FACES OF LOVE

7.1K 241 60
                                    

Twister1914

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Twister1914

FACES of LOVE

ANO ba ang LOVE para sa'yo? At ano ba ang mukha ng pag-ibig?

Isang magandang pagkakasulat ang isang pag-ibig. At kapag nabigo ka, ay isang parte 'yan ng iyong buhay. It's normal actually.
Handa ka na bang magmahal? Handa ka na bang harapin ito? Dahil kung handa ka na. Handa ka na rin masaktan. At iyon ang tinatawag na mukha ng pag-ibig.

May happy ending, may tragic, at may pag-ibig na kailangang isuko para sa ikabubuti ng marami. Meron ding, tinatawag na ipaglaban mo ang pag-ibig na ito para sa isang taong mahal mo.

Kung ako ang tatanungin. Ang LOVE ay para sa lahat na nagmamahal. Sumisimbolo sa kapayaan ng ating mundo. Ang LOVE ay hindi lang para sa dalawang nagmamahalan, sa magsing-irog. Ang LOVE ay bukas para sa lahat at ito ang ibig sabihin no'n. Kahit sino ka pa, ano ka pa ay may karapatan ka sa pag-ibig.

LOVE is for EVERYONE and LOVE is CONQUEROR.

Sisimulan ko ang isang maiksing kwento sa dalawang tao na hindi naman gaano ka layo ang agwat ng edad sa isa't isa. But, the guy treat the girl as his sister. But the girl was so inlove to that guy from her young age.

Sabi nga... age doesn't matter. Walang pinipili ang pag ibig. Pero kailangan parin natin malaman ang totoong mukha ng pag ibig mula sa kanilang dalawa.

Meet Corazon Adele Daihani. Bata palang siya ay may pina-pangarap na itong lalaki. Sa murang edad niya ay natuto na itong magmahal, magmahal sa lalaking mas matanda sa kanya at mas mature mag isip at higit sa lahat mas may eksperyens sa bagay bagay na hindi dapat gawain ng mga kabataan.

Nangako siya sa kanyang sarili na magsusumikap siyang mag aral at makapagtapos agad sa kolehiyo at makahanap ng magandang trabaho, dahil ang lalaking gusto niya ay mas angat sa kanya at mas kilala sa publiko.

"Nanay? Puwede na po ba akong mag nobyo?" Salita ng bata sa kanyang nanay.

"Naku! Bata ka! Ba't 'yan na agad ang nasa isip mo? Alam mo ba kung ilang taon ka na?"

Tumango siya bilang sagot. "Sampung taong gulang po." Napa nguso pa nitong sabi.

Napapailing nalang ang nanay sa kanya at saka hinarap ang batang paslit upang ipaliwanag sa kanya ang tungkol do'n.

"Ang pag no-nobyo ay para lang 'yan sa mga may edad mula kense pataas, at ikaw... dahil bata ka pa. Ang isipin mo muna ay ang pag aaral nang sa gayong--,"

Hindi naituloy ang sasabihin ng ina ng magsalita siya.

"Nakita ko si Paul may kahalikang babae sa tree house nila. Nanay, diba, nasa bata pa si Paul? Saka nanay--,"

Tumungo ang bata at nilaro ang mga daliri nito.

"Si Paul kasi ang gusto ko--,"

"Adele? Makinig ka." Tumango ang bata. "Si Paul nasa labing anim na. Hayaan mo siya na gumawa ng ganyan dahil nasa tamang edad na siya. Saka, hindi ka pwede sa kanya dahil ang layo ng agwat niyo sa isa't isa. Huwag mo siyang pangarapin dahil marangya ang pamumuhay nila kesa sa atin."

MHAIVILLANUEVA ONE SHOT COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon