Tatlong kalaban, mag-isa lang ako. Hawak ang espadang mula pa sa ama ng aking ama tatapusin ko ang buhay ng masasamang loob na gustong dumungis sa aming angkan.
Nagsimula na silang umatake. Mabilis. Walang sinasanto. Habang umaabang ng magandang panahon sa pagbalik ng atake, ginamit ko ang aking bilis upang maiwasan ang bawat galaw ng kanilang espada.
Sa sobrang bilis, hindi nila ako matamaan. Ako naman. Binalik ko ang kanilang mga atake at lumipad sa ibabaw nila. Tatlong ikot sa himpapawid at ako’y nasa ibabaw na nila na parang isang superior sa ibabaw ng mga inferior.
“Maangas ba?”
“Astig! Sobrang astig!” hawak ang camcorder sa kanang kamay, napa thumbs up si Seon Nyeong sa sobrang astig ko.
Walang akong kasing angas. Kaso sumasakit na yung harness. “Ibaba nyo na ako dali. Ang sakit na e.”
“Oh ibaba na natin. Dahan dahan lang.”
===
“Ang galing ko. Ni hindi nasusundan ng mga kable yung galaw ko.” Bilib na bilib ako sa sarili ko habang pinapanood ko yung video na kinunan kanina ni Seon Nyeong. “Sa unang tingin parang lumilipad ako di ba?”
Sumang-ayon ang lahat habang kumakain. Pati sila bilib na bilib sa akin.
“Masarap ba yung ice-cream? Gusto nyo bumili pa ako ng manok?” sumang-ayon ang lahat.
“Kung ilalagay natin yan sa internet, sa tingin mo magiging Youtube star ka?” si Byung Soo talaga, nag-aalinlangan pa. Syempre naman, sa galing kong to? “Paano kung imbes na ganyan, martial arts na lang. O sa Star King. Gusto mo sa Star King?”
“Para sa masa yun e. Magiging artista na ako at hindi makakabuti yun sa imahe ko.”
“Oo nga no.”
“Tara ulitin natin…” nang biglang nagring ang cellphone ko. Si Eun Hae In noona.
“Oh Noona. Nasa school ka? Sige papunta na ako dyan. Bilang ka lang ng isang daan.” Tinawagan ako ni Noona at gustong makipagkita, papalampasin ko ba? Syempre hindi. “Alis na ako!” at iniwan ko na ang mga tropa kong kumakain pa lang. Papunta na ako Noona.
Sakay ang maangas kong motorsiklo, nagmamadali akong makapunta sa school. Ayokong pag-antayin si Noona para naman atlease madagdagan ako ng pogi points.
===
“Noona.”
“Dae Woong.”
Nadatnan kong nirereview ni noona yung script para sa pelikula kung saan sya mag-o-audition. Napansin nya na may dala din akong kopya ng script nung pelikulang yun.
“Mag-o-audition ka din para dito?” tanong nya habang binubuklat yung kopya ko.
“Hmm, nakaabot ako sa final cut. Sabi nila sa sobrang dami ng nag-audition, yung chance na makapasok eh 150 to 1. Pero para sakin parang 2 o 3 lang yung kalaban ko.”
“Buti naman.” Kita ko ang tiwala sa mukha nya na kaya kong ako ang makuha para sa papel na sinasalihan ko. “Proud ako sayo bunso,” sabi nya habang nakahawak sa buhok ko ng parang ate sa kapatid nyang bata. Hanggang ngayon, little Dae Woong parin ang tingin nya sa akin dahil nasa Senior year na sya samantalang ako nasa Junior year pa lang.
Hinawakan ko ang braso nya at inalis ang kamay na sa buhok ko. “Pag naging sikat na ako, hindi mo na ako mahahawakan kaya gawin mo na habang pwede pa.” Pinatapik ko ang pisngi ko at balikat ko. “Eto, hawakan mo ang pisngi ko. Tapikin mo rin ako sa balikat.” Tumayo ako mula sa pagkakaupo at umakmang yayakapin sya. “Gusto mo yakapin din kita?”