sya nangangalahati sa dinadaanan nya ng marinig nya ang tugtog kasabay ng isang pamilyar na boses.
"Labis na naiinip. Nayayamot sa bawat saglit. Kapag naaalala ka. Wala naman akong magawa." The guy sings in a husky voice. Paos at napaka-sexy ng boses niyon na nagpatigil kay Maia. Pamilyar ang boses nito ngunit ayaw nyang lumingon.
"Umuwi ka na, Maia.." Sambit nito. Doon na sya lumingon at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa lalakeng nagbanggit sa pangalan nya. It was Vulc, holding a guitar habang nakatingin sa direksyon nya.
"Hindi na ako sanay ng wala ka. Mahirap ang mag-isa. At sa gabi'y hinahanap-hanap kita." Nakagat nya ang ibabang labi para pigilan ang emosyong ayaw na nyang maradaman. Gwapong-gwapo ito habang kinakanta ang Hanggang Kailan ng Orange and Lemon. Naka-formal attire pa ito, ang buhok halatang pinahidan ng gel para umayos ang pagkakahiga ng buhok nito. Ganun din ang mga kasama nya.
"Hanggang kailan ako maghihintay na makasama ka muli, sa buhay kong puno ng paghihirap, na tanging ikaw lang ang pumapawi sa mga luha at naglalagay ng ngiti sa mga labi." Nag-mistulan silang men in black sa itsura ng mga ito ngunit hindi naman iyon nakabawas sa kagwapuhan at kakisigan ng mga ito, in fact, they're unique kumpara sa ibang kalahok na pare-pareho ang ayos.
"Di mapigilang mag-isip na baka sa tagal mahulog ang loob mo sa iba. Nakakabalisa, knock on wood. Wag naman sana." Ang atensyon nya ay na kay Vulc lamang. Damang-dama nito ang kanta habang nakatitig sa kanya. May pagkakataon pang napapakagat ito ng labi which made every girls there scream dahil sa kilig.
Para tuloy gusto nyang hilahin ang ngala-ngala ng mga iyon.
"Umuwi ka na, Maia. Hindi na ako sanay ng wala ka. Mahirap ang mag-isa. At sa gabi'y hinahanap-hanap kita." Kumakanta ito na para bang ginawa ang kanta para sa kanilang dalawa lamang. Bigla ay gusto nyang sakalin ng sarili. Okay na sya e, pero bakit ba lagi na lamang syang pinapahirapan ng lalakeng kumakanta sa harapan nya ngayon?
"Hanggang kailan ako maghihintay na makasama ka muli, sa buhay kong puno ng paghihirap. Na tanging ikaw lang ang pumapawi sa mga luha at naglalagay ng ngiti sa mga labi." Natapos ang kanta nito sa huling linya na 'umuwi ka na Maia' which brought butterflies in her stomach. Mas lalong nagsitilian ang mga taong nandun na tila sila Vulc na ang nanalo.
Doon nya lamang napansin ang drummer na si Mars Lothario pala. Tingin nya'y kapatid din ni Vulc ang iba pang miyembro nito dahil na din sa may pagkakahawig ang mga ito maliban sa isa. Iba ang mukha nito ngunit batid nyang Lothario din ito base na din sa asul na mga mata nito.
Nagawi ang tingin nya kay Kane na ngayo'y kilig na kilig na nakatingin sa kanya. Tumaas ang kilay nya at napailing. Kaya pala parang balisa ito ay marahil may kinalaman ito sa ginagawa nila Vulc ngayon.
Napunta ang tingin nya sa harap at doon nakita nya ang papalapit na si Vulc. May dala itong bouquet ng mga pulang rosas. Pati ang paglalakad nito ay gwapo sa paningin nya. Wala nga yatang kapintas-pintas sa kabuuan nito because he's too perfect.
"A-ah.. p-para sayo." Nauutal na inabot sa kanya ang mga rosas. Tinanggap nya iyon, napakamot naman ito sa batok at tila nahihiya sa ginawa nya.
Pinigil ni Maia ang sariling matawa dahil sa cute na gestures ni Vulc. Napansin nyang sentro na sila ng atraksyon ngayon kaya pinamulahanan sya.
"Are you just gonna stand there? Where's your balls?" Bulong ni Mars kay Vulc na nagpahagikgik kay Maia. Sinamaan naman nya ito ng tingin matapos ay binalik ang tingin kay Maia.
"I know I made a lot of mistakes. I hurted you too many times but if you'll give me a chance, I'll promise to prove you that I'm a better person now and I deserve your love, Maia." Tumigil ito at lumuhod sa harap nya. "I'll do everything to get you back. Please, Maia? Let me court you again."
Nalaglag ang panga nya. Vulc wants to court her sa gayung may anak na sila? Bigla ay pumasok ang pilyang ideya sa isip nya.
Sa umaga ay kailangan nyang mag-igib para sa panligo at panghugas nya ng pinggan. Kailangan nya din ng kahoy sa pagluluto dahil wala naman syang kalan at gas sa pagluluto. Ang bubong nya ay may iilang butas at sa tuwing may gusto syang ipabili ay wala syang mautusan.
Ngumiti sya at tumango.
To be continued.
alonziibun
BINABASA MO ANG
Smitten With A Beast (R-18) (COMPLETED)
General FictionHindi inakala ni Maia na magagawa siyang saktan ng taong minahal niya ng tatlong taon. Isang malaking dagok sa puso niya ang pagtataksil ng nobyo-at sa sobrang sakit, napadpad siya sa isang bar... where everything began to change. Doon niya nakilala...
