Her Side And His Side

211 7 0
                                    

(Steff's POV)

  Nandito ako ngayon sa bahay nila TIta Jane sila ang kumupkop sa akin simula ng maulila ako. Lalong akong naluha kasi naisip ko na naman ang mga katangahan na ginawa ko para masira ang pagakaibigan namin ni Ken. Kung bakit kasi iyon pa ang naisipan kong gawin para magkaroon ulit ng oras sa akin ang bestfriend ko. Sana pala hinayaan o na lang para hindi niya pinutol ang kung anuman ang meron sa aming dalawa.

  Ken mapapatawad mo pa ba ako? Bestfriend mo ko diba? Sabi mo walang iwanan pero bakit mo ako iniwan. Tapos sabi mo ako lang ang babae na kakausapin mo bukod sa mama at kapatid mo. Unfair ko ba talaga, ginawa ko lang naman yun kasi mahal kita at kailangan ko ang oras at atensyon mo. T_T

Kinabukasan...

 Nasa daan ako papunta sa school wala trip ko lang ganito kasi kami dati  ni Ken naglalakad kami pagtrip namin atsaka malapit lang naman ang school sa subdivision namin kaya di ako male-late.

  Paano ko kaya gagawin ang plinano ko kagabi kung ayaw naman akong pansinin man lang ni Ken. Gagawa na lang siguro ako nang way para magkabalikan sila ni Nikki alam ko naman na mahal nila ang isa't-isa atsaka ako ang may kasalanan kung bakit sila nagkahiwalay.

*Screeeeeccchhh~~*

Bakit ganito...

(Ken's POV)

Nakakainis naman oh, bwiset na buhay ito, Bakit niya ba kasi nagawa yun?

Alam ko nasaktan siya sa ginawa ko, na tinapos ko lahat pati pagkakaibigan namin, napaka pakielamera kasi ehh, nanligaw ako ng iba para mawala yung feelings ko sa kanya tapos sinira niya lang yung plano ko.

Tsk! Di naman siya ganun pero bakit niya nagawang manira ng relasyon ng may relasyon. tsk. nakakainis. Mahal ko nga siya pero alam kong di niya ako mahal kaya nanligaw ako ng iba para mawala itong nararamdaman ko para sa kanya, nawawalan din ako nang oras sa kanya kasi lagi akong kasama ni Nikki kung saan man siya magpunta.

*screeeeeeccchhh~~*

"Ay! may nabangga dun tara puntahan natin!" narinig kong sigaw nung ale.

Lumapit ako dun kasi parang kinabahab ako sana naman di ko kakilala yung nandoon. Nakipagsiksikan ako dun sa mga taong nakikitingin. Nang makaabot ako sa may harap para akong binuhusan ng yelo sa nakita ko. Hindi siya yan diba? ibang babae yan.

Lumakad ako papunta sa kanya pero pinigilan ako ng mga police.

"Ano ba? bitawan niyo ko lalapitan ko bestfriend ko" pagpupumiglas ko sa mga police na humahawak sa akin.

"Di po pwede" sabi nung police

" Bitawan mo sabi ako eh! Steff!"

Hinayaan na lang ako ng mga pulis makalapit.

"Steff gumising ka diba walang iwanan! please gumising ka! ano pang tinitingin-tingin niyo tumawag na kayo ng ambulansya!"

_____________________

Yan po muna ulit sorry medyo busy ang life ehh (^__^)v

Regrets (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon