Mogu 3

1K 38 0
                                    

Mogu 3

------------

Mag-iisang linggo na ang dumaan, at mag-iisang linggo na rin akong nakaka-tanggap ng mogu mogu dun sa kung sino na nagngangalang Siv Art. Hanggang ngayon ay di ko parin alam kung sino ang nasa likod ng pagbibigay sakin ng mogu mogu.

Halos naka-ipon na nga ako ng pitong bote ng mogu mogu mula sa kanya. May plano pa atang bigyan ako ng diabetis.

Naloloka nalang ako ng bigla nalang may sumusulpot na mogu mogu sa upuan ko. Minsan nakalagay rin sa bag ko. Minsan naman ay nasa tabi ko na yung mogu mogu kapag natutulog ako sa classroom.

Syempre dahil may pitong bote na akong mogu mogu na natatanggap, nakatanggap narin ako ng walong kawaii sticky note na halos parepareho parin yung design pati yung handwritten. Lalo na tuloy akong nagkakaroon ng guts na malaman kung sino ang nasa likod nito.

E'sheshare ko sa inyo yung tatlong paborito ko sa pitong sticky note niya. Syempre madamot ako eh, kaya tatlo lang. BWAHAHA.

----------------

Dear Mogu Mogu Girl,

    I just want to confess my hidden feelings for you. I know it was so lame because I can't confess my feelings on you in person. But let me do it in this way ...

 I Love You Bliss .. You will always be my Mogu Mogu Girl <3 *infinity*

Mogu Mogu,

 -Siv Art

--------------

Dear Mogu Mogu Girl,

   Sana Mogu Mogu nalang ako, para naman makuha mo naman akong mahalin gaya ng pagmamahal mo sa Mogu Mogu.

 Grabe ang bakla. Good Morning Bliss! Have a Nice Day Ahead :)

Mogu Mogu,

 -Siv Art

-------------

Dear Mogu Mogu Girl,

"The Deeper ur Feelings, The Harder They are to Express"

   Kaya pala hirap akong mag confess ng harap harapan sa nararamdaman ko sayo. Pero wag kang kang mag-alala. Makikilala mo rin ako balang araw. I love you Bliss ;)

Mogu Mogu,

 -Siv Art

--------------

Para sa isang normal na babae na makatanggap ng ganito, tiyak magkakagusto na talaga sa taong ito. Ngunit abnormal ako eh, talagang si Travis lang yung nasa isip ko. Nakakasira talaga ng utak yung lalaking yun. Hmp!

Uwian na sa mga oras na ngayon. Uuwi na sana kami ni Lyka ngunit di ko magawang e-lock yung classroom kasi nandito pa yung ibang classmates ko. Hihintayin ko pa silang mag fade away sa classroom, nakakabagot lang.

Sa di kalayuan naman ay nakita ko si Travis na nagliliglpit ng gamit niya. Nagulat nalang ako nung makita ko yung pad paper ko na nasa kanya pa pala. Langya, hanggang ngayon eh di pa pala niya nasasauli yun sakin. Humanda sakin tong damuhong to. Kahit nakabili na ako ng panibagong papel eh kukunin ko parin noh! Sayang naman kung di ko kukunin! Ano? Magpapabili ako ng papel sa mama ko tapos ibibigay ko lang sa kanya? Aba sinuswerte na ata siya.

Lumapit ako sa kanya at hinablot yung pad paper ko.

"Hoy! Ba't nasayo parin to? Wala ka talagang planong isauli ano?"

"Eh may panibago ka namang pad paper diba? Akin na lang yan Bliss, sobrang damot mo naman"

"Eh ayoko nga" bigla namang nahagilap ng mata ko yung pad ng sticky note na nasa table niya nakalagay.

Wait .... ganun rin yung sticky note sa mogu mogu ah? Pareha talaga yung design!

Kinuha ko naman yun at nung makita ni Travis na kinuha ko yung sticky note eh napabalikwas naman siya sa kina-uupuan niya at mabilis na lumapit sakin.

"Hoy! Akin na nga yan!"

"Teka lang! May nakita kasi ako na parehong pareho nito eh" tumalikod naman ako para di niya makuha yung sticky note.

"Akin na sabi yan! Sa kapatid ko yan, nalagay niya ata sa bag ko"

"Weeeh? Teka lang, tinitingnan ko lang naman eh! Di ko naman aagawin!"

Pilit naman niyang kunin yung sticky note na nasa kamay ko. Nakatalikod parin ako sa kanya upang di niya maagaw, at di ko na namalayan na nasa parang nakayakap narin siya mula sa likod ko.

Nang lumingon ako sa kanya eh di ko namalayan na nasa gilid pala ng ulo ko yung mukha niya kaya nung paglingon ko ay nagulat ako dahil sobrang lapit lang ng mukha namin.

Napatigil naman kami sa pag-aagawan at nagtitigan nalang kami sa isa't isa. Shocks! Is this for real?!

Bigla nalang kaming natauhan at napalayo sa isa't isa nang umepal si Lyka sa eksena.

"Hoy kayong dalawa! Lalanggamin na yung classroom natin dahil sa ka sweetan niyo dyan! Wala ba kayong planong umuwi? Tatlo na lang tayo dito sa classroom oh?"

Hindi nalang namin pinansin si Lyka bagkos ay nagtitigan lang kami.

"Okay? Mukhang chaperone ako dito. Sige maiwan ko muna kayong dalawa. May bibilhin lang ako sa canteen. Babush!" tumakbo naman si Lyka palabas ng classroom.

AWKWARD

Yan ang masasabi ko ngayon. Umupo nalang kami. Siya nasa upuan niya habang ako nasa kabilang row malapit lang sa kanya.

"Bliss. Sorry" binasag naman ni Travis yung katahimikan sa pagitan namin.

"S-so ikaw yun?" tanong ko naman.

The Guy Behind The Mogu Mogu ( One - Shot )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon