⋆。˚ ✩ 1: Lauren's Obsession

168 16 15
                                    

Kheynie's

"Upong syete pesos lang ate, upong bente na ang ginagawa mo eh." sita sa 'kin ng barter ng jeep. Inirapan ko siya at umayos ng upo. Kainis, ang sarap na ng hilata ko kanina eh.

"Apat sa kanan! Mga kuya't ate umusog kayo ng konti. Dali sakay na!"

My eyebrows furrowed, "Kuya, tanong ko lang, naka-shabu ka ba? Parang sardinas na nga kami dito dahil sa sobrang sikip eh." sabi ko at tinarayan siya pero ngumiti lang siya sa 'kin ng nakakaloko at ang unang bumungad ay ang manilaw-nilaw at one-seat apart niyang ngipin! Okay...creepy.

"Miss, kung ayaw mong masikip eh mawalang-galang, umalis ka na lang dito. Jusme! Ke-arte-arte. Hoy, ang ha-harot niyo! Sumakay na nga kayo dito!" Sigaw niya at kinalampag ang jeep.

Badtrip. Apat pa daw eh halos hindi na nga ako makaupo. Ano to, lokohan? Ang hirap kayang magpanggap nang nakaupo sa jeep. Tss. If mom just didn't took my car, edi sana hindi na ako nakikipagsiksikan dito. Amoy bayabas pa naman 'tong katabi ko.

A few moments later, a couple suddenly barged in and sat in front of me. Matiwasay naman ang byahe pero hindi ko talaga maiwasang mainis sa mag-jowang nasa harapan ko. Sa tingin ko, highschool pa lang sila. Pambihira, sa jeep pa talaga napiling magharutan.

I was in the middle of playing with my phone when I overheard some of their conversation.

"Malapit na pala ang birthday ko, Hon. Anong gift mo para sa 'kin?"

"Secret. Nyihihi~ I love you."

"Eeeh? Enebe? Penepekeleg me nemen eke eh! Hihi, labyu too."

Napa-irap ako sa ka-kornihan nila. Badtrip na nga ako kay Mamang one-seat apart eh pati ba naman to sisirain ang araw ko.

Kumunot ang noo ko nang may buhok na humarang sa mukha ko. Tumingin ako sa tabi ko na parang nasa shampoo commercial.

Inis kong hinawi 'yong buhok niya. Nakabukas ang bintana sa gilid kaya I'm sure, sarap na sarap siya sa pagpapahangin habang ako naman ay diring-diri dahil 'yung ibang hibla ng buhok niya ay nakakain ko na. Shit naman! Sana naman makaramdam siya na may magandang dilag sa likod niya, ano?

Lumingon siya saakin at pasimpleng ngumiti saka hinawi ang kaiyang buhok, "Ay pasensya na po ate. Hehe"

Napapikit na lamang ako dahil sa inis. Deep breath, Kheynie.

"Uy, 'wag ka ngang magulo!"

"Haha. Teka lang,"

"bbq, 'wag mo 'kong kilitiin. Baka masagi ko 'yung Ale!"

Bigla akong napadilat. Ano daw? Ale? Sino?

Tabi nila ay babaan na ng jeep at katabi naman nila ako so....AKO YUNG TINATAWAG NILANG ALE?!

Do I look like an old lady? Alam kong senior high school student na ako pero hindi kapanipaniwala na mukha akong ale! Jusme!

"Excuse me?" Tanong ko sa isa pang couple na naghaharutan sa tabi ko. I nearly forgot, 'yong girlfriend niya 'yong kanina ko pa naaamoy. Tsk, makapagsalita ng ale, amoy bulok na bayabas naman 'yong kili-kili.

National Malas Day ba ngayon? Friday the 13th ba? Sa pagkakaalam ko June 11 palang ngayon. Eh bakit ang malas ng araw na 'to?!

I can't control my temper anymore kaya humugot ako ng malalim na paghinga saka sumigaw. "Ano ba?! Wala kayo sa private place para mag landian! Ang ha-harot ng mga 'to! Ang sikip-sikip na nga eh!" Lahat ng pasahero ay nakatingin saakin. 'Yung iba agree sa sinasabi ko dahil naiingayan rin sa mag jowa na katabi ko at yung iba naman ay binigyan lang ako ng 'Hayaan-mo-na-sila, wag-ka-mag-eskandalo-dito' look.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 06, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Aling Bitter [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon