Chapter 16 " His Pain and Anger "

1.4K 21 6
                                    

Sorry for the late update. Naisulat ko na tong update ko sa notebook kaso wala akong time na itype sa dami ng ginagawa ko.


Vote and Comment po:))

#urockmyheart <3

*********************************************************

LEI POV

 

“ Pa. ayos lang ho ba kayo? May masakit pa ho ba bukod dito sa braso ninyo?” Nag-aalalang sinipat ko ang nakasementong braso ng Papa.

Tumatawang binawi naman niya ito. “ Huwag mo akong intindihin anak.  Ayos ako. Hahaha.”



Galing kami sa ospital.  Ayon sa doctor na tumingin rito ay nagkaroon ng fracture si Papa sa braso kaya kinailangan na isimento ito.

Paika-ikang nagtungo si Papa sa sofa dahil pati ang mga binti niya ay nabugbog.

“Iha, hanga ako sa lakas mo. Biruin mo , sa liit mo pakiramdam ko sampung lalake ang bumugbog sa akin. Hahaha.” Tuwang tuwa pa si Papa sa nangyari, nabugbog na nga siya.    

-_____-



Nahihiyang tumungo si Chryzl. I saw guilt in her eyes.

“ Panatag na ang loob ko dahil sigurado akong mapapatino mo ang anak kong si Lei. You know playboy ang batang yan. Di ko nga alam kung kanino niya namana ang pagiging babaero niya.”




“ Pa!!”awat ko sa kanya. Baka kung ano pa ang masabi niya kay Chryzl.[

“ What? Im just telling to your girlfriend that she has to be understanding and patient. Pero sa tingin ko , you would’nt dare to have another woman. Nakita mo naman kung ano ang kaya niyang gawin. Hahahhaha.”




-______- He doesn’t have to say it. Alam ko naman yon.

“ She’s not my girldfriend Pa.” Mula sa presinto hanggang sa ospital, sinabi ko na sa kanya na di ko girlfriend si Chryzl. Paulit-ulit na lang.

Humalukipkip si Papa at ngumisi. “ Kung di mo siya girlfriend, bakit hawak mo ang kamay niya? Nanunuksong tukoy niya sa kamay ko na nakahawak sa kamay ni Chryzl.

Campus Sweetheart: THE SHOTGUN WEDDING (Ongoing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon