Chapter 14 " Paghihiganti"

1.6K 28 7
                                    

CHRYZL POV

“ Payback time.” Bulong ni Lei sabay hapit sa aking beywang. Tila may kuryenteng dumaiti pababa sa katawan ko nang halos dumikit ang labi niya sa punung tainga ko.


Naalarma kaagad ako.


Pilit kong inalis ang kanyang mga braso na nakapulupot sa beywang.



“ Lei, Ano ka ba. Nagsisimula ka na naman! Kaya ka nasasaktan, ikaw na rin ang may kasalanan. ” pagalit kong turan.



“ Gusto mo ba makabawi?” lalo niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ako.



“ Oo nga. Ilayo mo nga mukha mo!”  Itinulak ko ang mukha niya palayo sa akin gamit ang palad ko.



“ Yun naman pala. Aray! Baka magasgasan ang gwapo kong mukha. Pag ito nagkabangas…” Binitawan niya ako at hinimas yung pisngi niya.



“ Ano!! Ano gagawin mo??!”



“ Eh de, may bangas. Hahhah. Halika, na nga dun sa kama.” Naglakad siya at padapang humiga sa may kama. “ Dito ka.” Sabi niya sabay tapik sa espasyo sa tabi niya.



“ Bakit diyan pa?”



“ Kasi nandito ako. Bilisan mo nga para matapos na tayo.”



>///< Gunggong, ano kaya na naman ang naiisip niya na ipagawa sa akin.



“ Ano? Tatayo ka na lang ba diyan?” untag niya sa akin.



Lumapit na ako  at nag-indian sit sa tabi niya.

Campus Sweetheart: THE SHOTGUN WEDDING (Ongoing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon