Her Side

265 9 3
                                    

(Steff's POV)

  Nandito pala ako sa library at nagbabasa ng libro ng Fantasy gaya ng ginagawa namin dati ng bestfriend ko,

  Itong library kasi ang tambayan namin pag-vacant naming dalawa.

  Ngayon nag-iisa na lang ako kasi

Nagbago siya lumayo ang loob niya sakin

Dapat di ko na lang ginawa yun, edi sana magkasama pa kami ngayon,

Sana di siya umiiwas sakin

Sana maayos pa rin ang pagkakaibigan namin.

  Dapat hinayaan ko na lang siya sa gusto niya para di na humantong sa ganito ang lahat, kainis! ang t*nga ko kasi eh! ang t*nga t*nga ko!!

  Sinandal ko na lang ang ulo ko sa may shelf, nakasalampak lang kasi ako sa sahig at nagbabasa

  Naalala ko pa yung mga araw na magkasama kami, masaya kami dati, walang ilangan,

Normal lang ang lahat samin,

Walang iwasan na nangyayari,

Masaya kaming naglalakad na may halong biruan.

Hanggang sa dumating ang araw na nagalit siya sakin,

Dahil sa isang pagkakamali ko...

  Ang pagkakamaling yun ay ang pagiging pakielamera ko sa relasyon nila.

  Nawawalan kasi siya ng oras sakin kaya nakielam ako sa kanila, siniraan ko siya sa girlfriend niya, yun ang dahilan para mag-away sila.

Pero di ko naman intensyon na siraan ng tuluyan ang relasyon nila.

Ang gusto ko lang ay oras niya, yun lang at wala ng iba pa.

  Nalaman niyang ako ang dahilan kaya sila nagkahiwalay ay nagalit siya hanggang tapusin nita ang pagkakaibigan namin. Sh*t! naalala ko na naman. T__T

*FLASHBACK*

*Sa Rooftop*

  "Hi Ken!" bati ko sa kanya pagkakita ko palang sa kanya.

  "Steff bakit mo nagawa yun?"

tanong niya sakin na may galit na tono.

  "A-a-anong ginawa ko?" tanong ko, bigla na lang akong kinabahan sa tanong niya.

  "You ruined everything!! You ruined our monthsary!! You ruined my relationship with Nikki & now your asking kung anong ginawa mo ha!!" bulyaw niya sakin. hinawakan niya ng mahigpit abg magkabilang braso ko.

"Bakit mo ginawa yun? Bakit?"

Natameme ako wala akong maisagot sa kanya"K-Ken I'm s-s-sorry" yun na lang nasabi ko sa kanya.

  "Sorry, Sorry lagi na lang yan ang naririnig ko mula sayo Steff, Nakakairita na, kung lahat ng bagay nadadaan sa sorry sana wala ng nakukulong, Steff alam mong simula pagkabata magkasama na tayo kaya akala ko kilala na kita, yun pala hindi kasi hindi ikaw yun, siguro pakitang-tao mo lang yun ano! Ang Steff na kilala ko ay mabait at ayaw ng gulo, inosente at hindi naninira ng relasyon ng iba!!" bulyaw niya sakin.

Umiyak yan na lang ang kaya kong gawin sa harapan niya.

  "Steff ayoko na, pagod na ako!!"Sabi niya.

  "Anong ibig mong sabihin!"

  "Pagod na akong maging t*anga ng dahil sayo, lahat naman ginawa ko para mapasaya ka lang kasi bestfriend kita pero ano ang iginanti mo sakin, ito sinira mo ang relasyon namin ng girlfriend ko, ipinakita mo lang sakin kung gaano ka kaselfish, sarili mo lang ang iniisip mo, mabuti tapusin na natin itong walang kwentang pagkakaibigan natin, pagod na ako ayoko ng makita ka pa!!!" sabi niya sakin sabay alis

Ako? Ito umiiyak ng dahil sa katang*hang ginawa ko.

*END OF FLASHBACK*

  Kung di ko ginawa yun di nawala ang pagkakaibigan namin. Yun na nga lang ang pinanghahawakan ko nawala pa, nakakainis.

  Kaya ngayon tingnan mo ako nag-iisa kasi wala na siya, wala na ang bestfriend ko, wala na ang taong mahal ko dahil sa kat*ng*han ko, di lang oras ang nawala kundi pati na rin ang lahat ng pinanghahawakan ko.

  Mag-isa na lang talaga ako, Sorry Ken sana mapatawad mo pa ako. Ano ba naman yan umiiyak na naman ako.T_T

______________

Yan po muna mamaya na lang po ulit or bukas mahaba pa po eh..

Good day po (^__~)v

Regrets (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon