Chapter 33
Ilang minuto din akong nakatanga sa taong nasa harap ko ngayon. Hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko sya ngayon.
Sa mga pagkakataong ito ay dapat na sinusugod ko na sya ng yakap at halik. My body wants to hug and kiss him. My lips wants to say that I missed him pero hindi ganun ang nangyare. Dumapo ang mga palad ko sa pisngi nya. Kasabay ng pag-agos ng mga luha mula sa mga mata ko. He's a monster for me now, a nightmare. Puro sakit lang naman ang ibinibigay nya sa akin. Ni katiting na pagmamahal mula sa kanya ay wala akong maramdaman.
And now he wanted me to come back?
Doon na ako tumalikod at sinikap na maglakad ng mabilis. Nasa parte na ko ng resort na walang tao nang maramdaman ko ang mga braso nya sa bewang ko. He's hugging me from behind.
"I'm so sorry, please. Bumalik ka na sakin, M-maia. I remember everything now. Please comeback, hindi na mauulit.." Naramdaman ko ang paghalik nya sa ulo ko ngunit hindi ako nagpatinag. Inalis ko ang mga braso nyang nakapulupot sa bewang ko at hinarap sya.
"T-tama na, Vulc. I'm glad bumalik na ang alaala mo pero pasensya na kasi hindi ko na kayang bumalik pa sa buhay mo. I don't want to be part of your life anymore. I'm scared.. I'm so scared to be broken again. Baka sa susunod ay hindi ko na makayanan.." I paused para ipahid ang mga luha sa mga mata kong nanlalabo na. "Ang sakit-sakit na, Vulc. You made me feel like a trash, na itatapon mo na pagtapos mong gamitin. 4 years, Vulc! 4 years! 4 years kong kinupkop lahat ng sama ng loob ko nung ginahasa mo ko! Pero nung nalaman kong nawala yung alaala mo, inintindi kita! Pinatawad kita para sa mga anak ko na anak mo din! Now that you remembered everything, I'm sure naaalala mo na din yung kahayupan mo?" Sambit ko at idinuro-duro siya. Tama nga sila, minsan mas magandang ilabas mo lahat para mabawasan yung sakit.
"M-maia.." He tried to hold my arms pero tinabig ko ang kamay nya. I saw hurt in his eyes but I don't care anymore. Mas malala pa nga yung naranasan ko kesa sa nararamdaman nya ngayon.
"Si Cali at si Cacus, sila yung bunga ng kahayupan mo. Pero kahit papano nagpapasalamat pa din ako. You gave me enough reason to live but not enough to stay with you, Vulc. A-ang sakit mong mahalin." Nanghina ang boses ko sa huling salitang nasabi ko. Nakita kong napayuko sya. I wanted to hug him pero hindi na kasi tama. Napapagod na ko.
"B-bumalik ka na sa Villa. Kailangan ka ng mga anak natin. K-kailangan ka ni Solenn.." Doon na ako tumalikod at naglakad palayo sa kanya habang patuloy ako sa paghagulgol. Nang mga oras na iyon ay nakaramdam na ko ng pagod. Nakakapagtaka nga na kung kelan sya lumapit sakin ay doon nawala ang pag-asa ko sa kanya. Doon ko lang napagtanto na hindi ko pala kailangan ang isang Vulc Lothario sa buhay ko.
Now, be strong Maia. You don't need him. Mabubuhay ako para sa mga anak ko at sa sarili ko lang.
****
"Are you kidding me?! That was.. that's mawkishly." Sambit ni Vulc habang nangangasim ang mukha. Napahalakhak si Orcus Lothario. Ito ang pinsan nya na anak ng tito Pluto at ng asawa nitong si Proserpina. Mas lalo tuloy syang napangiwi.
"Believe me, dude. Laking probinsya ako at yun ang effective na paraan para mapasagot o magkaroon ng amor sayo ang isang babae." Dito kasi sya humingi ng tulong dahil na-witness nya noon kung paano nito makuha ang asawa. It's because of his famous mawkishly lines and actions.
Ayaw naman nyang humingi ng tulong sa mga kapatid 'cause they're all lothario, whose chief interest is to seduce women. Well except for his older brother, Mars. Nakatali na ito sa asawa nyang si Venus at mahal nila ang isa't isa.
"Jeez. You know I can't sing." Napailing ang kaibigan. "Yes, you can. Narinig ka naming kumanta noon and your voice isn't that bad. Don't worry, we'll help you." Kumunot ang noo nya.
"We'll?" He asked kasabay ng pagbukas ng pinto at niluwa nito ang limang herodes.
"Oh! Hey there pussy whipped." Si Apollo na nginisian sya. Nakasuot pa ito ng black leather jacket at fitted jeans na tantya nya'y galing na naman ito sa isang motorcycling event.
"Pussy whipped, my ass. I swear hindi ako magiging kagaya nila." Hercules said then rolled his eyes. He's pertaining to his older brothers Vulc and Mars.
Engaged na ito pero wala talaga sa plano iyon ng kapatid. Ipinangangalandakan ni Hercules pinikot lamang sya ni Juventas, ang babaeng pakakasalan nito na ngayo'y buntis na.
Pero wala itong nagawa nang mag-set ng engagement party at date ng kasal nila mismo ang mga magulang nilang si Jove at Juno. Well, wala naman syang laban sa mga ito. Napaka-strikto kasi ng mga ito pagdating sa bagay na yun. May prinsipyo kasi ang mga ito na palalakihin nila ang mga anak na may paninindigan.
"So, what's the plan now?" Sancus asked. Magulo pa ang buhok nito at tantya nya'y bagong gising ang lalake.
Sinabi naman ni Orcus ang naisip nyang plano at gusto ng lumubog sa lupa ni Vulc ng mga oras na iyon ng pagtawanan sya ng mga kapatid.
"You're kidding, right? Jeez. I can't imagine Vulc singing in front of other people." Sambit ni Hercules at humalakhak. Sinamaan sya ng tingin ni Vulc. Sa lahat ng kapatid ay ito ang laging nangangantyaw sa kanya pero hindi naman sila magkagalit. Sadyang madalas lang silang magka-pikunan.
"Is there any other way, Orc? You know.. it's hmm.. f*ck! Nakakabakla." Orcus laughed. "Well, that's only my suggestion Vulc. Sa ganyang paraan ko kasi niligawan noon ang asawa ko. I courted her at ipinakita kong I'm determined to get her." Sambit nito. Umasim ang mukha ni Hercules. "That's disgusting." Sambit nito.
Ibinato naman sya ni Orcus ng pillow malapit sa kinauupuan nya.
"What if daanin mo ulit sa dahas? Diba sa ganung paraan mo naman sya nakuha noon?" Mars said sarcastically. Hindi nakaligtas sa paningin nya ang pag-ngisi ni Bacchus. Sa kanilang lahat ay ito ang pinaka-weird. May times na kasama nga nila ito ngunit kadalasan naman itong tulog o tahimik lang, minsan naman ay nakiki-halubilo sa kanila. Napaismid sya. "Yes, I wanted to do that kung hindi lang ganito ang sitwasyon. She changed now. I saw how mad she is." Umamo ang mga mata nya sa nasabi. Naalala nya yung huling enkwentro nila ni Maia, tatlong araw na ang nakalipas.
Hindi muna sya nagparamdam dito para palamigin ang ulo ng dalaga. Isa pa, ayaw nyang ma-stress ito lalo pa't nalaman nyang maselan ang pagbubuntis nito. Yes, inalam nya mismo sa clinic na iyon ang kalagayan ng dalaga at hindi naman sya nabigo.
Gusto nyang magtatalon sa tuwa nang malaman nyang buntis ito. Hindi sya nagduda na iba ang ama ng dinadala nito. He knew that he's the father lalo pa't nagkita sila ni Lance sa airport nung nakaraang buwan.
Papunta noon si Vulc sa New York para sa isang urgent business trip. Yun din ang araw ng pag-alis ni Lance sa bansa para ituloy ang proyekto sa Paris.
Hindi sinasadyang pareho silang nasa waiting area ng araw na iyon at hinihintay ang flights nila.
Bahagya pa syang nagtaka dahil bakit ito aalis gayung ipinaubaya na nya si Maia? He thought that they were inlove with each other so bakit hindi nito kasama si Maia na umalis ng bansa?
Lance just gave him a sharp look at saka binantaan na kung hindi daw nito aalagaan si Maia ay babawiin nito ang dalaga ngunit hindi sya nakinig.
Isang linggo sya sa New York ng tumawag ang ama. Napagsabihan sya nito tungkol sa pagbubuntis ni Solenn at ang pagpapaalis nya kay Maia sa mansyon. Napahilot lamang sya at hindi nakinig. Wala syang panahon para doon.
Dumating ang araw na nakaalala sya at sobrang pinagsisisihan nya ang nagawa sa dalaga. Ang gusto nya lang gawin ay ang mabawi ito at iparamdam sa kanya kung gano nya kamahal ito.
Matagal na nyang mahal si Maia kahit nung nakakaalala pa lamang sya pero itinanggi yun ng isip nya. He was just lusting over her. Yun lang talaga yun. Not until that "rape" incident between them.
Nangako syang babawi sya dito pero na-coma naman sya at paggising nya ay wala na syang maalala.
He wanted to fix everything that he and Maia have. Not just because he's the father of her child, but because his heart is only meant for her.
"So, nakapag-decide ka na ba?" Nabalik sya sa ulirat nang magsalita si Orcus.
"When?"
"Later at 8pm. Sa plaza. Consider all things done."
To be continued.
alonziibun
BINABASA MO ANG
Smitten With A Beast (R-18) (COMPLETED)
Narrativa generaleHindi inakala ni Maia na magagawa siyang saktan ng taong minahal niya ng tatlong taon. Isang malaking dagok sa puso niya ang pagtataksil ng nobyo-at sa sobrang sakit, napadpad siya sa isang bar... where everything began to change. Doon niya nakilala...
