Chapter 34 " Sino ka ba?"

438 14 8
                                    

LEI POV

 

“Another win!!!! Wohhhh. Ibang klase ka talaga Lei!!!” nakailang bati  na ba si Vincent sa akin after ng karera ko kanina.  Lima........sampu o 20 na?

“ Nung nakaraang gabi nga pala, Lei, sorry. Lasing lang ako at di ko na alam ang mga pinagsasasabi ko-”

“ Kalimutan mo na yun.” Putol ko agad sa kanya. “Naiintindihan ko. Pero ito ang tatandaan mo, ang alak inilalagay sa tiyan hindi sa ulo..”

“Sabi mo eh. Hahahah. Lets party!!! ”

Nagsimula na nga ang celebration sa bar. Bukod sa nanalo ako sa race ay birthday rin ni Vincent kaya napagdesisyunan niya na icelebrate ito sa bar. Kunsabagay malaki-laki rin ang napanalunan niya sa pustahan ng karera.

Iniwan ko na si Vincent at pumuwesto sa bar counter...Umorder ako ng tequila saka dirediretso itong ininom.

Tumingin ako sa relo ko. Past 2am na pala. Umuwi na kaya ako?

“ Having fun?” may sumulpot bigla sa tabi ko na sexy na babae.

Tumango ako kahit na hindi ako nag-eenjoy. “ One martini pleasefor this sexy girl..”

Pagkabigay ng bartender sa kanya ng martini ay tiningnan niya muna ako ng malagkit saka dahan dahan itong ininom. She licked even the last drop of martini.

I raised both of my hands. “ I don’t want to offend you miss but Im not interested.”

Parang wala siyang narinig, lumapit pa siya sa akin at siniksik ang katawan sa katawan ko. “ I don’t mind if you have a girlfriend.”

Women.

Lumunok ako. “ I don’t have a girlfriend.”

Naramdaman ko na hinahalik-halikan na niya ako sa leeg. “Hmm much better..”

Nagbilang muna ako ng hanggang lima bago  ko siya hinawakan sa magkabilang balikat at inilayo sa akin. “ But I do have a wife.”

*PAK!*

Natatawang hinimas ko ang pisngi kong nasaktan habang pinagmamasdan ang palayong babae.

Siya pa ang may ganang manampal, sinabi ko ng di ako interesado.

“ Woooah. Masakit ba?” tanong ni Dylan na mukhang natutuwa pa sa pagsampal sa akin ng babae.

“ Sample-an kita, gusto mo?” akmang sasampalin ko na siya ng bigla siyang umiwas.

Campus Sweetheart: THE SHOTGUN WEDDING (Ongoing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon