Akala ko noon naranasan ko na yun pinakamasakit sa pakikipag relasyon… dami ko na na-experience na pain pero kanya kanya palang level ang sakit ano.. merong mild , meron naman super strong parang kape lang. Ang dami ko nang nasulat about moving on, at ang dami din nagsusulat tungkol dyan pero ewan ko ba bakit kapag moving on stage na dyan nagkakatalo talo.
Ang tao kasi prone sa sakit lalo na at lampa ito, idagdag mo na kung sensitive.. kapag nasaktan syempre uma aray. Nakagawaian ko nang mag bigay ng advice sa mga taong nakakasalamuha ko based on experience ika nga.. pero yun ibang advice ko galing lang sa utak ko kasi di ko pa na experience eh.. tama sila parang ang dali lang sabihin.. pero kapag ikaw na yun nandoon sa sitwasyon na yun mahirap nga pala talaga.
PAANO NGA BA MAG MOVE-ON ULI? PART III :LOL:
SCENARIO: MALING PAG-IBIG
Meron bang maling pag-ibig? Alam ko lahat ng pag-ibig maganda, masarap pwera nalang kung may mali talaga. Kelan ba nasasabing mali ang isang pag-ibig? Kapag umiibig ka na meron maaaring masaktan. Mali kapag umiibig ka tapos nasasaktan mo ang sarili mo sa kagustuhan mong mapagbigyan ang nararamdaman mo.
Mali kapag nakakarinig ka nang bulong na mali yan stop it. Mali talaga, dahil kung hindi mali wala kang maririnig sa safeguard ( konsensya) mo.
Hindi ko hawak ang puso ng bawat tao pero para sa akin mahirap kapag pumasok ka sa isang sitwasyon na alam mong masasaktan ka lang at makakapanakit ka pa ng ibang tao. Pero kung sadyang malakas ang tawag ng sinasabi mong pag-ibig sige magpakasaya ka… dun ka masaya eh.
Mali kapag akala mo dalawa kayong lalaban pero matatauhan ka nalang bakit ka nag iisa ngayon?
Minsan hindi rin pala sa sapat ang nararamdaman lang… is it enough? will that make you happy or your partner? Mabuhay ng puro nararamdaman lang.. kapag wala ka nang makita na tama sa pinasukan mong relasyon abay mag move on ka na? Paano ba uli?