Kasal sa bayan

31 2 0
                                    

Kasal sa bayan
By: Jc Magtalas

Isang bansang sabit-sabit ang bawat kilos at ito'y  dugtong-dugtong.
Iisang layunin ang mabubugtong kung lahat ay nakakakapit sa pagmamahal na dapat sa baya'y pinapapalasap.
Bilang estudyante
Bilang ako
Bilang kayo
Bilang Pilipino
Dapat na umawit,
hindi lamang upang makaakit at maipakita na may talento.
Kundi para bigyang pugay,
at gawadan ng respeto ang pagkakakilanlang taglay mo.

Iisang awit,
pambansang awit,
puno ng inadayog at ritmo ng aking pagkatao.
Akoy isang Pilipino.
Ay teka masyado yatang malalim ang isang tulad ko.
Balik tayo sa pagiging estudyante.

Mahilig akong gumala,
magbasa,
sumama sa tropa,
maglamyarda sa kalye.
Pero kahit ganun.
Hindi magpapahuli sa klase,
maski sa pagkilala ng bawat detalye ng titik na inilapat ni Quezon sa alpabetong ginamit ko sa pagkanta, pagtula at paggawa ng rason.

Hindi ako magpapahuli.
Bawal maging huli kung mahal mo ang pagiging si Juan.
Hindi ako tatamad tamad at kung maari'y susungkitin ang buwan.
Para sayo?
Mali kundi para sa bayan.
Ako ang pag-asa ng bayan.
Isang kabataan.
Kabataan na isusuko ang bataan.
Biro lang dahil,
magbabago ako.

Hindi lamang magsusuot ng takong,
Magngangat ngat ng kangkong
At mag-liliwalil na kala mo'y huling araw ko na't handa na ang kabaong.
Magbabago ako.
Mag aaral ako.

Para mapatunayan na tama si Rizal.
Para maipakita aking tunay na pagmamahal sayo.
Oo para sayo.
Sweet ko diba?
Kiligin ka naman.
Lalo na't kasama ka sa iniirog kong bayan.

Oh. Sorry hindi ako loyal.
Hindi lang isa ang aking mahal.
Ikaw, siya. Sama na natin siya.
Dagdagan mo pa ng isa.
Lahat nga kayo mahal ko.
Dahil pag nag-aral ako.
Makikita mong tunay ang sinasabi ko.

Tila isang paraiso ang hubog na isipan.
Tila isang liwanag sa mahabang kadiliman.
Para sa bayan.
Pawer.
Para sa bayan.

Isang pawer na mayroon tayo na hindi manlang natin tiningnan, sinulyapan o hinagkan.
Isang pawer na lahat ay may taglay ngunit sa iba tayo nagbigay ng atensyong di mo intensyon.
Pero di pa huli.

Nagtataka ka siguro kung bakit traffic sa edsa, Nlex, Cavitex, slex at iba pa? Nakakatawa nga na pati Mrt tinatraffic na ng mabagal na pila.
Pero kagaya ng Transportasyong ito, bagamat mabagal ang kilos,
kapag naging maayos ang daloy ng pila.
Sabay sabay tayong ihihila paparating sa paroroonan.
Mabagal man.
Pero may kaunlaran.
Pila.
Pila.
Pila.

Pi- Pinoy
La-Lahat tayo.
Iisang pagkatao.
Iisang elemento ng bawat kasaysayan ang mayroon ang ginagalawang bayan.
Balik tayo sa pagiging kabataan.
Wala munang kaechosan.
Sa simpleng paraan.
Mahalin ang bayan.
Bilang pag asa na sabi ni Rizal. Huwag lamang iasa sa dasal.
Mahiya ka't kumilos,
sumunod sa batas,
bilang mabuting indibidwal
nang mabawasan ihahayag mo sa kumpisal.
Mahal ko ang bayan.
Mabuhay!
Kami ang bagong kasal.

Pahayag ng DamdaminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon