Mogu 2
-----------
Nasa canteen na ako at binili na yung pinakamamahal kong mogu mogu. Wala pa masyadong estudyante sa paligid kasi nga masyadong maaga pa.
Nang mabili ko na yung mogu mogu ay agad-agad ko na tong binuksan tsaka ininom agad. Hindi naman halatang excited diba? Nakalimutan ko pang e'shake.
Nang nasa hallway na ako papuntang classroom eh nakasalubong ko na rin ang loka lokang si Lyka.
"Gosh naman Bliss?! Ke aga-aga pa ka date mo na yang mogu mogu mo!"
"Eh paki mo ba?! Parang di kana nasanay sakin. Teka ba't ang tagal mo ngayon?"
"Eh yung kapatid ko kasi eh! Sobrang tagal kung matapos maligo, parang may plano pa atang ubusin lahat ng tubig sa Pinas! Kaya ayun, wait for my turn ako. Alangan naman hindi ako maligo? Yucks kaya yun!"
"Sana ni lock mo nalang yung pinto ng banyo para forever na siya dun. Magsama sila sa shower"
"Oo nga noh?! Ba't di moko tinext? .. Eh teka pano ako makakaligo kung naka kulong siya sa banyo? Maling ideya ata yun"
"Well may point ka"
Grabe ang mean talaga namin. May balak pa talaga kaming ikulong yung kapatid ni Lyka. Masama talagang ipagsama ang dalawang baliw. Bwahaha.
Pumasok na kami sa classroom tsaka lumapit na sa upuan namin. Magkatabi kasi kami.
Nagulat nalang ako ng may isang mogu mogu na nakalagay sa upuan ko. Wala pa to kanina ahh.
"Kanino ba to? Sayo ba to Lyka?" tanong ko habang pinakita ko sa kanya yung mogu mogu.
"Hindi noh .. kita mong kakadating ko lang. Bakit san mo ba nakita yan?"
"Sa upuan ko"
"Edi sayo yan! .. teka may note oh,dali basahin mo!"
Tiningnan ko naman yung likod ng bote at may nakadikit ngang kawaii sticky note ( yung cute na sticky note na may design na cute bears and etc. ) . Binasa ko naman yung nakalagay dun.
-----------
Dear Mogu Mogu Girl,
Have A Nice Day! :)
Mogu Mogu,
-Siv Art
------------
"Yeee .. may secret admirer si Bliss! Sino kaya yang Mogu Mogu nayan? *sundot sa tagiliran*"
"Ano ba! Tigilan mo nga ako"
"Asus! Kinikilig nayan eh! Ayaw pa aminin. Alam ko na ang tawag sa inyo, Mogu Mogu Couple! Ang cute! Hihihi" sabi ni Lyka habang patalon-talon pa.
Sino naman kaya to? Siv Art? Ang weird naman ng pangalan.
Nagulat naman kami ng biglang bumukas yung pinto at pumasok ang lalaki na magiging dahilan ng pagkasira ng araw ko.
Si Travis! Halatang bagong dating pa ito dahil may bag pa sa likod niya at sabog yung buhok. May krisis ba ng suklay sa bahay nila?
Pumunta na ito sa upuan niya at nilagay niya yung bag niya. Lumakad na siya at akala ko ay lalabas ngunit bigla itong lumapit sakin.
"Oh ano?" taray na pang bungad ko sa kanya.
"Grabe ka naman Bliss! Umagang umaga pa tinatarayan mo na ako. Pahingi nga ng papel"
"Wala ka bang papel?! November na po! Hanggang ngayon ako parin yung nagdodonate ng papel mo. Anong akala mo sakin? National Bookstore?!"
"Bigyan mo na kasi ako. Eh sa wala akong papel eh, may magagawa ba ako?!"
"Aishh!"
Kinuha ko na yung kabibili ko pang isang pad ng papel. Halos sa isang buwan dalawang beses ako bumibili ng pad paper kasi inuubos ng mga buraot kong classmates lalong lalo na ang damuhong si Travis.
"Haaay nako, nag aaway na naman ang dalawa. Alam niyo di na ako magtataka kung magkakatuluyan kayong dalawa balang araw. Ika nga 'The More You Hate, The More You Love'!" walang kwentang sabi ni Lyka.
"Yuck?! Siya nalang?!" sabay pa naming reaksyon ni Travis.
"Oh kitams? Pati sa pagsasalita pareho pa kayo?"
"Tumahimik ka nga dyan Lyka! Baka gusto mong ibato ko sayo tong mogu mogu" nag act pa ako na ibabato ko yung mogu mogu na bigay ng 'secret admirer' kuno sabi pa ni Lyka. Ngunit bigla naman itong hinablot ng epal na si Travis.
"Hoy! Akin yan ano ba?!" pilit ko namang agawin yung mogu mogu ngunit iniiwas niya ito sakin at dahil nga sobrang taas niya eh kahit anong talon ko eh di ko parin makuha. Kaya ang ginawa ko ay pinaghihila ko yung polo niya.
"Hoy ano ba Bliss?! Masyado pang maaga!" bigla naman akong napatigil at namula dun sa sinabi niya. Bwisit! Impakto talaga!
"Ang kapal ng mukha mo! Akin na kasi yan!" di parin niya ito binigay kaya tumigil nalang ako. Baka kasi kung ano pang lumabas sa bunganga ng loko.
Tiningnan ko naman siya nung basahin niya yung nakalagay sa sticky note.
"Dear Mogu Mogu ... Have a nice day smiley face ... Mogu Mogu ... Siv Art? .. tss, HAHAHA ang baduy! Kanino ba galing to?" at talagang binasa pa yung smiley face.
"Wala ka nang pake-alam! Akin na kasi yan!" hinablot ko na yung mogu mogu at sa wakas ay nakuha ko na.
"Grabe, may nagkakagusto pa pala sayo Bliss? Di ko akalain yun ah"
"Che! Ang kapal kapal talaga ng mukha mo! Tinalo mo pa ang encyclopedia sa kapal!" binato ko naman siya nung isang bote ng mogu mogu na bili ko kanina sa canteen. Naka-ilag yung damuho!
"Ops! Easy ka lang Bliss. Mas lalong walang magkakagusto sayo niyan, lalo ka kasing pumapanget" sasabunutan ko na sana siya kaso tumakbo siya dala yung isang pad paper ko.
Si Lyka naman lihim pang tumatawa. Kaibigan ko ba talaga to?
"Bye Bliss! Akin na muna tong pad paper mo!" sabi ni Travis at lumabas na ng classroom.
"Hoy! Saan mo dadalhin ang papel ko?!" ninakaw pa talaga yung pad paper ko! Kainis!
BINABASA MO ANG
The Guy Behind The Mogu Mogu ( One - Shot )
Teen FictionThe Guy Behind The Mogu Mogu (One-shot Story) Written by: Sugar_Cutiewink97 Polar Light <3 Copyright © 2014 by Sugar_Cutiewink97 Stories ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by...