•Mama
(Mama)•Ya Galbi
(My Heart / My Love)•Mama Ya Galbi; arabic language.
❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤
MAMA YA GALBI
(Mama, my Love)
Written by:Mhai-Villa-NuevaBilang isang ina ay hindi madali.
Si Mama ay;
Walang sahod.
Walang kontrata.
Walang pahinga.
At higit sa lahat... si Mama ay limited.
Bakit limited?
Dahil nag-iisa lang ang ina mo sa mundo.
A mother knows the best for her child or all mothers know the best for their child. Kaya naman, kahit ayaw ng anak ay gagawin parin ng isang ina para sa ika-bubuti nito.
Simula sa pagdadalang tao. Isa hanggang siyam na buwan kang karga ng iyong ina sa loob ng kanyang tiyan o sa kanyang sinapupunan. Hanggang sa mailabas kang ligtas kahit ang isang paa nito ay nasa hukay na, at ang isa nama'y nangangapa pa.
Inaalagaan, pinakain, binihisan, binigyan ng magandang edukasyon, binigyan ng magandang tahanan, pamilya, at magandang pangaral.
Si mama, mommy, nanay, mamang, momshie, ermat, ang siyang unang naging guro mo. Siya ang unang nagturo sa'yo ng unang salita. Siya din ang unang babaeng superhero mo. Siya din ang kauna-unahang taga-hanga mo sa lahat ng bagay na ginagawa mo, kahit pa ito'y mali. Dahil... bilang isang ina, ay siya ang unang tumukas ng iyong talinto.
Paano mo pasasalamatan ang iyong ina? Sa anong paraan?
Can you do me a favor? Just one favor. Or, I'll give you a task.
Lapitan mo ang iyong ina, tawagan mo, o 'di kaya makipag-videocall ka sa kanya kung malayo man ito.
Kung ano man ang tawag mo sa iyong ina ay sabihin mo ang salitang. MAMA, MARAMING SALAMAT SA LAHAT. Or, you can say, MAMA, MAHAL NA MAHAL KITA.
Sa gano'n ka simpleng salita ay masaya na sila. Isang matamis na ngiti ang guguhit sa pisngi nila dahil sa salitang iyon. Kung may nagawa kang kasalanan... huwag din mahiyang humingi ng patawad. MAMA, PATAWAD PO.
Maswerte din 'yong may mga ina pa. Habang nandiyan pa sila sa tabi niyo o kahit malayo man sa inyo, ay huwag niyong kalimutang tawagan o kausapin.
A small chitchat with her is already big thing to her.
Kung si MAMA ay wala na sa tabi mo, or should I say... she passed away. You whisper in the air.
"Mama, happy mothers day. Mama, I love you, and I'm sorry for being pasaway. Mama, thank you for giving me a life. Dahil sa'yo natuto akong maging matapang, at matatag."
You can say whatever you want. Unlimited ang salita. Huwag mong tipirin.
Alam mo rin ba na kapag nasasaktan ka, ay nasasaktan din sila? Kapag iiyak ka, umiiyak ka ay umiiyak din sila? Not just physically, but mentally? Dahil... ang ina ang unang nakaka-ramdam ng nararamdaman mo. Kaya naman mahalin mo ang iyong ina, iparamdam mo sa kanya na siya lang ang pinaka-espesyal na babae sa buong mundo.
At ikaw naman na bilang ina... huwag mo rin kalimutan ang responsibilidad mo sa iyong mga anak. Ituring mo sila na para mong kaibigan, ka-barkada, at ka-tropa. Iyan ang the best way na hindi malalayo ang mga anak mo sa'yo.
To all mothers out there. Specially to all single mothers. I am very proud of you. Walang salita ang makakapag-paliwanag sa isang single mother na kayang gawin ang lahat para sa kanyang anak. I salute you all.
At sa mga magiging ina palang. Good luck at habaan ang pasensya. At sa mga gustong maging ina diyan o nagbabalak palang... mag isip-isip muna kayo, hah? Hindi biro ang maging isang ina. Hindi ka naglalaro ng bahay-bahayan, dahil hindi laro ang pagiging ina sa mga anak.
To all; Mama, Lola, Ante, Ate. Kung isa kang ina... kung nababasa mo man ito ngayon ay binabati kita ng HAPPY MOTHER'S DAY. Mula sa inyong tagapag-akda. MHAI VILLA NUEVA.
Wakas.