Malamang karamihan sa babasa nito, napanood na ang My Girlfriend is a Gumiho. Sa mga hindi pa nakakapanood nito, ang My Girlfriend is a Gumiho ay isang 2010 South Korean romantic comedy TV series na pinagbibidahan nila Lee Seung-gi at Shin Min-a (<3) at pinalabas sa SBS mula August 11 hanggang September 30 2010.
Umiikot ang kwento nito sa isang lalaking si Cha Dae-woong (ginampanan ni Lee Seung-gi) na aksidenteng napakawalan ang isang mythical creature na Gumiho (ginampanan ni Shin Min-a <3) at napilitang maglagi sa tabi nito.
Tama na nga sa malalalim na tagalog. Haha.
Its been 3 years since matapos ang broadcasting ng palabas na ito sa ABS-CBN. Mag-fo-fourth year highschool pa ako nun. Sobrang nagustuhan ko yung kwento. Very witty, very cute pero hindi lang sya puro shallowness. As the story goes on, makikita mo yung maturity ng kwento, yung importance ng bawat character at yung kagandahan ng mga twists. Pinag-isipan talaga.
Ngayon, 3 years after, pinanood ko ulit sya. At guess what, mas gumanda pa sya lalo sa paningin ko. Naiyak nga ako nung ending e. At nainspire na gawin tong almost-faithful book adaptation na to.
Sa adaptation na to, we will be witnessing the story through Dae-woong's eyes. Para kasi sa akin, sya ang pinakanakakapuzzle na character sa kwento. Denial, puno ng sense of humor at flexible kasi ang character nya.
Bakit almost-faithful? Dahil ang kwento dito ay linyang-linya sa palabas. Dinagdagan ko lang ng konting adlibs para mas mapaganda pa ang kwento at mas lalo pa nating maunawaan ang nararamdaman ni Dae-woong, mula sa unang bahagi hanggang sa huli.
Alam ko na marami na sa inyo ang alam ang buong kwento nito pero ano nga ba ang version ng kwentong to sa mata ni Dae-woong?
Iniaalay ko ang adaptation kong ito sa lahat ng mga taong naging dahilan para maging possible ang My Girlfriend is a Gumiho, mga writers, prouction staffs, yung director and specially sa mga actors. LALONG LALO NA KAY SHIN MIN-A NA SOBRANG CURSH NA CRUSH KO NA. Kahit desktop background ko tsaka cellphone background ko, sya na eh. Hahaha
Tama na ang daldal. Basa na. :D