Chapter 1: Diary's page 2

450 10 2
                                    

Dear Diary,

Nandito lang ako naka-upo sa study table ko, sisimulan ko ng isulat dito at ipaalam sayo Diary ang mga pangyayari at mga bagay na diko kayang ikwento sa pamilya, kamag-anak o maging sa pinaka matalik kong kaibigan.

Ngayong nagsusulat na ako, pwede na ba akong magpakilala?

Ako nga pala si Ryota Kise, you can call me Ryota or Kise..

Pero mas bet ko yung Kise, short but cute ^_^

Atsaka pa FC (feeling close) narin :)

Im 18 years old and at this time i am not living with my family, gusto kasi ng parents ko na when i reach the age of 16 kaya ko na dapat mag-isa..

Pero di naman porket ganern, eh poorita na ang family ko...

I came from a family of models, gusto lang ng parents kong maging independent ako thats all..

Sinusuportahan parin naman nila ako by giving me money para sa school at allowance ko, at na sa akin na yun kung pano ko gagastusin yun.

I study sa isang International School called "Seirin High School International" sa manila, kung saan 18 years old na ako pero High School padin, oh diba saya??

Ansavehh ng schoolnyo??

At anyareh saming gurang na sa high school =_=

Pero ok lang, ganun din namang yung best friend ko *giggles*

Ayyiiiieee hahaha

Sorry Diary kinilig lang ^_^v

I had a best friend named Tetsuya Kuroko lagi ko syang kasama sa bahay, school at maging sa basketball team..

Oo Diary tama ka, i play basketball as varsity player sa school namin, di dahil puro lalaki ang members..

(which is true XD)

Pero dahil nakahiligan ko na ito noong bata pa kami ni Tetsu..

Speaking of my best friend Tetsu, eto ang problema ko Diary..

Kahit pa best friend ko si Tetsu may isang napaka-halagang bagay akong hindi masabi sa kanya na tungkol sa pagkatao ko..

Im a Gay..

Nakakatawa ba Diary??

Well, siguro naman halata na Gay ako kasi sinong lalaking edad 18 ang maiisipang bumili ng Diary sa bookstore? =_=

Hahaha pathetic me, pero kahit ganun siguro naman matutulungan moko diba?

Natatakot kasi ako Diary.

2 years ago, 16 pa lang kami noon, naisipan naming pumunta sa palengke ng pasig nung matapos kaming dumayo para mag-basketball..

Kakain lan dapat kami ng halo-halo noon pero bigla na lang nawala si Tetsu sa tabi ko..

Akala ko nagti-trip lang sya dahil ganoon naman talaga sya dati palabiro at masayahin..

Kaya nauna na akong umuwi sa apartment namin sa taguig..

Pero isang buong araw syang nawala noon Diary..

At matapos ang isang araw may tumawag sa cellphone kong pulis na nakapag-sabing asa kanila si Tetsu.

Kinabahan ako noon dahil hindi ko alam kung anong ginagawa ni Tetsu sa police station..

Ng makarating ako sa police station, wala doon si Tetsu nailipat daw sya sa pinaka malapit na ospital, dinitalye naman sa akin ng mga pulis doon kung anong nangyari kay tetsu..

Dinakip sya ng limang bakla nung nasa pasig kami, yun lang ang nalaman ko dahil maging ang mga pulis di alam kug anong ginawa ng mga baklang yon kay Tetsu dahil maging si Tetsu hindi nagsasalita, marahil ay na-trauma raw ito..

Nang makarating ako sa ospital Diary sa kwarto ni Tetsu..

Nakita ko syang tulala at tahimik.. Malayung malayo sa Tetsuya na nakilala ko, sinubukan kong tanungin sya, pero wala syang nabanggit tungkol sa nangyari sa kanya..

At 2 years na nga ang nakalipas, nagtaka ako na hindi na nagsampa pa ng kaso si Tetsu sa mga baklang dumukot sa kanya...

Pero alam kong pag napag uusapan bigla ang mga bakla o nabanggit ang anuman na may konekta roon, bigla nalang umiinit ang ulo nya, bigla nalang syang nagwo-walk out pag ganun, at alam ko sa sarili kong kinamumuhian nya ang mga baklang yun, lahat ng katulad nila..

Katulad ko...

Katulad kong sumira sa pagkatao niya..

Di ko pa kayang sabihin sa kanya Diary dahil natatakot akong mawala sya sakin..

Diary, diko pa alam gagawin ko pero medyo gumaan ang loob ko na masabi sayo ang mga saloobin ko.

Salamat diary..

-Ryota Kise :)

www.facebook.com/richiegilo

Diary ng Bakla (Confession of a Gay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon