PAANO BA TAYO NAGKAKILALA?Aksidente nga ba na makilala kita? O, panahon na siyang nagtadhana sa'ting dalawa?
Between two world. Paano ba tayo nagsimula at paano tayo nagtapos?
Two is ONE.
Two is BOLD.
Two is DANGER.
But one FACES.
Kwentong guguluhin ang pag-iisip mo.
❤
February 14, 2016
SA ISANG malawak na karagatan. Kulay asul at berde ang siyang mas nagpapaganda sa dagat. Malinaw at malinis na animo'y isang paraiso. Ang simoy ng hangin, huni ng mga ibon na nagsisiliparan sa himpapawid. Ang bawat paghampas ng tubig sa dalamapasigan, ay siyang dumagdag sa nakakaaliw na ingay at ang hangin na sumasabay ay para na akong dinuduyan.
Subalit, no'ng imunulat ko ang aking mga mata ay nakaramdam ako ng kakaibang lungkot. Lungkot na bumabalik sa aking nakaraan.
Matapos kong isaboy ang isang puting rosas sa dagat ay napahaplos ako sa'king manipis at kulay gatas na balat. Dinaramdam ang malamig na paghampas ng hangin sa braso ko at maging sa aking pisngi.
Inaalala ang kahapong masaya na ngayon ay isang magandang panaginip na lamang.
Napa-ngiti ako sa aking naisip. Subalit, napalitan agad iyon ng lungkot. Huminga ako ng malalim at dahan dahan ko iyon ibinuga sa kawalan.
Nag aagaw ang liwanag at dilim. Ang kaninang kulay puting ulap ay napalitan ng kulay kahel na siyang nagpaganda sa paglubog ng araw sa kanluran.
Napag-pasyahan kong lisanin ang lugar na iyon at uuwi na sa bahay upang makapag-pahinga.
Bakit ba ako nag iisa ngayon? Nasaan na siya? Nasaan na sila? Talaga bang iniwan na nila ako?
Kakatwang umaasa pa na maibalik ang lahat ng kahapon. Isang masayang kahapon. Pero hindi ko rin naman pinag-sisihan ang ngayon, dahil bunga rin ito ng masayang kahapon, kahit paman ay mapait iyon.
❤
February 2000
"TUMAKBO ka hanggang doon sa pinaka-dulo ng palapag na ito. Sa dulong iyon lumiko ka sa kanan, at doon mo makikita ang locker ng mga lalaki. Magtago ka doon at huwag na huwag kang lalabas hangga't hindi ako ang dumating. Nakuha mo ba ang sinasabi ko? Sige na, takbo!"
Naiiyak na ako pero bakit siya ay parang binabaliwala niya lang iyon. Susundin ko ba ang utos niya? O, magmamatigas akong magpaiwan dito kasama siya?
"Ano ba! Nakikinig ka ba?! Isa!"
Nanginginig akong humakbang paatras papalayo sa kanya. Sunod-sunod ang pag-iling ko, dahil sa ayaw ko siyang iwan.
"A-ate? H-hindi ko ka-kayang iwan ka dito," luha't sipon ang naghalo ngayon sa aking pisngi. Humahagulhol na ako dahil sa gusto niyang iwan ko siyang mag isa sa lugar na ito. "A-ate—parang awa mo na, sumama ka na sa akin, dalawa tayo ang magtatago. Please-"