Mogu 1

1.8K 44 7
                                    

Mogu 1

**********

6:10am pa ng umaga ay nasa school na ako. Nasanay narin kasi ako na pumasok ng maaga kahit 7:30am pa yung start ng klase namin. Sabi nga nila 'early birds catches worms' ( tama ba yun? XD )

Dahil narin sa maaga akong pumapasok ay ako na yung naka assign na magbukas ng classroom. Ano pa bang aasahan mo kapag early bird ka? Diba taga bukas ng classroom? Kaya ayun. Okay rin naman kasi dahil nakakapag gawa pa ako ng homework kapag tinatamad akong gumawa sa bahay. Hahaha, anong silbi pa nung HOMEwork eh kung sa school rin naman ginagawa. Kung tutuusin, parang SCHOOLwork na siya kung tatawagin. ( natamaan si author, BWAHAHA .. Eh kayo? XD )

Tiningnan ko muna yung notes ko kung may homework bang binigay kahapon.

Hmmm .. wala naman. Okay, nganga mode tayo. Ba't antagal ng bruha ngayon? Tiningnan ko yung wrist watch ko .. 6:20 na ahh, ba't wala pa si Lyka? Si Lyka pala bff ko, maaga rin yun kung dumating kaya nakakapagtaka at wala pa ang loka.

Actually tatlo talaga kaming maaga kung dumating. Ako, si Lyka, at si Travis. Si Lyka bff ko at yung Travis ... na ah, wag na nga nating pag-usapan yun! Naiinis lang ako.

Gusto niyo malaman kung bakit? Wag na nakakapagod ..

At dahil mapilit kayo, sige na nga! .. Kasi naman palagi niya lang akong iniinis araw-araw. Araw-araw lang siyang naghahanap ng pang-inis sakin, talagang may plano yung damuho na patayin ako sa inis. Ewan! Ipinanganak ata yun para inisin ako. Hmp!

Pero di ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nagkagusto dun. Oo tama kayo, kahit sukdulan hanggang langit na yung inis ko sa kanya, gusto ko pa rin siya. Dahil narin siguro sa kakulitan niya kaya nagkagusto ako sa damuhong yun!

Dahil wala naman akong ginagawa sa classroom eh lumabas nalang ako para pumunta ng canteen. Syempre para bumili ng kina-aadikan kong .... tenenen! Mogu-Mogu!

Oo, talagang na-aadik na ako niyan. Araw-araw nga akong bumibili niyan sa canteen eh. Kaya ayun, naka ipon na nga ako ng mahigit 73 na bote ng mogu-mogu. Eh sa masarap eh! Tsaka ang cute pa nung lalagyan. Sa classroom nga namin kilala na ako sa pagiging Mogu Mogu Girl, eh kesyo wala raw araw na hindi ako lumalaklak ng mogu mogu! Laklak talaga? Ang sama nila. Gagawin pa talaga akong lasinggera! Hmp!

At yung sira-sirang Travis eh talagang kinukulit rin ako tungkol dun. Tinatanong pa ako ng 'Bliss? Hindi ka ba nagsasawa sa kaka-inom niyan?' .. 'Bliss? Hindi ba sumasakit yung tsan mo?' .. 'Bliss? Pang ilang bote mo na yan?' .. at kung anu-ano pa! Sige ako na yung adik ng mogu-mogu.

The Guy Behind The Mogu Mogu ( One - Shot )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon