Mogu 4

1.2K 36 8
                                    

Mogu 4

"Oo .. Hehe, pasensya kana. Mukhang dahil dun, nakaka-istorbo ako sayo"

"Ano ka ba. Hindi ka naman yun nakaka-istorbo noh. Nagustuhan ko nga eh, ang cute lang kasi" nagsmile naman ako sa kanya.

"Aahh .. hehe, so .. ako nga yung lalaki sa likod ng mogu mogu"

"Teka kung ikaw yun. Ba't hindi Travis ang nakakagay na initials na ibaba? Ba't Siv Art? Ang weird naman nun"

"Tsss .. Siv Art! Kabaligtaran ng Travis!"

"Bakit sumisigaw ka?! Galit ka?!"

"Hindi!"

"Aishh"

Siv Art .. Travis .. oo nga naman noh? SIVART yung kabaligtaran ng pangalan niya. Ang boba ko talaga! Ba't di ko naisip yun?!

"Magpapakilala na sana ako sayo ngayon eh, kaso naunahan mo na ako." may kung ano naman siyang kinuha sa bag niya.

Mogu mogu?

"Ito sana yung panghuling mogu mogu na ibibigay ko bago ako magpapakilala sayo" lumapit naman siya at kinuha ang kamay ko upang ilagay yung mogu mogu.

Gaya ng naunang mogu mogu na bigay niya. Eh may sticky note rin ito.

----------

Dear Mogu Mogu Girl,

This day, I will show my self to you. At last, you will now 'The Guy Behind The Mogu Mogu'.

Mogu Mogu,

 -Siv Art

------------

"Eh bakit ngayon mo pa naisipang magpakilala sakin?!" inis na tanong ko sa kanya.

"Eh sinadya ko talaga yun para umabot ng walo!"

"Ano?! Bakit?!"

"Diba sa I Love You may walong letra? Kaya ayon, yun yung plano ko"

Kinilig naman ako dun sa sinabi niya. Eight Mogu Mogu for I Love You? Yeeee .. napangiti tuloy ako. Ang dami pang nalalamang kaartehan.

Umupo naman siya dun sa harapan ko upang magkaharapan kami. Dibale naka upo ako sa dulong upuan habang siya nasa space dun sa pagitan ng row.

"Bliss .. kakapalan ko na talaga mukha ko .. can i court you?"

Na speechless naman ako dun sa sinabi niya. Ano bang isasagot ko? Aarte pa ba ako?

"Hoy Bliss! Can I court you ba daw! Ang bingi nito!" sigaw naman ni Lyka sa labas bago uli tumakbo.

"Kahit kailan talaga epal yung babaeng yun ... sige na nga oo na!"

"Eh parang napilitan ka lang naman eh!"

"Oo nga, hindi ako napipilitan okay?"

Bigla naman siyang tumayo at yinakap ako. Napangiti naman ako, akalain mo nga naman na hanggang sa pagtanong ng pwede bang manligaw eh nag aaway parin kami?

Hanggang ngayon pala eh hawak ko parin yung pang walong mogu mogu na bigay niya. Tinitingnan ko naman yun habang nakayakap parin siya sakin.

"I love you Bliss"

"I labyo"

"Ano?! Hindi ka naman seryoso dun eh" tignan mo to? Siya pa yung galit?

"Oo na oo na .. I love you Travis slash Siv Art!"

************ FIN **************

A/N: Weeee .. ang laki ng tulong ni Mogu Mogu! Ayon mga parehong sira kaya hanggang sa pag tatanong kung pwede bang manligaw eh aso't pusa parin ang dalawa XD .. Yun lang po, sana nag enjoy kayo ;)

Kindly read and support my other stories: ( dalawin niyo lang ang bahay ko sa Watty Land. Puntahan niyo yung address na sugar_cutiewink97 pagkatapos pagnakarating na kayo dun katukin niyo yung bahay na may nakalagay sa labas na Polar Light. Yan bahay ko na yan. BWAHAHA XD )

 -Payment For Her Debt ( On-Going )

 -Y.A.C.K.! Yan Ang Crush Ko ( One Shot )

 -Wallpaper Ako ... ni CRUSH??!! ( One Shot )

 -My Secret Admirer ( One Shot )

 -Blind Date ( One Shot )

Tnx all! Tumabi kayo at akoy lilipad na .. babush~

 XoXo,

 -Sugar_Cutiewink97

  Polar Light <3

  Edieh

The Guy Behind The Mogu Mogu ( One - Shot )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon